Naaalala niyo pa ba yung diwatang bading ng Luneta? Well, parang naulit na naman ang ganitong pagkakataon sa akin. At this time, really close na talaga at muntikan pa akong ma-devirginize!?
Nitong kamakailan, habang binabaybay ko ang Greenbelt… G-R-E-E-N-B-E-L-T… may lalaking ewan ang tumapik sa aking balikat. Nagtatanong siya sa akin ng direction. English-speaking pa ang mokong kaya naman kinausap ko siya at para ma-practice ko rin ang napag-aralan ko sa speech class ko 4 years ago.
“Do you know the way to EDSA?” tanong ng stranger na sumulpot bigla sa likuran ko with matching usok at the background at sound effects na POOF.
“Yeah, you’ll turn right… blah, blah, blah” sagot ko naman. Ang gago naintindihan ang salita kong blah blah blah, may lahi rin yatang alien itong taong unknown na ito.
“Are you going the same way too? Can I walk with you instead?”
At dahil pinapalinis ko pa ang isang turnilyo ng chopper ko pumayag ako na samahan siya. “Oh sure!” sagot ko. Di ba napaka-nice at napaka-accomodating ko?
“You’re so nice and very accomodating. I like you.”
Sabi sa inyo mabait at accomodating ako.
Tapos yun, while on the way nagkukuwentuhan kami. From Canada raw siya, engineer, anak ng Pinay at nandito lang siya sa ‘Pinas para mag-masteral sa La Salle. Currently residing daw siya sa MIA at mag-isa siya dun. Tinanong niya rin kung saan ako nakatira kaya sinagot ko naman. Pero siyempre di ko naman ibinigay ang full address ko. Mukha naman siyang mabait at harmless, kasi paulit-ulit niya sa aking sinasabing friendly ako at “nice” nga raw kaya inisip ko ngang mabait siya. Madali lang naman kasi akong maniwala sa mga compliments.
Pagdating sa may bandang SM Makati, malapit na sa sakayan ng bus nag-suggest siya.
“I’m taking the MIA bus, I think we should take the same bus. You’re going the same way too, right?”
REGAL SHOCKERS. I smell something fishy. Paglingon ko sa tabi, biglang nagkaroon ng palengke ng isda sa Ayala. Kinutuban na ako. Alam kong may kakaiba sa mga suggestion ng unknown guy na ito. At dahil ngang likas pa rin akong “nice” at “accomodating”, nag-agree pa rin akong sumabay sa kanya. Baka kasi makalibre ako ng pamasahe.
Heto na ang exciting part na kina-aabangan niyo, sa loob ng bus.
Humanap ako ng pwesto na maaliwalas, kung saan may green fields at rainbow sa paligid para medyo makaiwas ako sa naka-ambang panganib mula sa stranger na kasama ko. Sa two-seater una kaming pumuwesto, pero di siya kumportable dun. Kaya lumipat kami sa may three-seater. Medyo maluwag pa ang bus nu’ng sumakay kami kaya sina-suggest niyang lumipat kami sa likod ng bus. My guhulay talaga, makulit siya. Ako ang bida kaya syempre di na ako pumayag. Tapos nagsipasukan na ang mga pasahero sa bus at dahil swerte ako ng gabing iyon, may tumabing butanding sa tabi ko. Syet talaga, naipit pa ako kasama nitong unknown guy na ito.
Tapos heto na, nagsimula na siya. Pinuna niya ang aking mga daliri ko. Napansin niyang maninipis ito at hinimas-himas niya ang mga ito. He liked it daw kasi kakaiba ito. Tapos sinubukan niya pa akong bigyan ng palm reading na wala naman siyang nabanggit na forecast man lang. Minsan na nga lang akong hulaan wala pa siyang nabigay na-forecast. Heto pa, pinipilit niya pa akong pumunta ako sa bahay niya that night.
“You can get drunk and sleep there.” ang paulit-ulit niyang sinasabi sa akin.
Syet talaga. Gusto ko ng buhatin ang butanding sa tabi ko at ihagis sa kanya. Pagkatapos niya ba namang himasin ang mga kamay ko na wala naman siyang nabigay na hula, yayayain niya pa ako sa kanyang bahay.
Heto na ang matindi, sabi niya PT rin daw siya. Nagugulumihanan na talaga ako sa pagkatao nitong desperadang bading ng Makati. Tapos, malalaman daw na healthy ang tao sa kanyang mga calves. Kaya naman yumuko siya para kapain ang aking mga binti. Akala ko naman, kakapain niya lang. Nagulat na lang ako nang itinaas niya ang laylayan ng jeans ko at saka niya hinawakan ang calves ko. Oh syet, iba na talaga ito. Pinipilit niya pa rin akong pumunta ako sa kanila that night, pero talagang todo decline ako sa offer niya. Ayoko pang ma-devirginize that night. Hindi pa ako ready. At lalo, hindi dapat sa kanya!!!
Hindi niya ako napilit, kaya naman bumaba na ako sa dapat kong babaan. Kaya naman nu’ng umalis na ako sa kinauupuan ko sinabi ko sa kanya “I’ll catch you sometime!” Regal shockers! Ano ba ang pinagsasabi ko? Ayoko na siyang makita ulit. Ang gusto ko talagang sabihin sa kanya sa pag-alis ko, “Kainin ka sana ng butanding sa tabi ko (Translation: I hope the whale shark beside me will devour you, shatter your organs into thousand pieces and be defecated that worms and flies will feast on).”
Bumaba na ako sa bus ng mabilis at tinaniman ng C4 ang bus para siguradong di ko na siya makita ulit.
Ewan ko ba, kung bakit sa lahat-lahat ng na-se-seduce ko ng aking katakam-takam na kaguwapuhan ay ang mga ganitong tipo pa ang naaakit ko. Ok lang kung mga ordinaryong bading, bakit ba naman kasi yung mga inmates ko pa sa Makati Med Asylum na may sayad ang kailang maakit ko? Malakas yata talaga ang attraction ko sa mga baliw.
Kasalanan itong lahat ni Gabby Concepcion.
Kung kayo ang nasa ganung sitwasyon, ano ang gagawin niyo?
Ako, sa susunod na mangyayari yun, magpapabayad na ako. Wala silang dapat problemahin, nag-i-issue naman ako ng resibo at warranty.
April 20, 2008
Like








May 24 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
hmm
kasalanan ni gabby concepcion ito
seryoso
hahaha
e kasi naman
wag ka nagpapakyut sa daan
ang hilig hilig mo magngingingiti
bolahin ka lang ng konti
sus
hmm
mabuti di ka pumayag
haha
Reply
ahahaha! tawa ako ng tawa dito habang binabasa ang entry na to.
pareho kayo ng aking
petbf. lapitin ng mga bading! hahahaha.buti nakatakas ka pa! hahaha. anak ng tokwa, naka-chancing pa siya sa iyo! =P
Reply
ahuhu nararamdaman ko ang nararamdaman mo. Buti naman at nakakita ako ng kauri ko. AHUHUHU!
Billycoy: Huwat? Kauri mo yung desperadang bading ng makati?
Reply
WTF! Ayos sa translation ha, andami palang katumbas nung tagalog sentence na yun…bwahaha! Sayang unti na lang siguro nakuha na nya ang pag ka tao mo bwahahaha!
Reply
@hener lol! Ok lang gawa na lang kayo ng support group sa mga mamanyak ng bakla, sabi nga me karma din ang boys lol kung ang boys namamanyak ng girls ang gays naman ang mamanyak sa boys bwahaha!
Reply
gwapo ba siya? sana ako na lang hinarass niya! lolz.
Billycoy: Isa nga sa rason kung bakit di ko dinescribe ang hitsura niya. Baka ako pa ang lumabas na masama. Ayokong lumabas na manlalait… kahit totoo yun!
Reply
Tsk tsk tsk, mukhang tinahak mo din ang landas na tinahak ko noong napadpad ako sa cubao at ma-pick up ng kung sinong mayroong mutated na dugo.
Ambaba ng offer sa akin, 500 lang. The shit.
Nabilib naman ako dahil umabot ka pa sa puntong kasama mo pa siya sa bus at nahawakan ka pa niya. Ambait mo nga talaga.
Billycoy: I told ya… I’m nice and accomodating
Reply
This happened to me before. Hehe pero usually mga parlorista yung mga naa-attract sken. Nyahaha! = P
Reply
ay!
nalala ko 2loy nung me tumabi sakin sa bus. akala ko hold-upper with matching leather jacket na itim.
but no!
nang tumugtog ang forever’s not enough, bumirit sya! ampf.
Billycoy: Ay diva pala ang bruha!
Reply
hahaha.. aun naman! tsktsk.. muntik na.. buti na lang.. talagang my chancing na kasama eh no? sobrang baet mo kasi.. ilabas na ang sungay kahit konti lang.. bwahahaha..
Billycoy: Ay sungay ba ang dapat ilabas? iba kasi ang nailabas ko that night!
Reply
ahe he he…buti naman at indi ka nilapastangan sa bus..dami ko na ding karanasan katulad niyan..hala mo..indi ka nila tatantanan.!
Billycoy: Oo nga eh, nangungulit na nga sa akin sa phone eh! Buti na lang sa isa kong phone yung ibinigay ko.
Reply
pareho lang pala tayo. there is an incident din, when I was in high school. Maundy Thursday noon. nagsimba ako. Tapos may guy sa tabi ko. Noong peace-be-with-you part na, medyo nakakatakot ang pagkasabi niya. Pero hindi ko inalintana yaon.
paglabas ko nang simbahan ay nagwithdraw ako ng money from my ATM. as I was about to make para a jeep, nasa likod ko pala siya at niyaya ako na manood ng sine. A bold movie at that. Hay! dali-dali akong sumakay ng jeep. hindi ko na inisip kung anong route yun. basta i can get rid of him lang.
Reply
grabe agressive naman nun. scary siya ah, kung cute siya baka sumama ako hahaha
Reply
hirap maging gwapo…problema ko rin yan eh!
Reply
nyuahahahaha
nako mr. dacuycuy
ano na ba ang pumasok kasi sa utak mo at sumama ka nalang basta basta sa isang di mo kilala?!
adeek
ayan
sa susunod wag ng uulitin dahil mamaya mas matindi pa abutin mo hehe
Reply
weeee… habulin nga ng mga shokla..
haha.. by the way ganda na ngaun ng site mo. Umasenso ka na ata..hahah
dahil rin ba yan kay gabby??? weeee..
Reply
aw haha.. wala ako ma-say pero dami ko ring guy friends ang na-harassed din ahaha.
first comment ko ‘to sa bago mong site ehehe.
Reply
Uhm, I’m not sure what happened to my comment here a few days ago. O_o But if it got eaten alive by wordpress, then let me just say that I think your blog’s really interesting. You write really well and are one hell of a funny, too. And we all know funny’s the new sexy! LOL.
Not sure if we’ve met but see you around. XOXO
Reply
yung friend ko ganyan din, habulin ng bading. yung pinakamalala e nilapastangan na siya sa jeep, tinutukan at hinawakan yung ano niya.
meron pa isa, habang nasa c.r., may lumapit at naghahanap daw ng talent, kinukuha yung number niya, nag decline siya, e makulit, tinakbuhan nalang niya.
natawa nga ako sayo kasi talagang sinamahan mo pa ano? hahahaha
Reply
ito ang unang beses kong pagbisita sa bago mong bahay pareng billycoy… at talaga nga namang nakakatuwa. sana naman i-add mo na ako sa blogroll mo dis tym.
KUNG AKO SAU… sa babae ka muna magpadevirginize… saka na sa ikatlong lahi.
Reply
hahaha,, nakakatawa nmn un! at sinong may sabing bading lang ang naaakit mo? *ehem… hahahaha
Reply
“kung bakit sa lahat-lahat ng na-se-seduce ko ng aking katakam-takam na kaguwapuhan ay ang mga ganitong tipo pa ang naaakit ko..”
kasalanan yan ng mga magulang mo kung bakit ganyan ang itsura mo… at kasalanan din nila kung bakit sobrang bait mo at very accommodating… tsk.tsk.tsk.
nakajakpot sana yung alien na yun!
Reply
[...] Naaalala niyo pa ba yung diwatang bading ng Luneta? Well, parang naulit na naman ang ganitong pagkakataon sa akin. At this time, really close na talaga at muntikan pa akong ma-devirginize!? Ituloy ang pagbabasa. [...]
[...] eksena sa buhay ko. Noong college, naakit sa akin ang diwatang bading ng Luneta, 2 years ago hetong desperada ng Makati tapos ngayon meron na naman. Heto pa ang nakakatakot, resident pa yata siya sa building ng office [...]