Sadyang mapagmasid talaga ang dalawa kong mata—pero minsan tatlo, lima at walo—kaya naman marami akong napapansin sa paligid. Syempre, ang hindi ko mapapalampas this time ay ang mga lalaking dala-dala ang girlie bag ng kanilang mga juwawhoopers on their shoulders! Lalo na kung shining shimmering splendid pa ang bag, tama ba? Wala namang masama sa ginagawa nila, hindi naman malaking krimen yun sa gobyerno para hulihin sila ng militar at ipa-”salvage” pa. Mas mabigat na kaso naman ang pag-apak sa damuhang may karatulang “keep off the grass” di ba?
Marami na tayong nakikitang ganyan, sa iba parang ok lang, gentleman daw iyon. Pero sa mga taong may mapaglarong isip kagaya ko ay marami ang tumatakbo sa kukote ko. Pasensya na, gawa kasi sa uhog ang utak ko eh.
Heto lang naman naiisip ko sa mga boyfriend na dala ang bag sa kanilang balikat ng kanilang girlfriend.
- Gusto ni boyfriend makalibre sa lahat ng gastusin.
- Nagpapakitang gilas si boy juwawhoops para masabing gentleman siya.
- Para matakpan ang basang kili-kili.
- May pagnanasang nenokin lahat ni boyfriend ang mga nilalaman ng bag.
- Mas gusto ni boyfriend ang bag kaysa sa kanyang girlfriend.
Kaya nga designed na pambabae ang mga bags na iyon kasi nga para talaga iyon sa mga babae. Kung si boyfriend lang pala ang gagamit nito, huwag ng bumili si girlfriend ng girlie bags. Dapat yung bag na lang para sa boyfriend niya ang bilhin niya.
Hindi ko naman sinasabi na huwag ng tulungan ni boy juwawhoops ang kanyang girlfriend. Sa akin lang, hindi kabawasan sa pagiging gentleman ang hindi paghawak ng bag ni juwawhoops. May mga conditions naman kung kailan dapat hawakan ang bag ni girlfriend.
- Kung naglalaman ng isang sakong bigas ang kanyang bag.
- Kapag dalawa lang ang kamay ng girlfriend
- Para hindi makabili ng marami si girlfriend
- Kung hindi ito bagay kay girlfriend at mas may blending pa sa suot ng boyfriend ang bag
- Kapag sinabi ni girlfriend
Ang sa akin lang, kung hindi naman kailangan ng tulong ni girl juwawhoops at yaka niya namang dalhin—fashionably and by her strength—huwag ng magpumilit. Kung kailanganin niya talagang ipahawak ang kanyang bag, hawakan na lang ito by the hand. Hindi porket shoulder bag ito eh dapat na rin itong ilagay sa balikat ng mga kalalakihan. Ayaw din naman ng mga babae na mangamoy putok ang kanilang bag, di ba? Lalo kung shining shimmering splendid pa ito.
June 1, 2008
Like








May 15 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
Nakakatawa pero totoo.
Yung friend ko dati pinapabuhat pa nya sa boyfriend nya yung shoulder bag nya na pink na may feathers pa(or fur? di ko alam LOL) eh hindi naman yun mabigat. Kasing laki lang ng pitaka yung bag. Ok lang sana kung sobrang bigat nung bag eh hindi naman. Yung mga ganun masyado nilang ginagawang bratinella yung mga gf nila.
Kaya kung minsan pag may friendship man akong lalaki na gusto buhatin yung bag ko, hindi ko pinapabuhat unless bitbit ko din yung laptop ko or sobrang bigat na talaga.
ayun.. affected masyado haha LOL
Billycoy: Hindi naman… nanggagalaiti lang
Reply
Actually dati pa ako nandidire sa ganitong eksena.
kinanginang machismo na yan.
Reply
adik ka pa din, mister dacuycoy.
Billycoy: and i’m proud of it!
Reply
haha… natatawa ako, kasi ganoon din yung ginagawa sa akin ng mga ex ko noon…
pero natuwa ako dito:
“Kung kailanganin niya talagang ipahawak ang kanyang bag, hawakan na lang ito by the hand.”
kasi ganoon yung ginagawa ng recent love interest ko..
anyway,,, wala nmn din masama doon, wag lang yung masyadong OA as if, hindi marunong magbuhat yung girl.. hahahah
Reply
Lol. Astg ka talaga Kuya Billycoy :]
You never fail to make me smile sa posts mo!
Reply
Uso sa high school namen yang ganyan – minsan kahit walang girlfriend basta naka shoulder bag mga lalake samen. Yung mga may gang. lol
Sa tingin ko, ang mga lalakeng nagpapaganyan ay either UNDER sa girlfriend or may pusong mamon lang talaga..
apir!
Reply
hahaha. i like this post. anyway, i am a dj from davao city. i am coming up with a segment on my show called “blog hopping” where i get to promote blogs by reading some of their posts on-air. do you like the idea?
you may listen to it through:
http://friendster.com/mixfm1059
i am looking forward to your positive response.
Billycoy: I definitely have no problems with that. thanks
Reply
haha, yeah, nice post, natatawa din ko sa mga boypren na sakbit sakbit (at feel na feel) ang bag ng jowa. parang ka-o-eyan na… weh, am i just sour graping dahil wala akong syota, pag ako nagkasyota unang rule: wag ipapasakbit sa akin ang bag kung kaya naman dalhin (exception: pero pag sinabi nya na dalhin ko, sige na nga…)
Reply
hindi ugali ni bee na dalhin ang bag ko. except kapag sobrang bigat na niya, marami akong dala o nahihirapan na ako. haha. actually, mas prefer kong dalhin niya ang bag ko ng walang kahit anong kundisyon.
Reply
si dhie talagang kinukuha yung bag ko. feeling ko ng abading siya e. haha! joke lang..
cguro pag nakikita nya na nahihirapan na ako dalhin yung bag ko. hehehe
Reply
tana isa sa mga pinaka-ayaw ko ung nakakakita ng ganyan. Parang ang dating kasi sakin, napaka superior nung lalaki. Kairita. Parang tanga lang. Upakan ko boyfriend ko kapag binitbit niya bag ko. Hindi naman ako lampa.
Pero kung bag na parang maleta, okay na rin siguro noh. Alalay.
PS: juwawhoops. same term. still love it! haha!
Reply
as usual, nakakatuwa talaga mga sulat mo!
eway, ako kasi di mahilig sa kikay bags. kaya di kahiya hiya or halata pag dala ng lalaki ang bag ko. yung isa nga, sya pa mismo nagagalit tapos sasabihin, “ano ba? bat ikaw nagdadala nyan(referring to my bag), wala ba ko dito?”
weird.
Reply
MInsan kasi parang gustong palabasin ng guy…
-macho man sya
-kanya yung girl at walang pwedeng umagaw
-super duper gentleman sya
-ayaw nyang mahirapan ang girl (kuno)
eh ampangit kaya tignan…. ginagawa nilang lampa yung babae e..
Kaya girls… kung di naman kayo nabibigatan, wag nang ipabitbit sa boypren ang bag. Ang chaka kasi. ahaha
The best ka talaga billycoy!!!
Reply
nakakatuwa naman ito. aliw! haha pero ako kahit punggok ako at simbigat na ng sako ang dala ko, hindi ko pa din ipapadala kay juwawhoopers *i learned a new word* ang beg ko, pera nalang kung magvolunteer sya. pero kung magaan lang din naman, ako nalang.
lev your post!
Reply
[...] Ano ang isyu sa bag? Wala lang… basahin na lang [...]