Jun 24, 2008

Just a Recap

My gulay! More than a week na pala akong walang post. Kasi naman masyado akong naging abala nitong nakaraang araw. Naging abala ako sa Plurk. Alam ko katunog siya ng taeng lumalabas sa puwet o utot na may kasamang jebs. Basta nakakaadik kasi itong Plurk.

Maraming nangyari sa mahigit isang linggo kong pagkakahimlay sa tapat ng computer at i-absorb ang lahat ng radiation na nilalabas ng monitor. Malapit na nga akong maging mutant dito sa aking kinauupuan. Keber ko ba kung tubuan ako ng mata sa aking bunbunan o adam’s apple sa ilong, wala akong magagawa, nagtatrabaho ako… aside from plurking.

——

Nitong kamakailan nanalanta ang tibong bagyong Francesca aka Frank sa bansa. At hetong dakila kong alagad, hindi ko akalaing gumimik pa pala nang gabing iyon. Alam na ngang arrival na ni Francesca ng alas-singko ng madaling araw ng linggo sa Maynila, hindi ba naman umuwi ng maaga. Hindi tuloy kami nakagawa ng placard para sa pagsalubong kay Frank. Lintek.

——

By the way highway, baka magpadala pala ako ng alagad sa Friday sa Taste Asia para sa Buhay Coke event. Ipine-prepare ko na nga ang costume nya for that day.

Photobucket

Be the first to like.

7 Comments

  • ayos tlga plurk. apir!

    Reply

  • Hello Ka-Plurk! :)

    Ang ganda naman ng costume ng alagad mo. Kung hindi ko makita yan sa friday tsktsk :D

    Reply

  • hindi ka kaya pasabugin ng coke kung iyan ang isusuot mo… wahahhahahha :) )

    Reply

  • malayo palang, palalabasin ka na sa coke event na yun. hehe.

    Reply

  • hindi mo naman yan isinuot eh.. tsktsktsk

    Reply

  • anak nang! anlufet mo talaga pareng billycoy dacuycoy… walang makakatapat sa lufet mo.

    btw. KEEP ON ROCKIN DUDE!

    Reply

  • [...] My gulay! More than a week na pala akong walang post. Kasi naman masyado akong naging abala nitong nakaraang araw. Naging abala ako sa Plurk. Alam ko katunog siya ng taeng lumalabas sa puwet o utot na may kasamang jebs. Basta nakakaadik kasi itong Plurk. Ituloy ang reading… [...]

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines