• 31Aug

    Sir Billycoy,

    Super enjoy talaga ang mga pangyayari kagabi sa The Fort open grounds. Well, andun kasi ako sa reunion concert ng Eraserheads. Grabe, jam-packed ang venue. Parang isang napakalawak at napakalaking MRT train during rush hour dahil sa dami ng tao. Gusto ko nga sanang mag-cartwheel sa tuwa, kaso hindi ko kinaya dahil sa dami ng tao. Pero kahit mainit, masikip at dikdikan, enjoy talaga kahit pa nagwa-water water na ang mga tao. Sobra nga kaming nag-wet sa mga pangyayari.

    I’m not having fun, I’m having an orgasm.

    Mabuti nga rin, nag-provide ang Red Horse ng t-shirt na siya ring aming ticket papasok sa concert. Kaya kahit mangamoy putok o mangamoy isang libong tao ako ay ok lang, kasi nga may instant extra shirt pa kami.

    Sayang nga rin they have to cut short our enjoyment. Though, hindi naman masakit sa puson ang pagkabitin, nauunawaan naman siguro ng marami ang sitwasyon, lalo na sa part ni Ely Buendia dahil sa karamdaman niya plus yung death ng mom niya saka stress ng preparation. Ngayon kung may issue man ang iba dun, kiber ko na lang. Kasi masaya na ako sobra to the maximum level. Let’s hope for the wellness of Ely Buendia.

    Pangit nga po ng resolution ng video ko, pero in-upload ko pa rin para ipagmayabang ko sa inyo at may proof na galing po ako talaga dun sa concert. Sir, bilhan niyo na po kasi ako ng mas mamahaling phone para next time mas maganda na ang quality.

    Heto po ang mas malinaw, galing po yan kay THE Aileen Apolo.

    Pinapasalamatan ko rin si Juned sa kanyang pag-iimbita para makapunta ako sa pinakaaabangan at pinaka-controversial na concert ngayong taon.

    By the way sir Billycoy, heto po pala ang excuse letter ko kung bakit hindi ko po na-flush ang toilet kahapon pagkatapos ko pong gumamit.

    Hoping for your kind consideration.

    Truly yours,

    Alagad clone ni Billycoy

    P.S. Nakikita ko po kasi yung SVIP part sa venue ng concert, ano po ba ibig sabihin nun? Super VIP, Susyaleng VIP o Swanget na VIP. Sana makuha ko po ang sagot kaagad.

  • 27Aug

    Ang sarap talagang matulog. Lalo sa panahong ngayon. Hay! Napakasarap talaga. Mamaluktot, gumulong-gulong, tumambling, mag-cartwheel at gumawa ng miracles sa ilalim ng kumot. Lalo na siguro kung may katabing iniirog sa buhay, oh wow, hello baby after 9 months.

    Malaking bagay sa akin ang pagtulog, MAS ikababaliw ko ang pagiging kulang sa tulog. Nagiging bugnutin, emo, MAS timang, MAS magulo ang buhay at LESS mahalay ako kapag puyat. Ang aim ko lang kasi kapag ganun ay ang matulog lang. Kaya hindi talaga pwedeng hindi ako makatulog. Sino nga ba ang hindi?

    Laki nga ng ipinagbago ng sleep patterns ko noon sa ngayon. Hayan na naman, flashback, water effects muna, samahan ng piano sounds.

    Noon, hindi ko kayang matulog na ako lang mag-isa saka patay ang ilaw. Grade 4 na ako noong nahiwalay ako sa parents ko sa pagtulog. Nu’ng unang beses ko ngang ihiwalay ng kwarto, nahirapan ako sa pagtulog. Paanong hindi ba naman ako mahihirapan matulog nu’n, noong araw kasi na hihiwalay na ako sa kwarto ng parents ko, bumisita ang tiyahin ko. Nu’ng umaga ba naman kasing yun, nagwawala siya at talaga namang nabulabog ang kabahayan namin. Akala ko nga kung anong kadramahan na naman sa pamilya namin. Iyun pala may nakikita siyang kung anong nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong tao. Syempre, dahil sweet, young and innocent pa ako noon, madali akong natakot. Hindi talaga kinayanan ng powers ko na matulog sa kwarto namin ng kuya ko.

    Lumipas ang ilang taon, nasanay din akong matulog sa kuwarto namin kahit ako lang mag-isa at patay ang ilaw. Hindi na rin ako matatakutin, kasi kung meron mang multo kahit magtago ka pa sa loob ng inidoro makikita ka pa rin niya. Minsan nga kalaro ko pa ang mga palad ko kapag mag-isa sa kuwarto.

    Ako pa ang nasa upper bunk ng double-deck namin ngayon. Kaya kapag nakapwesto na ako dun at natutulog na, ako na ang hari, with crown, robe and sceptor pa. Walang pwedeng magbukas ng ilaw unless emergency at saka bawal din ang maingay. Madali kasing ma-disrupt ang aking circadian clock. Syempre, I do the same to my roommates, mabait at accomodating nga ako, di ba?

    Saka hindi rin pala ako madaling makatulog kung saan-saan. Ang iba dyan kahit nasa sasakyan, nakakatulog kagad, with matching hilik, tulo ng laway at lungad sa paggising nila. Meron pa ngang nakakatulog sa loob ng MRT at LRT na nakatayo kahit pa umaalingasaw ang putok at amoy ng batok ng mga tao dun. Hindi ko kaya ang ginagawa nila, dapat talaga kapag tulog ako nakahiga dapat saka blindfold dahil nga light sensitive na rin ako.

    Hayan, inaantot… este… kinakan… err… inaantok na tuloy ako. Lamig kasi ng panahon. Ang sarap tuloy magba… matulog. O siya, tulog na ako, sana mag-wet dreams ako.

  • 22Aug

    The only permanent in this world is change.

    Sino nga ba ang hindi nagbabago dito sa mundo? Emotional, physiological, metaphysical at psychiatrical nagbabago sa atin. Lalo na sa physicality natin. Dahil sa pagbabago ng environment plus pa ang stress at ageing, nagbabago ito. Humihina ang elasticity ng balat kasi nababawasan ito ng tubig in time.

    Kaya nga nu’ng Sabado, pinatambling ko at pinasugod ko sa wonderful world of MRT ang aking alagad papunta sa Belo Bloggers’ event. Doon tinalakay ni Dr. Hayden Kho Jr. ang iba’t ibang services ng Belo Medical Group para ma-maintain, kung hindi man i-enhance ang aesthetic quality ng ating pagkatao. Malaking tulong kasi ang beauty sa personality ng bawat nilalang sa mundo, sa ayaw man natin at hindi. Naikwento rin ni Dra. Vicky Belo ang kanyang pakikibaka para sa pagtaguyod ng beauty sa kabila ng kanyang mga experiences.

    Natutunan ng aking alipin ang kahalagahan ng pag-aalaga ng kanyang face sa pamamagitan ng facials at iba pang services na pwedeng i-offer ng Belo clinics. Hindi lang pangangalaga sa balat ang pwede nilang gawin, pati pagbawas sa taba gamit ng kanilang SmartLipo, etc. May iba pang services gaya ng Rhinoplasty, boobs augmentation, atbp. Basta regarding sa beauty kaya nilang gawin. Pero reminder lang, ang Belo Medical Group ay hindi mga magician o miracle workers. Kasi kapag malala ang sitwasyon, dapat sa mga mahuhusay sa Photoshop lumapit. Or kung talagang major bigtime epic hopeless na… don’t worry, real beauty comes from the inside naman.

    Kaya nauso ngayon ang mga makeovers. Dalawang klase ito:

    Ang una, yung natural makeovers. Sila yung madalas na napapanood sa TV gaya ng Queer Eye. Ayos lang ng pananamit, mga kaek-ekan sa mukha, exercise, ayos ng bahay, kumbaga inayos lang paghihitsura nila in a simple way.

    GOOD EXAMPLE: CHRISTIAN BALE
    Photobucket

    BAD EXAMPLE: BRITNEY SPEARS
    Photobucket

    Ang pangalawa naman, ang artificial makeover. Sila yung gumagamit pa ng operasyon para lang mabago ang part or kung di man buong physicality nila.

    GOOD EXAMPLE: JONALYN VIRAY
    Photobucket

    BAD EXAMPLE: MICHAEL JACKSON
    Photobucket

    As you can see, hindi lahat ng makeovers ay maganda ang kinalalabasan. Kung hindi malala, sumosobra. Dapat yata maisama sila sa matulungan ng Ike and Nena Belo Foundation.

    Syempre, ako rin malaki rin pala ipinagbago ko simula noon, hanggang ngayon.

    HETO AKO NOON

    Photobucket

    HETO AKO NGAYON
    Photobucket width=

    Ang laki ng ipinagbago di ba? Parang Spot the Difference lang.