Browsing articles from "April, 2008"
Apr 4, 2008

Introduction: A Beginning of the Start of the New Prologue

Matagal niyo bang hinanap ang matagal kong pagkawala sa mundong ibabaw? Iniisip niyo bang apektado ako sa pagdating ni Gabby Concepcion o namatay na sa kagutuman dahil hindi makabili ng NFA rice? You get it wrong guys. O baka naisip niyo na ring kinain ako ng pating sa talahiban ng Batangas o nagahasa na ng baklang 9’2″. Mali pa rin. Buhay na buhay pa rin ako, virgin at napakagwapo pa rin. At nasa bagong tahanan pa. Sabi naman sa inyo bigtime ako. Daanin niyo lang sa dasal kay Mighty Judai.

At dahil nga nagsisimula ako sa bagong blog, magandang gumawa ng intro.

Sa mga bagong salta sa blog ko, binabalaan ko kayo ngayon pa lang. Walang kakwenta-kwenta mga pinaglalalagay ko dito. Kung may natitira pa kayong respeto sa sarili niyo, isara na ang browser na ito. parang awa niyo na, mahabag kayo sa sarili niyo. Pero kung trip niyong mahibang sige lang go sa pagtambay.

Sa mga loyalista dyan, salamat sa patuloy sa pagiging uto-uto at pagsunod sa akin, maraming salamat. Handog ko ang isang masusansyang palakpak at halik sa mga pisnge ng pwe ninyo.

Na-surprise ba kayo?

Be the first to like.
Pages:«12

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines