• 27Jul

    Nitong nakaraang napansin kong late na akong dumarating sa office. At imposible rin namang hindi yun mapuna sa aking pinapasukang trabaho, kaya napagsabihan na ako, lalo’t provee (sosyal na probee) pa naman ako. Sa banyo lang naman ako madalas matagalan sa umaga. Ano ginagawa ko? Hulaan niyo na lang.

    Sure naman akong hindi lang ako ang may sakit ng tardiness sa mundong ito. Minsan nga ang mga opisina pa nag-aadjust sa mga empleyado. Dinadagdagan ang grace period, ginagawang flexitime ang sked at kung anu-ano pa. Well, mahirap nga naman kasing gumising ng maaga unless of course, ipinaglihi sa tandang na kailangang maging early riser o di kaya’y nakalunok ng alarm clock na naka-time sa maagang oras.

    Paano nga ba pwedeng remedyohan ang pagiging late?

    1. Gumising ng maaga. Dapat mag-alot ng mahabang oras sa umaga para hindi male-late. Almusal, ligo at kung anu-ano pang morning rituals, marami yan lalo’t kung mabagal pang kumilos gaya ko. Kung 8am ang pasok at ang kilos ay mala-matrix bullet time, eh dapat ang gising na oras ay 3am pa lang. Saka minsan kailangan din ng mahabahabang oras para sa pagjebs.

    2. Matulog ng maaga. Syempre kapag maagang gigising dapat maaga ring matulog, para maiwasan din ang dark circles at eyebags. Yung mga ginagawa sa late ng gabi gaya ng panonood ng late night shows/movies, pagpoporno, pakikipagpopoyan at kung anu-ano pang milagro sa gabi ay gawing mas maaga. Tipong 6pm pa lang ay nakaraos na at pagdating ng 8pm ay matutulog na. Kung mahaba naman ang oras sa umaga, dun na lang gawin ang mga “milagro” at pagpopopoy para mas maganda ang gising. Or tiisin na lang hanggang weekend, para mas lalong pinipigilan, mas wild mga pangyayari.

    3. I-set ng advance ang alarm clock. Hindi ito effective sa mga matatalino kasi alam nilang nai-set nga ito ng advance, therefore, effective lang ito sa mga bobo. Kaya sa mga matatalino out there, magpakabobo para sa alarm clock para di ma-late. I-alarm ito sa mas maagang oras ng paggising. Siguro mga 15 mins to 30 mins na oras ng actual na pagbangon. Kasi hindi naman kaagad na babangon pagkatunog ng alarm clock. Meron dyan magmumuni-muni pa, iidlip at naglalaro pa sa ilalim ng kumot. Just be sure na gagawin ang pagmumuni-muni, idlip, etc. in under 15 to 30 mins, at huwag ng mag-extend.

    4. Kumilos ng mabilis.Lalo kung alam na male-late. Huwag ng mag-almusal, ok na kahit “coffee na lang dear”. Sa banyo maligo na lang, kung pwedeng punas-punas at wisik-wisik na lang, wala ng kung anu-ano pang ginagawa. Kung jejebs man, pigilan na lang hanggang sa makarating sa paroroonan, malas na nga lang kung walang CR.

    5. If all else fails, lumipat na ng trabaho. Isa sa kadalasang reason ng pagiging late ay ang pag-ayaw na sa trabaho o sa pinapasukang kumpanya. Last option naman ito dahil hindi naman ganun kadali maghanap ng malilipatan. Saka kung lilipat man ng papasukan dapat yung adjusted na sa oras na hindi mahihirapan sa paggising. Pwedeng sa mga office na hapon ang pasok or pwede ring maging pole dancer sa nightclub at sholbam sa tabi-tabi. Malaki pa kita dun… kapag galante ang customers syempre.

    Sana naman magawa ko rin naman ang mga yan para hindi na ako ma-late, di ba? Malaki-laki na rin ang kaltas sa akin saka, provee pa nga pala ako. Wala pa akong special treatment sa office.

    Kaya mamayang gabi, hindi muna ako magpu-plurk… porn na lang.

  • 24Jul

    Nakapag-signup na rin sa wakas para sa Wordcamp Philippines 2008 na organized by Mindanao Bloggers. Medyo malayo pa naman ito pero ngayon pa lang ay nagre-ready na akong ipadala ang alagad ko. Sa September 6, College of St. Benilde ito gaganapin. Syempre dahil maraming ka-bloggista na naman ang pupunta kailangang maayos na maayos ang aking alipin. Baka kasi cosplay ang theme so pasusuotin ko siya ng kanyang birthday suit. Grabeng paghahanda yan… gym, spa saka elongation.

    Bukod sa mapapalawak ko ang aking network, mapapalawak ko rin ang… ang aking kaalaman sa wordpress at ang kamunduhan nito. Kung di niyo po naitatanong bobo po ako sa mga codes. Dumudugo ang ilong, tenga at mata ko sa mga CSS, PHP at kung anu-ano pang mga katulad ng math. Kung porn siguro ibang part ng katawan ko ang kaya kong paduguin. Oh well, magpapapunta ako ng alagad sa Wordcamp para matuto pa ako ng marami sa mga bagay na di ko pa alam at makadaupang palad pa ang sandamakmak na pinoybloggers ngayon.

    Saka baka manalo kami ng aking alagad sa raffle.

    Heto ang mga sponsors:

    Sa mga nais pang maki-join, signup na.

  • 19Jul

    Matagal tagal din nu’ng huling sumulat sa akin sa akin si Em-em. Kaya heto muli na namang nagpadala ng e-mail, well, like as usual rants na naman. This time hindi naman na work-related, tungkol naman ito sa kontrabida at kinaayawan niyang pinsan, si Gardo.

    My Best Friend Billycoy,
    Hello there! Kamusta ka na there sa ating third-world country? Got busy with my work here in JLA, coz you know we battle against the teroristas and global warming. I wanna go back there na nga dyan sa Philippines.

    But anyway, my moronic cousin YMed me pala the other day. You know, my freakish cousin na 9′2” in height. You know how I hated him naman di ba? Like his vibes is terribly annoying. So kapal ng mukha and the nerve ha? He’s still have the guts to message me kahit na alam na ng whole world na I despise him. Grabe. So share ko sa iyo YM namin.

    GardZ92: Hi eMz! MuZta y0u Th3R3?
    Emem500: Oh hi!
    Emem500: Pissed as always.
    GardZ92: AwWW…Y nAmaN?
    Emem500: none of your business.
    GardZ92: YouR s0 sUng1t nMan.
    Emem500: so?
    GardZ92: bTw, wh3r3 You w0Rk nGa pLa?
    Emem500: JLA, Justice League of America
    GardZ92: Oo00h NiCe!
    GardZ92: i’Ve v1s1t3d y0uR 0ff1c3 0nc3.
    Emem500: How can you be here eh our office is like in space kaya. Pfft.
    GardZ92: Ay d1 pLa m3, uNg fr13nD k0 LaNg
    Emem500: duh?! It’s nothing new.
    Emem500: Eh it’s like you’ve been to many places in the world.
    Emem500: The farthest you’ve been to is at Pansol.
    Emem500: So you make kwento na lang the stories of your other friends. You TH!
    GardZ92: TH?
    Emem500: Trying Hard, moron.
    GardZ92: 1 h8 y0u Na, y0ur s0 rUd3!
    Emem500: One more thing, it’s like you know everything, so you kwento the stories your friends made so you can relate and make kunwari you’re sosyal.
    Emem500: You’re a big eww! :-&
    GardZ92: h0w c0uLd u?! U’R d m3aN3st p3rs0n I 3v3r m3t.
    Emem500: Who told you ba to YM me? As if we’re close? Feeling ka!
    GardZ92: u Mak3 m3 cRy na. AhuHuHu!
    Emem500: Like I care?
    Emem500: By the way, what’s with this small and big caps thingie. It’s nakakairita kaya! I wanna puke na :-&
    GardZ92: 1 ub3r h8 U!
    Emem500: Then hate me. Who told you ba that I like you as my cousin? You know naman na I’m pissed with you on the first place.
    GardZ92: i’LL SumB0ng u 2 my r1Ch fr13nds. U kn0w h0w p0w3rfuL th3y R.
    Emem500: Like they really care. HAHAHAHA
    Emem500: So stop annoying me na. Or else I’ll tell your dad who you really are, Guada!
    GardZ92 has signout
    Emem500: Stupid!

    I uber hate this couzin of mine. Hindi ko na ma-comprehend his writing. I almost lost my patiene na nga. If he knew I can flew immediately to his place and hampas him with a ten-wheeler truck. Buti na lang I befriend Dalai Lama and taught me to be patient.

    So there my best friend. Always regard me to your family and Mang Tibur ha. I still have to bust crimes here.

    Ciao.

    Your best friend,
    MM

    Kung ako rin naman siguro ang makakausap ni Guada este Gardo sa YM maiinis din ako. Sino bang hindi?

    Other Metroman entries:
    High Society Stench
    Hero’s New Task
    One Strange Family
    When Heroes Battle
    Hero of the Metro