Grabe. Tumatanda na yata talaga ako. Hindi ko napansin, tatlong taon na pala akong nagba-blog?! Yap, 3 years na. Akalain ba namang tatagal ako ng ganito. Bakit sa pagkarami-rami ko namang pwedeng kalimutan, yun pang anniversary ng walang kakuwenta-kuwentang blog ko pa. Kunsabagay, kaya nga walang kwenta, di ba?
Nagiging makakalimutin na talaga ako. Minsan, nawawala sa isip kong ang magbayad sa jeep. Mabuti nga’t mababait ang mga driver at hindi pa naman nila naiisipang ihagis ang gulong ng sasakyan nila sa akin. Kadalasan din, naiiwan ko ang dalawang cellphone ko sa bahay. Dalawa na nga sila nakakalimutan ko pa rin. Hindi ko naman naiisip na iwanan sila ng barya para mag-commute na lang sila papuntang office. Ano ba yan?!
Dapat na yata akong lumaklak ng sandamakmak na ginkgo biloba, glutaphos at Memo Plus Gold . Saka dapat na nga yata akong humithit ng laurel at magsinghot ng pinulbos na Pandan. Sasamahan ko na rin ng kain ng maraming beans, pork at pagpapak ng Enervon Prime. Mainam din ang glucose, kaya gagawin kong midnight snack ang asukal sa bahay. Tingnan ko na lang kung hindi ko pa makabisado ang capitals of the world at ng mga phone numbers sa phonebook ko. Good luck na lang din sa blood sugar. Pero ok lang na mataas blood sugar ko kung sakali, gwapo naman ako.
Kaya ko rin naman nakakalimutan ang maraming bagay, masyado rin kasing pre-occupied ang aking matalinghagang pag-iisip. Busy rin kasi ako sa trabaho, tapos nawiwili nga ako sa plurk at syempre ini-enjoy ko rin ang aking napakasaya, napakagastos, at walang kabuhay-buhay na single life. Aba, sino ba namang hindi mai-enjoy ang ganitong buhay? Halos lahat ng kita ko, solo ko. Walang nagpapabili sa akin ng regalo, sarili ko lang ginagastusan ko sa panonood ng sine saka kapag kumakain sa labas at saka hindi ko kailangang gumastos para mag-check in sa mga motel. Pwede na kapag mag-isa sa kuwarto o kaya sa banyo.
Hindi lang naman ako ang biniyayaan ng ganitong pamumuhay. Hindi lang naman siguro ako ang katangi-tanging loveless at single sa mundo—sana nga. At lalo namang hindi rin ako ang nagsosolong mahalay na tao. Kaya nga naisip kong magtatag ng isa na namang bagong organisasyon. Noon, na-establish ko na ang image na USB (Untouched Since Birth), naitatag ko na rin ang BOOBS (Billycoy’s Organization of Organism and Bacteria Savers) ngayon sisimulan ko na ang bagong grupo para sa mga singles out there.
Ipinapakilala ko sa inyo ang SMS or Sanggunian ng Mahahalay na Single. Yung M pwedeng palitan ng malibog, malaswa o kahit ano na related sa word na mahalay. Ano requirements sa SMS? Simple lang:
1. Mahalay
2. Single
3. MAHALAY
Kung taglay mo ang ganitong katangian, member ka na automatically ng SMS.
Are you one of us?
August 10, 2008
Like








May 9 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
Member na ako ng SMS for sure LOL
Reply
Ganda ng Blog mo Bro! First time to visit po..
Reply
M (as in mabait) nga ako, pero di naman ako single. Advisory council na lang siguro. Hehe.
Billycoy: So mahalay ka rin para maging mentor? grrreattt!
Reply
Ako two months pa bago ang third bloiversary ko.
Reply
waw
3 years
congrats
Reply
Happy anniversary sa iyong blog!
Welcome sa club ng mga nakakalimutin.. hehehe… pero ako, hindi pa tumatanda, makakalimutin lang.. ^^x
Alam ko ang pakiramdam ng solo ang kita! Napakasaya! hahaha!
Ay, paano yan? Single lang ako? Hindi ako qualified… ^^x
billycoy: sure ka?!
Reply
huwat?! sure akong ano? sure na masaya dahil solo ang kita? sure na single? o sure na single LANG ako? hmf! ahahaha!
billycoy: playing innocent lang ha.
Reply
Hindi ako single pero mahirap din ang buhay may ng may karelasyon arrrrghhh
billycoy: don’t worry, kaya namang pawiin ang hirap sa isang popoy lang.
Reply
Hmm, pwedeng maging single para lang maging member ng SMS (advice sa mga gustong sumama sa SMS). hahahah =)
mas masarap ang maraming toys pero mas masaya paminsan ang may single playmate
pero errr, i am not making any sense. hahahah =)
happy anniversary
billycoy: ahmm… oo nga… happy anniversary na nga lang din sa akin.
Reply