Lumipas na naman ang aking birthday kaya heto ako ngayon, still young at 17… este 25. Silver age na para sa akin kaya pwede na akong pamuksa sa mga werewolf. Medyo disappointed lang kasi walang nag-prepare ng surprise party para sa akin. Kaya salamat sa lahat ng nakaalala na bumati sa akin sa araw na iyon. Bagama’t walang surprise party o anumang engrandeng celebration isa na yata ang birthday na ito ang di ko malilimutan.
May 16. Wala naman masyadong kakaiba sa araw ko, maliban sa sumisigaw at sobrang tingkad na kulay ng aking Gola shoes na green at yellow, nakakauhaw na kagwapuhan at syempre, ang mismong araw ng aking kapanganakan. Marami na rin akong natatanggap na greetings sa cellphone, online, offline at sa mga kaibigan at mga katrabaho, though nag-expect ako ng mala-showbiz na video greetings ay wala namang dumating. Pero siyempre, kapag binabati ka ng birthday asahan mo na ang susunod sa linya ng “Happy Birthday”.
“Pa-blowout naman dyan”
o kaya
“Pa-jerjer…
este
“Pa-cheeseburger ka naman!”
Maraming nangantyaw pero dahil matigas ako… este kupal ako… I mean, stubborn ako, hindi ko sila pinagbigyan, ilan lang ang pinagbigyan ko.
Like I said earlier, hindi ko makakalimutan ang birthday kong ito.
Lunchbreak. Nag-lunchout kami ng kaibigan ko. Mukhang maayos naman ang lahat dahil sa yellow at green kong sapatos at nabubusog naman kami sa Pizza and Pasta. Hanggang sa maya-maya ay unti-unting bumuhos ang ulan na sinamahan pa ng kulog at kidlat at kadramahan nila Echo at Heart Evangelista. Labis ko yung ikinabahala — yung ulan, hindi ang hiwalayang Heart-Echo — dahil mababasa ang aking yellow and green shoes. Pero sa pagkabahalang iyon, iba ang nangyari sa akin.
Habang nagmu-multitasking ang aking bunganga sa pagkain at pakikipag-usap, naramdaman ko ang isang katangi-tangi at napakatinding sakit. OH SYET, sobrang sakit! May pumasok sa aking biyak. Pumasok ang mani ni Charlie Chan sa aking biyak. Imagine yung sakit kapag may pumasok na mani sa biyak tapos unti-unti pang nababangga. Parang ibinabaon sa kasuluk-sulukan yung mani sa aking biyak. Grabe talaga. Halos maiyak nga ako sa tindi ng sakit, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko kasi bumubuhos din ang ulan, isipin pa ng marami na depressed ako. Kaya minabuti ko na lang na maging maputla at mukhang natatae kaysa mukhang wala ng pag-asang mabuhay pa.
Pinilit kong kapain ng aking dila yung mani. Naabot naman ng dila ko yung mani sa biyak, kaso nahihirapan siya makuha ito. Matindi ang kapit ng mani dun sa biyak kaya no choice na ako para gamitin ang isa ko pang option, ang aking daliri. Dali-dali akong nagpunta sa CR, humarap sa salamin at kinapa ko ang mani. Medyo mahirap siyang kapain kaya ipinasok ko na ng husto ang aking hintuturo at hinlalaki para maabot ng tuluyan ang mani sa biyak. Medyo natagalan ako at kailangan pang maglabas-masok ang aking mga fingers para makuha ko lang ang aking nais.
After a few minutes sa banyo, nakuha ko na rin ang nais ko. Lumabas rin siya sa wakas. Natanggal ko na ang mani! Natanggal ko na ang mani sa biyak ng aking ngipin. At may kasama pang nakapalibot na itim sa paligid — mga tartar siguro yun. Dusa talaga ang mani sa biyak na iyon, ang tinding pasakit. Kahit natanggal ko na nga yung mani at nakapag-toothbrush na ako, may panaka-naka pa rin akong sakit na nararamdaman. Kaya di pwedeng makalimutan ko ang kaarawan kong iyon.
So far, hindi rin naman ako na-wet at hindi rin nabasa ng ulan ang aking Gola shoes pagkatapos ng lunch namin sa Yellow Cab.
Tandaan parati, brush your teeth regularly and visit your dentist annually para hindi magkaroon ng biyak ang ngipin at pasukan pa ito ng mani.
Pero tandaan din, may mga biyak din na naturally ay may mani kaya huwag itong tatanggalin!!!
—————
Muli, lubos akong nagpapasalamat sa mga bumati at nakaalala sa akin. Sa mga nakalimot dyan, mag-ipon na kayo para sa regalo niyo next year bilang parusa sa pagkalimot ng aking kaarawan.