May 11, 2008

Hot, Wet and Wild!

Ibang-iba na talaga ang weather natin ngayon. Hindi ko na nga ma-comprehend dahil lagi na lang pabagu-bago. Ngayon maaraw, tapos maya-maya lang biglang bubuhos ang mala-waterfalls na buhos ng ulan. Malamang may tumawag sa kapangyarihan ni Donna Cruz at napakanta siya ng…

Rain gently falls whenever we say goodnight
Falling like when your out of sight
Rain follows me even in my bed
And rain is the tears that I shed

Iba talaga ang kapangyarihan ni Donna Cruz!

Hindi ko nga mawari kung tapos na nga ba talaga ang summer. Kasi kahit anong lakas ng ulan, hindi naman niya napapawi ang aking hotness… este ang aking pag-iinit… I mean yung init ng panahon. As is pa rin, mainit pa rin talaga. Dumidikit na nga ang balat ko sa damit ko dahil lumalagkit ang pakiramdam ko sa init. Kulang na nga lang sumama na pati balat ko sa mga t-shirts at pantalons ko at matira na lang ang madugo kong laman loob. But anyway, yung paglalagkit naman sa brief ko ay ibang pag-iinit ang dahilan.

Sa ganitong panahon pa, hindi ko malaman kung ano ba ang dapat na isuot. Hindi naman pwedeng jacket, kasi most of the day sobrang init. Kapag nagsuot ng jacket sa kasagsagan ng ulan, maya-maya lang sisiwang na ang araw sa makapal na nimbus clouds, magse-say hello ang dakilang araw at itatapat niya ang kanyang sinag sa nilalang na balot na balot ng makapal na jacket na parang tinutukan siya ng spotlight. Hindi naman pwedeng di maghanda, kasi kapag umulan sureball magwe-wet… este mawe-wet ako at mapapakanta ako ng…

Heto ako, basang-basa sa ulan
Walang masisilungan, walang malalapitan
Sana’y may luha pa, akong mailuluha
At ng mabawasan ang aking kalungkutan

Kaya nga payong na lang ang lagi kong dala.

I’m so hot now but later I’ll be wet.

Malala na talaga ang epekto ng global warming kaya pati ulo ko nag-iinit na rin. Kilala niyo na ang may sala kung bakit ganito ang panahon natin ngayon.

————

On the side note…

Malapit na pala ang birthday ng inyong lingkod at as expected wala namang magbibigay sa inyo ng wishlist ko isa na lang ang hihingiin ko sa inyo…

Ano ang birthday wish niyo para sa akin?

Kung gusto niyo pang magbigay ng video greetings ok lang din, para showbiz na showbiz na ang dating nun. Pero open pa rin naman ako sa cash gifts.

Langya, parang ang desperado ka namang manghingi ng birthday wish.

Be the first to like.

16 Comments

  • Haha gawin mo yung ginawa ko sa blog ko sa pagkadesperada ko nagpapromo pa ako wahaha

    hindi mo pa pala nakukuha yung stabucks mo haha

    Reply

  • Hindi ko pala sinagot yung tanong haha. Ang birthday wish ko sana maging artista ka na kahit sa isang short film lang, sana yumaman ka na, sana mas lalo ka pang gumwapo at sana mahanap mo na ang sizzling hot girlfriend na hinahanap mo noon pa haha

    Reply

  • Wow, nagbbirthday ka pala? Wish ko sana madevirginize ka na LOL

    Reply

  • Sana makatikim ka na ng gusto mong matikman. O sana may makatikiman ka na. Hehe. p

    Reply

  • Happee berdey, ang wish ko lang ay matikman macaroni na nakalagay sa header mo :-P

    Reply

  • Happy birthday!! Naks… TGIF O! painom ka naman!

    Reply

  • talaga namang ni-click ko pa yung link ng wishlist mo. hahaha. anak ng tinola. mga wishes mo naman kasi eh! hahaha. yung boxes of porn lang ang posibleng maipagkaloob ko sa iyo! teka. hindi sa kin yun. hahaha. baka may natatagong ginintuang koleksyon ang aking pet. hahaha.

    ang wish ko para sa iyo ay isang girlfriend. babad mo sa mantika over high flame ng isang oras, pagkatapos nun, tiyak, sizzling hot na siya. hehe

    Reply

  • waaaa. Super pala si dacuycuy. Matagal tagal ka rin paLang magsulat ulit. Kasi Ilang bese na akong nag vivisit dito tapos same article lang madatnan ko. Hayzz. tapos ngayon babalik ka kc birthday mo na. Ang pagkakataon namn ohoh.. hehehe..

    Wish to billycoy: More fans to come and sana ma-touch kana. Nadagdagan na kc age mo. HAhahaha.. Pero seryoso. Sana maging successful writer ka. hehe

    Billycoy: Writer ng alin? sa xerex ba?

    Reply

  • Hehe. Nakakainis nga ang panahon ngayon. Ang weird.

    Reply

  • tagal ko na di nagvivisit! buhahaha.

    hepi berdei! :)

    Reply

  • Iba na talaga panahon natin ngayon, maski dito sa toronto unpredictable na din ang weather hayy kahit saang lugar na ata.

    Lapit na pala bday mo, advance hapi bday sa iyo! Wish ko sana lalo ka pang gumwapo at dumami pa fans mo hehe!

    Reply

  • naligo nga ako sa ulan eh. sarap.

    Billycoy: Alin ang masarap? ako? thanks!

    Reply

  • hello :D

    Reply

  • I think it’s a bit late to greet now, but anyway… Happy birthday, Billycoy! Wishing you all the best in your career, blogging and everything!

    I also wish that you get what you’ve been craving for so long: A smokin’ hot girlfriend! Lol.

    Reply

  • Happy Belated Birthday nga pala sayo Boss Billycoy.

    I am wishing you a whole year round of devirginization methods for you and may you have the best collection of porn in the whole wide world. Pwede akong magcontribute sa kuleksyon mo.

    Billycoy: Huwat?! Gagawa ka ng porn video mo at ibibigay mo sa akin?! Huwag po koyaaa!

    Reply

  • [...] Ibang-iba na talaga ang weather natin ngayon. Hindi ko na nga ma-comprehend dahil lagi na lang pabagu-bago. Ngayon maaraw, tapos maya-maya lang biglang bubuhos ang mala-waterfalls na buhos ng ulan. Ituloy ang reading… [...]

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines