Join my Crusade
Grabe. Tumatanda na yata talaga ako. Hindi ko napansin, tatlong taon na pala akong nagba-blog?! Yap, 3 years na. Akalain ba namang tatagal ako ng ganito. Bakit sa pagkarami-rami ko namang pwedeng kalimutan, yun pang anniversary ng walang kakuwenta-kuwentang blog ko pa. Kunsabagay, kaya nga walang kwenta, di ba?
Nagiging makakalimutin na talaga ako. Minsan, nawawala sa isip kong ang magbayad sa jeep. Mabuti nga’t mababait ang mga driver at hindi pa naman nila naiisipang ihagis ang gulong ng sasakyan nila sa akin. Kadalasan din, naiiwan ko ang dalawang cellphone ko sa bahay. Dalawa na nga sila nakakalimutan ko pa rin. Hindi ko naman naiisip na iwanan sila ng barya para mag-commute na lang sila papuntang office. Ano ba yan?!
Dapat na yata akong lumaklak ng sandamakmak na ginkgo biloba, glutaphos at Memo Plus Gold . Saka dapat na nga yata akong humithit ng laurel at magsinghot ng pinulbos na Pandan. Sasamahan ko na rin ng kain ng maraming beans, pork at pagpapak ng Enervon Prime. Mainam din ang glucose, kaya gagawin kong midnight snack ang asukal sa bahay. Tingnan ko na lang kung hindi ko pa makabisado ang capitals of the world at ng mga phone numbers sa phonebook ko. Good luck na lang din sa blood sugar. Pero ok lang na mataas blood sugar ko kung sakali, gwapo naman ako.
Kaya ko rin naman nakakalimutan ang maraming bagay, masyado rin kasing pre-occupied ang aking matalinghagang pag-iisip. Busy rin kasi ako sa trabaho, tapos nawiwili nga ako sa plurk at syempre ini-enjoy ko rin ang aking napakasaya, napakagastos, at walang kabuhay-buhay na single life. Aba, sino ba namang hindi mai-enjoy ang ganitong buhay? Halos lahat ng kita ko, solo ko. Walang nagpapabili sa akin ng regalo, sarili ko lang ginagastusan ko sa panonood ng sine saka kapag kumakain sa labas at saka hindi ko kailangang gumastos para mag-check in sa mga motel. Pwede na kapag mag-isa sa kuwarto o kaya sa banyo.
Hindi lang naman ako ang biniyayaan ng ganitong pamumuhay. Hindi lang naman siguro ako ang katangi-tanging loveless at single sa mundo—sana nga. At lalo namang hindi rin ako ang nagsosolong mahalay na tao. Kaya nga naisip kong magtatag ng isa na namang bagong organisasyon. Noon, na-establish ko na ang image na USB (Untouched Since Birth), naitatag ko na rin ang BOOBS (Billycoy’s Organization of Organism and Bacteria Savers) ngayon sisimulan ko na ang bagong grupo para sa mga singles out there.
Ipinapakilala ko sa inyo ang SMS or Sanggunian ng Mahahalay na Single. Yung M pwedeng palitan ng malibog, malaswa o kahit ano na related sa word na mahalay. Ano requirements sa SMS? Simple lang:
1. Mahalay
2. Single
3. MAHALAY
Kung taglay mo ang ganitong katangian, member ka na automatically ng SMS.
Are you one of us?
State of the Nation ni Billycoy (Year 3)
Mabuhay mga repakuls dyan!
Bago ang lahat, hindi po hot pink ang suot ko ngayon na katulad ng sinuot ng inyong presidente. Ang suot ko po ngayon ay see-through mesh, at tanging yun lang. Kung nais niyong makita ay tatayo lang ako sa tabi ng aking podium, ngunit hindi ko na lamang gagawin iyon. Baka mawala pa ang natitirang respeto niyo sa akin.
Dumaan na naman ang isang taon sa ating bansa. Maraming nangyari sa nagdaang taon, taas, baba, taas, baba… oops, tama na, magiging mahalay na ang lalabas… oops “lalabas”!? Tama na nga.
Sa kabila ng pagbaba ng estado ng buhay ng ating sambayanan, maraming bagay naman ang tumaas. Mas lalong tumaas ang rating ng Dyesebel sa primetime TV. Tumataas na rin ang bilang ng mga imported TV shows and reality series sa magkalabang stations. At dahil patuloy na dumadami ang mga artista sa pinoy showbizness, dumadami na rin ang nagse-celebrate ng birthday sa sunday noontime shows.
Nakaka-alarma naman ang patuloy na pagdami ng mga nilalang na patapon ang buhay, mga walang kinabukasan at mga halimaw sa ating bansa. Kaya’t patuloy pa rin ang pagsupil sa kanila. Malaking tulong ito para mabawasan din ang populasyon ng ating bansa.
Bukod sa mga wifi hotspots, ikakalat ko na rin ang english hotspots sa buong bansa. Ayun lamang ang mga area na pwedeng magsalita ng ingles, ang magsalita ng english beyond this area ay raratratin ng AK47. Sa mga lugar ng english hotspots, itatalaga ang mga medics para magsagawa ng first aid at may dala ng tampons pampasak sa mga ilong ng mga nagno-nosebleed.
Bibigyan ko ng livelihood project ang mga nangangailangan. Papayagan ko silang magbenta ng laman, as long na nagtataglay sila ng katakam-takam na katawan, or else, popoksaen din sila.
At bago matapos ang aking State of the Nation, binabati ko sina Marian Rivera at DingDong Dantes na magdidiwang ng kanilang birthday sa buwan ng Agosto.
Papasalamatan ko muna ang aking mga sponsors. Thank you Minute Burger para sa inyong buy 1 take 1 burgers. Mini Stop para sa napakasarap nilang sundae cone. Salamat din sa nananakawan ko ng wifi signal, kung sino ka man, more power to you, pataasin mo pa bandwidth subscription mo at huwag ka sanang lumipat ng bahay. Kay Sarhento Magtanong, na maasahan mo sa lahat ng pupuntahan. Nagpapasalamat din ako sa SM Mall of Asia dahil itinayo ito sa Pasay City kaya’t isang sakay lang ito mula sa amin. Salamat din kina Belo, Doc Manny at Pie Calayan para sa pagreretoke ng ating mga pangit na artista. At higit sa lahat, salamat kay Aling Keka dahil pinsan siya ni Malou na tiyahin ni Matilda.
I thank you. Bow!
Adverse Reactions:
Status
- Happy 18th birthday @p0yt!!!
- @mspiggypop ang dali lang kaya. :P
- @mspiggypop wordpress is good. :D
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







