• 27Aug
    Categories: Basura Blogs

    Ang sarap talagang matulog. Lalo sa panahong ngayon. Hay! Napakasarap talaga. Mamaluktot, gumulong-gulong, tumambling, mag-cartwheel at gumawa ng miracles sa ilalim ng kumot. Lalo na siguro kung may katabing iniirog sa buhay, oh wow, hello baby after 9 months.

    Malaking bagay sa akin ang pagtulog, MAS ikababaliw ko ang pagiging kulang sa tulog. Nagiging bugnutin, emo, MAS timang, MAS magulo ang buhay at LESS mahalay ako kapag puyat. Ang aim ko lang kasi kapag ganun ay ang matulog lang. Kaya hindi talaga pwedeng hindi ako makatulog. Sino nga ba ang hindi?

    Laki nga ng ipinagbago ng sleep patterns ko noon sa ngayon. Hayan na naman, flashback, water effects muna, samahan ng piano sounds.

    Noon, hindi ko kayang matulog na ako lang mag-isa saka patay ang ilaw. Grade 4 na ako noong nahiwalay ako sa parents ko sa pagtulog. Nu’ng unang beses ko ngang ihiwalay ng kwarto, nahirapan ako sa pagtulog. Paanong hindi ba naman ako mahihirapan matulog nu’n, noong araw kasi na hihiwalay na ako sa kwarto ng parents ko, bumisita ang tiyahin ko. Nu’ng umaga ba naman kasing yun, nagwawala siya at talaga namang nabulabog ang kabahayan namin. Akala ko nga kung anong kadramahan na naman sa pamilya namin. Iyun pala may nakikita siyang kung anong nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong tao. Syempre, dahil sweet, young and innocent pa ako noon, madali akong natakot. Hindi talaga kinayanan ng powers ko na matulog sa kwarto namin ng kuya ko.

    Lumipas ang ilang taon, nasanay din akong matulog sa kuwarto namin kahit ako lang mag-isa at patay ang ilaw. Hindi na rin ako matatakutin, kasi kung meron mang multo kahit magtago ka pa sa loob ng inidoro makikita ka pa rin niya. Minsan nga kalaro ko pa ang mga palad ko kapag mag-isa sa kuwarto.

    Ako pa ang nasa upper bunk ng double-deck namin ngayon. Kaya kapag nakapwesto na ako dun at natutulog na, ako na ang hari, with crown, robe and sceptor pa. Walang pwedeng magbukas ng ilaw unless emergency at saka bawal din ang maingay. Madali kasing ma-disrupt ang aking circadian clock. Syempre, I do the same to my roommates, mabait at accomodating nga ako, di ba?

    Saka hindi rin pala ako madaling makatulog kung saan-saan. Ang iba dyan kahit nasa sasakyan, nakakatulog kagad, with matching hilik, tulo ng laway at lungad sa paggising nila. Meron pa ngang nakakatulog sa loob ng MRT at LRT na nakatayo kahit pa umaalingasaw ang putok at amoy ng batok ng mga tao dun. Hindi ko kaya ang ginagawa nila, dapat talaga kapag tulog ako nakahiga dapat saka blindfold dahil nga light sensitive na rin ako.

    Hayan, inaantot… este… kinakan… err… inaantok na tuloy ako. Lamig kasi ng panahon. Ang sarap tuloy magba… matulog. O siya, tulog na ako, sana mag-wet dreams ako.

Viewing 3 Comments

 

Trackbacks

(Trackback URL)

close Reblog this comment
blog comments powered by Disqus