Aug 3, 2008

State of the Nation ni Billycoy (Year 3)

Mabuhay mga repakuls dyan!

Bago ang lahat, hindi po hot pink ang suot ko ngayon na katulad ng sinuot ng inyong presidente. Ang suot ko po ngayon ay see-through mesh, at tanging yun lang. Kung nais niyong makita ay tatayo lang ako sa tabi ng aking podium, ngunit hindi ko na lamang gagawin iyon. Baka mawala pa ang natitirang respeto niyo sa akin.

Dumaan na naman ang isang taon sa ating bansa. Maraming nangyari sa nagdaang taon, taas, baba, taas, baba… oops, tama na, magiging mahalay na ang lalabas… oops “lalabas”!? Tama na nga.

Sa kabila ng pagbaba ng estado ng buhay ng ating sambayanan, maraming bagay naman ang tumaas. Mas lalong tumaas ang rating ng Dyesebel sa primetime TV. Tumataas na rin ang bilang ng mga imported TV shows and reality series sa magkalabang stations. At dahil patuloy na dumadami ang mga artista sa pinoy showbizness, dumadami na rin ang nagse-celebrate ng birthday sa sunday noontime shows.

Nakaka-alarma naman ang patuloy na pagdami ng mga nilalang na patapon ang buhay, mga walang kinabukasan at mga halimaw sa ating bansa. Kaya’t patuloy pa rin ang pagsupil sa kanila. Malaking tulong ito para mabawasan din ang populasyon ng ating bansa.

Bukod sa mga wifi hotspots, ikakalat ko na rin ang english hotspots sa buong bansa. Ayun lamang ang mga area na pwedeng magsalita ng ingles, ang magsalita ng english beyond this area ay raratratin ng AK47. Sa mga lugar ng english hotspots, itatalaga ang mga medics para magsagawa ng first aid at may dala ng tampons pampasak sa mga ilong ng mga nagno-nosebleed.

Bibigyan ko ng livelihood project ang mga nangangailangan. Papayagan ko silang magbenta ng laman, as long na nagtataglay sila ng katakam-takam na katawan, or else, popoksaen din sila.

At bago matapos ang aking State of the Nation, binabati ko sina Marian Rivera at DingDong Dantes na magdidiwang ng kanilang birthday sa buwan ng Agosto.

Papasalamatan ko muna ang aking mga sponsors. Thank you Minute Burger para sa inyong buy 1 take 1 burgers. Mini Stop para sa napakasarap nilang sundae cone. Salamat din sa nananakawan ko ng wifi signal, kung sino ka man, more power to you, pataasin mo pa bandwidth subscription mo at huwag ka sanang lumipat ng bahay. Kay Sarhento Magtanong, na maasahan mo sa lahat ng pupuntahan. Nagpapasalamat din ako sa SM Mall of Asia dahil itinayo ito sa Pasay City kaya’t isang sakay lang ito mula sa amin. Salamat din kina Belo, Doc Manny at Pie Calayan para sa pagreretoke ng ating mga pangit na artista. At higit sa lahat, salamat kay Aling Keka dahil pinsan siya ni Malou na tiyahin ni Matilda.

I thank you. Bow!

Photobucket

Ang iba pang SONB:
2007
2006

Be the first to like.

6 Comments

  • nasaan ang pic ng white mesh na suot ninyo, his excellency?

    Billycoy: nasa labada na, natalsikan, may mantsa tuloy.

    Reply

  • i-consider mo ulit magsuot ng hot pink na damit. hindi nga. kahit underwear hahaha

    Billycoy: Meron din akong pink mesh, suot ko yun minsan at tanging yun lang.

    Reply

  • magaleng magaleng

    Reply

  • astig! okay ang SONB mo Mr. President.. akmang-akma sa kasalukuyan.. mabuhay sina Marian at Dingdong…:)

    Reply

  • mas ok sana kung nagpink ka! :)

    Billycoy: I think my mesh shirt is hott!

    Reply

  • LAFTRIP!

    Kadiri yung taas baba ha. HAHA. Mahalay.

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines