Siguro naman damang-dama niyo na ang pinaghalong init ng summer at ng global warming. Bukod sa pag-iinit ng laman niyo sa akin at pag-iinit ng ulo tuwing binabanggit ko yun. Ganun talaga pag summer, lahat umiinit… lalo na ako!
Syempre kapag summer, bukod sa mainit na panahon, may isa pa ang uso. Ang mangitim. Though, maraming Pinoy pa rin ang ayaw mangitim pero di pa rin mawawala yun dahil uso ang swimming at bitching… este beaching. Kaya ang hindi maitim ngayong summer… ay OUT. Tatak ng pagbabakasyon ang pangingitim ng balat. Kaya kapag may sunburn, nakapagbakasyon. Syempre kapag nakapagbakasyon na, marami ang maiinggit. Pag maraming naiinggit, magkakaroon ng patayan. Kapag may patayan, mababawasan ang population ng bansa. Hindi na overpopulated ang bansa, wohoo!
Nitong nakaraang holy week nitong Marso ay nagbakasyon kami. Kaya hayun, naging golden brown ang aking kutis. Para akong piniritong manok, hindi nga lang crispylicious, pero yummylicious naman. Originally, moreno na ako at tila halos wala na nga yatang mapagsusuotan ang UV rays sa aking balat, ay akalain mong mangingitim pa rin pala ako. Naging three times darker talaga ako after that vacation.
THREE TIMES DARKER, THREE TIMES MORE HANDSOME.
So paano ba maging maitim kahit hindi magpunta sa beach o mag-swimming?
- Meron na ngayong mga tanning salon, whether spray tanning or yung UV lamp tanning nagagawa na. May kamahalan nga lang pero kung afford ang magwaldas ng pera sige lang. Hindi naman ako ang gagastos. Trivia: Nagpa-spray ng 24K gold tan noon ang divang si Mariah Carey. Kaya naman kung kaibigan niyo siya, i-sanla siya sa malapit na pawnshop para magkapera.
- Sa tanghaling tapat, umakyat sa bubong, hubarin ang kasuotan, humilata, tabihan ang mga mangamoy-ngamoy na jebs ng mga pusa at mag-sunbathing. Instead na tanning lotion ang gamitin, gumamit na lang ng barbecue sauce para kung sakaling makatulog at makaligtaang nasa ilalim pala ng matinding sikat ng araw, may barbecue na ang mga kapitbahay pagdating ng hapon.
- Pumunta sa EDSA at tapatan ang tambutso ng mga smoke belching na bus. Walla! Maitim na at in an instant may chance na kagad magkaroon ng lung cancer.
- Kumuha ng uling o grasa at ipahid sa buong pangangatawan. Samahan na rin ng dreadlocks na buhok at ng gula-gulanit na damit at maglakad sa kalsada para ipagmalaki ang maitim na balat. Pwede na ring samahan ng plastic caps para kapag nagpahinga sa isang waiting shed o sa tabi-tabi, may chance pang mabigyan ng pera.
- Kumuha ng posporo o lighter at sindihan ang damit.
Iyan lang naman ang ibang paraan para mangitim this summer. Well, sinabi ko namang ITIM hindi naman TAN di ba?
April 27, 2008
Like








May 19 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
WHAT THE?! Isama mo na rin dyan ang pag-gulong sa pintura lol
Reply
Masundan nga ang mga helpful at napaka-safe na ways na yan. Maraming salamat! :p
Reply
“Kapag may patayan, mababawasan ang population ng bansa. Hindi na overpopulated ang bansa, wohoo!”
Eto na siguro ang sagot sa kahirapan.
)
Reply
hahahaha! Oo nga! Panalo!
Reply
hahaha,,,, nakakaitim talaga siya…
pagkatapos mong gawin ung steps….
try ko kyang magblack…
kita pa kaya ako??/
Reply
bongga na ang site mo.
If u want to get itim why not live somewhere sa hot place i’m xure panalo ka sa kaitiman mo,
hhahaha..like ur site not the owner..weee
Reply
akalain mo, naglevel ang lolo mo, nasa ibang tirahan na ^_^
parang ayoko naman mag sun bathing sa taas ng bubong taragis na yan bwahahaha *_* … charcoal ang abot mo nyan hinde lang bbq.
Reply
Ayokong mangitim, sa totoo lang. Kayumanggi na ang kulay ng balat ko, at OK na yun. Haha.
Reply
‘Kumuha ng posporo o lighter at sindihan ang damit.’ Yan nalang. Less effort. Haha.
LMHO. HAHAHA Cool blog. Glad I stumbled upon this. Will definitely subscribe!
Reply
ANG BOBO NG MGA IDEAS MO!
mas maganda kung maglutang ka sa swimming pool tapos maaraw. diba?
lol. astig ang mga payo – at tama ka. THREE TIMES DARKER = THREE TIMES MORE HANDSOME!
Reply
pwede rin na maglinis na lang ng kwartong isang taong di nalilinis para umitim.
may libreng hika nga lang pagkatapos.
o kaya, tumabi ka na lang sa taong maputi. hehehe. yun ang pinakaless effort
Reply
ako lang ata ang hindi nakapagswimming sa beach ngayong summer.. ahuhuhu…
magbababad na lang ako dito sa may bukid samin.. hahaha..
pede ding magtanim ako.. hahaha.. naexercise pa..
Reply
Meron bang skin transplant? Yung magpapatransplant ka ng balat mula sa singit tapos itatapal sa buo mong katawan para maging naturally and surgically dark ka na.
Reply
hehehe…ang saya! basta kontento na ako sa balat ko…:)
Reply
bisita ka sa blog ko:)pls?
Reply
napapansin kong ‘di ka na nagwa-YM?:’(
Reply
[...] Siguro naman damang-dama niyo na ang pinaghalong init ng summer at ng global warming. Bukod sa pag-iinit ng laman niyo sa akin at pag-iinit ng ulo tuwing binabanggit ko yun. Ganun talaga pag summer, lahat umiinit… lalo na ako! Ituloy lang ang reading… [...]
[...] >>Billycoy’s Blasted Brain Blogs » Blog Archive » Get “In” This Summer [...]
[...] >>Billycoy’s Blasted Brain Blogs » Blog Archive » Get “In” This Summer [...]