post Category: Eyspeysyal Post,Now You Know — Billycoy @ 12:39 am — post Comments (8)

The only permanent in this world is change.

Sino nga ba ang hindi nagbabago dito sa mundo? Emotional, physiological, metaphysical at psychiatrical nagbabago sa atin. Lalo na sa physicality natin. Dahil sa pagbabago ng environment plus pa ang stress at ageing, nagbabago ito. Humihina ang elasticity ng balat kasi nababawasan ito ng tubig in time.

Kaya nga nu’ng Sabado, pinatambling ko at pinasugod ko sa wonderful world of MRT ang aking alagad papunta sa Belo Bloggers’ event. Doon tinalakay ni Dr. Hayden Kho Jr. ang iba’t ibang services ng Belo Medical Group para ma-maintain, kung hindi man i-enhance ang aesthetic quality ng ating pagkatao. Malaking tulong kasi ang beauty sa personality ng bawat nilalang sa mundo, sa ayaw man natin at hindi. Naikwento rin ni Dra. Vicky Belo ang kanyang pakikibaka para sa pagtaguyod ng beauty sa kabila ng kanyang mga experiences.

Natutunan ng aking alipin ang kahalagahan ng pag-aalaga ng kanyang face sa pamamagitan ng facials at iba pang services na pwedeng i-offer ng Belo clinics. Hindi lang pangangalaga sa balat ang pwede nilang gawin, pati pagbawas sa taba gamit ng kanilang SmartLipo, etc. May iba pang services gaya ng Rhinoplasty, boobs augmentation, atbp. Basta regarding sa beauty kaya nilang gawin. Pero reminder lang, ang Belo Medical Group ay hindi mga magician o miracle workers. Kasi kapag malala ang sitwasyon, dapat sa mga mahuhusay sa Photoshop lumapit. Or kung talagang major bigtime epic hopeless na… don’t worry, real beauty comes from the inside naman.

Kaya nauso ngayon ang mga makeovers. Dalawang klase ito:

Ang una, yung natural makeovers. Sila yung madalas na napapanood sa TV gaya ng Queer Eye. Ayos lang ng pananamit, mga kaek-ekan sa mukha, exercise, ayos ng bahay, kumbaga inayos lang paghihitsura nila in a simple way.

GOOD EXAMPLE: CHRISTIAN BALE
Photobucket

BAD EXAMPLE: BRITNEY SPEARS
Photobucket

Ang pangalawa naman, ang artificial makeover. Sila yung gumagamit pa ng operasyon para lang mabago ang part or kung di man buong physicality nila.

GOOD EXAMPLE: JONALYN VIRAY
Photobucket

BAD EXAMPLE: MICHAEL JACKSON
Photobucket

As you can see, hindi lahat ng makeovers ay maganda ang kinalalabasan. Kung hindi malala, sumosobra. Dapat yata maisama sila sa matulungan ng Ike and Nena Belo Foundation.

Syempre, ako rin malaki rin pala ipinagbago ko simula noon, hanggang ngayon.

HETO AKO NOON

Photobucket

HETO AKO NGAYON
Photobucket width=

Ang laki ng ipinagbago di ba? Parang Spot the Difference lang.

May 8 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!

#1

Christian Bale for the win! Now THAT’S a good example! Haha! Wait, is that cute baby really you? Hmm that just proves that all babies are cute.

Billycoy: so you mean di na ako cute ngayon? :( sabagay gwapo na kasi ako, di na cute. :p

Reply

Poyt wrote on August 22, 2008 - 12:45 am
#2

hindi ko kinaya ang mga analohiya mo sa iba’t ibang uri ng pagbabago…

mabuhay ka ginoong dacuycuy!

after all, the ONLY permanent thing in this world… is change.

Billycoy: kahit ako di ko rin kinaya.

Reply

Urban gurU wrote on August 22, 2008 - 12:58 am
#3

Ewwww is Christian Bale yun? Anong movie ayun? Hahaha! Lolz taena yung isa pango tapos tumangos ang ilong bonga ka! Hahaha!

Ay bat may tiyanak sa dulo? Bwahaha! Ay sorry ikaw pala yun…walang pinagbago the best lolololz

Billycoy: ang cute ko namang tiyanak. Yung payat na christian bale from The Machinist yun.

Reply

L.A wrote on August 22, 2008 - 1:30 am
#4

Nakita ko nga yung gwapo mong alagad na pagala-gala nung sabado. Dapat i-post mo rin dito piktur nya tutal Belo boy na siya LOL

Napakainosente naman tignan ni Baby Billycoy hehehe :D

Si Wacko Jacko nakakatakot na tignan ngayon. That’s sad.

billycoy: sorry mica, hindi pwede, ayaw niya. he is a very private person, you know.

Reply

Micamyx wrote on August 22, 2008 - 12:46 pm
#5

anak ng… pinapatulan nyo nang mag-amo ang mga ganyang forum nina Vicky Belo? tsk.. hahaha!

ang lupet nung kay Christian Bale. Magaling, magaling, magaling.

Wala ka ba dyang dating lalakeng naging babae? good or bad example ba yun? ^^x

Nakakaiyak ang pagbabago sa iyong buhay. In fairness, mataba ka nung bata ka, ah…

billycoy: pang MMK ba ang buhay ko?

Reply

sherma wrote on August 22, 2008 - 8:51 pm
#6

HINDI MO KAMUKHA YUNG BATA.

Wala kasing pangil. :p

billycoy: pareho naman kaming may sungay… sa baba. :P

Reply

Kevin wrote on August 25, 2008 - 10:48 am
#7

hahahaha! kyut mo nga. nabigla naman ako na si Christian Bale yun. kala ko joke lang. ang galing naman nung gumawa ng movieng machinist kung gayon… hahahaha! ayos pala dito sa blog mo pareng billycoy… DABEST!

Billycoy: Tama Makoy, talagang nagpatuyo ng husto si Christian Bale para sa movie na yun. Sana ganyan ka-dedicated ang mga artista sa Pinas, puro pa-cute lang ang alam nilang gawin.

Reply

Ako Si Makoy! wrote on August 27, 2008 - 7:58 pm
#8

grabe si Christian Bale ba talaga yung nasa unahan??? Uber-layo ah. hahaha! Sosyal nga naman si Jonalyn Viray – haha! Tingnan mo nga naman ang nagagawa ng pera, nagmaganda ng bonggang-bongga si Michael Jackson. Grabe kala ko naman magpapakita ka na. hahaha!

Reply

Ako Si Makoy! wrote on September 29, 2008 - 7:16 am
Sige na, Mag-comment ka na, o i-trackback mo na. Huwag ng mahiya!

Write Your Comment

You should have a name, right? 
Your email address, I promised I won't tell it to anyone. 
If you have a web site or blog, you can type the URL right here. 
Dito ka magsusulat ng kagaguhan. 
Tandaan mo ako.