Jun 11, 2008

Movie Buff

Maraming magagandang palabas ngayon. Papasok na kasi ang summer na kasi sa mga bansang may apat na season ngayon kaya naman dagsaan ang magagandang hollywood movies. Kaya sino ba naman ako para magpahuli sa mga magagandang movies. Teka, sino nga ba ako?

Kung Fu Panda

Kwento ng isang majubang panda na nagngangalang Po na nais maging kung fu master. Maganda ang kabuuan ng pelikula. No dull moments dahil punung-puno ng katatawanan at CGI stunts. Ok na sana ang buong movie… kaso nadismaya ako sa bandang huli. Gamitin ba naman ang version ni Sam Concepcion ng “Kung Fu Fighting” para sa end credits?!

Spoiler: Nangungulangot ako habang kumakain ng popcorn kaya naman hindi maiwasan na mapagkamalang kong popcorn ang kulangot ko.

Chronicles of Narnia: Prince Caspian

Ang inaabangang sequel ng The Lion, The Witch and The Wardrobe. Maganda pa rin naman ang part two though mas ok pa rin yung nauna. Medyo darker ang story ng Prince Caspian kasi madilim sa loob ng sinehan. Disappointed lang ako sa movie kasi walang bed scenes ng mga lion at mga bears.

Spoiler: Natatae ako habang pinapanood ko ang pelikula. Na-control ko naman ang jebs ko hanggang sa makauwi ako. Medyo matagal nga lang akong nagtiis kasi lagpas two hours ang movie. Imagine kung gaano kabaho ang inilabas ko sa kubeta na muntikan na namang magbara.

Upcoming movies:

The Happening (June 11, 2008)

Hindi ito yung happening na gimik o yung mga night out na ginagawa niyo. Ang kwento nito ay tungkol sa isang kaganapan kung saan lahat ng tao ay nagpapakamatay sa di malamang kadahilanan. Hindi ko alam kung kasali si Gabo sa pelikulang ito kaya nagpapakamatay ang sangkatauhan.

Incredible Hulk (June 13, 2008)

Hindi na ito ang sequel na ginanapan ni Eric Bana. Bagong simula ika nga. Dito dini-discover na niya kung paano gagamitin ang kanyang kaberdehan… I mean… ang kanyang lakas sa mabuting paraan. Well, ang sa akin iba naman ang nagiging green… yung utak ko. Magagamit ko rin kaya ang kahornihan ko sa kabutihan?

Wanted (June 27, 2008 – international release date)

Loosely-base sa graphic novel ni Mark Millar. Kwento ng isang geek na si Wesley Gibson na hindi niya alam na may untapped potential siya para maging isang magaling na assassin. Hahawak na naman ng baril sa pelikula ito si Angelina Jolie na gaganap bilang Fox. Kung ako ang magiging target ni Fox, pipiliin kong patayin niya ako sa sarap.

Hayan ang mga bagong movies na inaabangan ko. Pero higit sa lahat heto ang pinakahihintay kong ilabas na movie.

HIP HOP ABS THE MOVIE… ON 3D!

Be the first to like.

10 Comments

  • Salamat sa movie guide, hehe. Dun na lang ako sa Narnia. Walang bed scenes kasi siguro walang bed doon. :p

    Reply

  • Medyo nahihirapan akong jumebs ngayon. Makanood nga ng Narnia. Salamat sa guide LOL

    Reply

  • inaabangan ko din yung hiphop abs the movie. hehehe..

    pero seryoso gusto ko mapanood ang incredible hunk ay hulk pala. hihi

    Billycoy: merong incredible hunk… at ako ang starring role!

    Reply

  • Seryoso? May hip-hop abs the movie? Abangan ko ren yun. Haha. May ilan akong katanungan:
    1. Matigas ba yung tae?
    2. Horny ba si Hulk?
    3. Anu yung ‘majubang’?

    Billycoy:
    1. Tubol naman yung nilabas ko pero marami
    2. Hindi ko sure kung pati utak niya nagiging green, di kami close eh.
    3. majuba = mataba

    Reply

  • In fairness, maganda yung mga story ng mga movies huh. Bakit hindi mo try pumunta sa mga sinehang nasa tabi ng makipot na daan.? Doon ka makakakita na kung saan bed ang main setting. hehe

    Reply

  • waw grabe pala effect ni gabo, pang-international rin pala, akala ko dito lang sa pilipinas… dahil siguro sa tfc

    Reply

  • hahahaha. seryoso may HIP HOP ABS the MOVIE in 3D? sa IMAX? hahaha :)

    Reply

  • comment in a box:

    cute nga yung kung fu panda. benta sa kin si po.

    pangit daw yung narnia.

    disturbing yung the happening.

    green pa rin si hulk.

    at hinahanap pa rin yung wanted.

    amf. ang corny. :P

    Reply

  • Hindi ko alam kung bakit pero kahit gusto kong aktor si Edward Norton (lalo na sa Fight Club at Down with the Valley) ay parang di angkop ang Hulk sa kanya.

    :P

    At gusto kong panuorin ang WANTED!

    Reply

  • [...] Maraming magagandang palabas ngayon. Papasok na kasi ang summer na kasi sa mga bansang may apat na season ngayon kaya naman dagsaan ang magagandang hollywood movies. Kaya sino ba naman ako para magpahuli sa mga magagandang movies. Teka, sino nga ba ako? Ituloy [...]

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines