May 18, 2008

Billycoy’s Birthday Blast 2008

Lumipas na naman ang aking birthday kaya heto ako ngayon, still young at 17… este 25. Silver age na para sa akin kaya pwede na akong pamuksa sa mga werewolf. Medyo disappointed lang kasi walang nag-prepare ng surprise party para sa akin. Kaya salamat sa lahat ng nakaalala na bumati sa akin sa araw na iyon. Bagama’t walang surprise party o anumang engrandeng celebration isa na yata ang birthday na ito ang di ko malilimutan.

May 16. Wala naman masyadong kakaiba sa araw ko, maliban sa sumisigaw at sobrang tingkad na kulay ng aking Gola shoes na green at yellow, nakakauhaw na kagwapuhan at syempre, ang mismong araw ng aking kapanganakan. Marami na rin akong natatanggap na greetings sa cellphone, online, offline at sa mga kaibigan at mga katrabaho, though nag-expect ako ng mala-showbiz na video greetings ay wala namang dumating. Pero siyempre, kapag binabati ka ng birthday asahan mo na ang susunod sa linya ng “Happy Birthday”.

“Pa-blowout naman dyan”

o kaya

“Pa-jerjer…

este

“Pa-cheeseburger ka naman!”

Maraming nangantyaw pero dahil matigas ako… este kupal ako… I mean, stubborn ako, hindi ko sila pinagbigyan, ilan lang ang pinagbigyan ko.

Like I said earlier, hindi ko makakalimutan ang birthday kong ito.

Lunchbreak. Nag-lunchout kami ng kaibigan ko. Mukhang maayos naman ang lahat dahil sa yellow at green kong sapatos at nabubusog naman kami sa Pizza and Pasta. Hanggang sa maya-maya ay unti-unting bumuhos ang ulan na sinamahan pa ng kulog at kidlat at kadramahan nila Echo at Heart Evangelista. Labis ko yung ikinabahala — yung ulan, hindi ang hiwalayang Heart-Echo — dahil mababasa ang aking yellow and green shoes. Pero sa pagkabahalang iyon, iba ang nangyari sa akin.

Habang nagmu-multitasking ang aking bunganga sa pagkain at pakikipag-usap, naramdaman ko ang isang katangi-tangi at napakatinding sakit. OH SYET, sobrang sakit! May pumasok sa aking biyak. Pumasok ang mani ni Charlie Chan sa aking biyak. Imagine yung sakit kapag may pumasok na mani sa biyak tapos unti-unti pang nababangga. Parang ibinabaon sa kasuluk-sulukan yung mani sa aking biyak. Grabe talaga. Halos maiyak nga ako sa tindi ng sakit, pero pinigilan ko na lang ang sarili ko kasi bumubuhos din ang ulan, isipin pa ng marami na depressed ako. Kaya minabuti ko na lang na maging maputla at mukhang natatae kaysa mukhang wala ng pag-asang mabuhay pa.

Pinilit kong kapain ng aking dila yung mani. Naabot naman ng dila ko yung mani sa biyak, kaso nahihirapan siya makuha ito. Matindi ang kapit ng mani dun sa biyak kaya no choice na ako para gamitin ang isa ko pang option, ang aking daliri. Dali-dali akong nagpunta sa CR, humarap sa salamin at kinapa ko ang mani. Medyo mahirap siyang kapain kaya ipinasok ko na ng husto ang aking hintuturo at hinlalaki para maabot ng tuluyan ang mani sa biyak. Medyo natagalan ako at kailangan pang maglabas-masok ang aking mga fingers para makuha ko lang ang aking nais.

After a few minutes sa banyo, nakuha ko na rin ang nais ko. Lumabas rin siya sa wakas. Natanggal ko na ang mani! Natanggal ko na ang mani sa biyak ng aking ngipin. At may kasama pang nakapalibot na itim sa paligid — mga tartar siguro yun. Dusa talaga ang mani sa biyak na iyon, ang tinding pasakit. Kahit natanggal ko na nga yung mani at nakapag-toothbrush na ako, may panaka-naka pa rin akong sakit na nararamdaman. Kaya di pwedeng makalimutan ko ang kaarawan kong iyon.

So far, hindi rin naman ako na-wet at hindi rin nabasa ng ulan ang aking Gola shoes pagkatapos ng lunch namin sa Yellow Cab.

Tandaan parati, brush your teeth regularly and visit your dentist annually para hindi magkaroon ng biyak ang ngipin at pasukan pa ito ng mani.

Pero tandaan din, may mga biyak din na naturally ay may mani kaya huwag itong tatanggalin!!!

—————

Muli, lubos akong nagpapasalamat sa mga bumati at nakaalala sa akin. Sa mga nakalimot dyan, mag-ipon na kayo para sa regalo niyo next year bilang parusa sa pagkalimot ng aking kaarawan.

Be the first to like.

24 Comments

  • kasalanan ni gabby ito e
    hahaha

    alam ko tatantanan ko na
    o baka naman
    dahil masyado matingkad
    ang yellow and green?

    finifinger mo pa yung mani
    astegs
    :)

    mabuti naman
    at nakarekober ka na
    happy birthday ulit

    Reply

  • Panalong birthday entry!

    HAPPY BIRTHDAY! :D

    Reply

  • happy birthday ulit billycoy dacuycuy!! :D hehehe

    yellow at green talaga ang sapatos mo??? waaaaaaaaaaaaa!

    salamat sa biyak at mani tip :D dapat mag sipilyo na ako araw araw.. nyok nyok.. haha

    Reply

  • Happy Birthday! (belated);)

    Reply

  • si gabby ang may kasalanan nito.

    ah alam ko kung bakit umulan, kasi maganda ang shoes mo. ganun kasi ako e. pag bago ang shoes ko laging naulan. hehe :)

    biyak, finger, mani.. weee.. wala ako masabi. haha!

    belated happy birthdaY! :)

    Reply

  • Haha kumain ka pala ng mani nung birthday mo. masarap ba? LOL

    Reply

  • Bastos ka pa rin kahit birthday mo! Happy Birthday! ;D

    Billycoy: Uy hindi ako bastos ah! Mahalay lang

    Reply

  • Sarap ng mani noh!? Geh! Kitakits nalang! BWHAAHHA

    Reply

  • belated bro…kamusta naman ang pag finger sa mani?

    Reply

  • Belated hapi bertdei sa iyo. Sa susunod, mag-ingat na sa pagkain ng mani. Hehe

    Reply

  • belated happy birthday! hehe.. better be late than never. lol.

    Reply

  • ikaw pala si kuya bunso.. :-)

    Reply

  • Happy Birthday! Akala ko naman kung anong “biyak” yun. Iba kse yung pumasok sa isip ko. *LOL*

    Reply

  • nagbbirthday ka pala! akalain mo yun!? hahaha! joke lang!

    HAPPY BIRTHDAY!

    ano gusto mong gift?!

    Billycoy: Hmm… super sizzling hot and smokin’ girlfriend… pwedeng sex toy na lang din.

    Reply

  • Late na ng three days.

    Happy Birthday!

    Reply

  • Ewww…Gola = GOLAman bwahahaha kasi naman pabunot mo na yan noh! Huwag mo ng hintayin na matangal yan, wag kana mag tipid at hintayin matangal ng kusa noh.

    Reply

  • huh? wala pa pala akong comment?

    anyway, gumamit ka kasi ng toothpick sa susunod. medyo masakit lang pag tinamaan yung mani sa biyak ng matulis na bagay. pero at least matatanggal mo agad di ba? hehe.

    happy birthday billycoy! belated!

    Reply

  • I was actually hoping to see you last iBlog 4 :D You gave comments in my blog before. :D And I like ypoour blog too. :)

    Ayun. Happy Birthday!

    Billycoy: Hindi lang iBlog ang hindi ko na napupuntahan ngayon, ang dami ng blog events ang napalagpas ko.

    Reply

  • yow! hehe.. Belated… nabati na kita sa multiply ryt? hehe…

    la lang,,, nice birthday entry. mani pa ang nagpahirap sau nung birthday mo..tsk tsk! ;p

    Reply

  • waaaahhh. kala ko kung anong biyak na yun at mani. pero san galing yung mani?? sa pizza?? o sa pasta? hehehe.

    buti nga hindi ka nawet ang shoes mo. mahal pa naman yata yan hehehe

    ang konti nang blogroll mo bliiycoy sana mapsama ako jan one of these days hehehe. parang presitgious ang blogroll mo. kung baga parang OSCARS at Grammys hehehe. Sana.

    Reply

  • haha, nice meeting you tsong, though di tayo masyado nagkausap dahil ang layo nyo at nagsosolo kayo ni xienah girl, haha! piece naman! heynwey, lam mo ba na iba ang iniisip kong billycoy, so i thought all along na yung billy na nameet ko sa yehey sponsored trinoma food tour ay the same billycoy ng blasted brain blogs. yun yown. hehe! next time ulit! rock on! XD

    Reply

  • happy birthday (belated) pala ulit. -bleue/lakwatsero

    Reply

  • isang buwan matapos ang iyong kaarawan…

    taurus ka nga. tigas ng ulo mo eh!

    sana pinabunot mo na yang mani, este, ngipin mo.

    Reply

  • [...] Lumipas na naman ang aking birthday kaya heto ako ngayon, still young at 17… este 25. Silver age na para sa akin kaya pwede na akong pamuksa sa mga werewolf. Medyo disappointed lang kasi walang nag-prepare ng surprise party para sa akin. Kaya salamat sa lahat ng nakaalala na bumati sa akin sa araw na iyon. Ituloy ang pagbabasa… [...]

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines