Ang bilis natapos ang weekend ko. Nagkaroon nga ako ng pahinga nitong Linggo, may hangover naman. No use! Ang dami kasing kaganapan nitong nagdaang araw, ang daming events.
California Pizza Kitchen

Sinong hindi matatakam dyan?
Nabusog ako sa ginawa kong Greek Pizza sa CPK sa Glorietta 3. Paanong hindi ako mabubusog, eh bonggang-bongga naman kasi ang toppings. Akala ko nga simpleng mozzarella cheese at chicken lang ang toppings nito, nu’ng naluto na, saka nilagyan ng sandamakmak na garnish. Na-shock nga ako sa pizza ko, kulang na nga lang yata ay ma-comatose ako at madala sa Makati Med.
For more info, bisitahin ang www.globalresto.com
The Hilt Asia Media Launch
Ang Hilt Asia ay spefically made para sa mga single. Kaya naman syempre, bilang representative ng mga USB ay kailangang dumalo ako dito. For your info guys, hindi ito speed dating, sex party, etc. Para ito sa mga bored na singles na gustong mag-try ng mga kakaiba at exciting na gawain. Binigyan nga kami ng trial during their media launch last Friday night. Tinuruan kaming gumawa ng cocktails kung saan napa-breakdance si Poyt dahil pina-shot sila ng naghuhurumentadong anghang ng hot sauce. Nagturo din sa amin si Alex Pagulayan ng mga death-defying stunts sa billiards. Pero ang pinaka-malufet ko sigurong experience ay ang sa palm reading. First time kong magpabasa ng aking kapalaran at masasabi kong totoo. Bakit?
Apat silang palm reader sa kwarto. Lumapit sa akin ang unang palm reader at syempre inabot ko naman sa kanya ang aking pasmadong mga palad. Medyo nahirapan yata siyang basahin ang palad ko, ewan, hindi naman ako ‘kumambyo’ bago ko ipakita ang palm ko. Pero nagulat ako nung tanungin niya ako.
“Wala kang lovelife?” sabi ng 1st palm reader sabay lipat sa susunod na tao.
Kulang na lang yata ay lumipad kami nila Poyt at Coy sa aming kinauupuan. Tapos maya-maya sa topic na heartline, lumapit ang isa pang palm reader. At sabi niya:
“If I’ll read this (heartline), you may not get married.”
Talaga namang napa-cartwheel, breakdance, eggroll at somersault kami sa sinabi niya. Tagus-tagusan sa ribs hanggang spinal cord ang sinabi nila. Halos nilamutak at giniling na lahat ng lamanloob ko sa mga statement na yun, my gulay!

don't worry, hindi iyan ang ginagawa sa palm reading
Pero in the end, masaya namang natapos ang gabi.
For more about Hilt Asia, bumisita sa hilt asia website
Inuman despedida
Saturday night naman, medyo malakas pa rin ang tama ng palm reading sa akin nu’ng gabing iyon. Sumugod ang barkada sa San Pedro dahil despedida para sa mga barkadang pupunta na sa Singapore. Bangenge to the max at patayang tagayan na naman. Ang unang ikot, isang nanginginig at nanlalamig na GranMa. Second at third round, Black Label at GranMa sa normal na ikot at sa opposite na ikot ay ang namumulang kabayo. Ang tinding sumipa ng GranMa, ng kabayo saka ni Johnny. Tumilapon ang utak ko sa ere at tinunaw ang karamihan ng neurons ko. Wala nga akong tulog na umuwi kasi inabot na rin kami ng umaga sa pag-iinom. Nagka-dramahan pa nga kami. Pati ako napaiyak. Kahit nga nu’ng nakauwi ako ay humihikbi at umiiyak pa rin ako. Nagulat nga ang mom ko at nasabi niya:
“Anak, ano nangyari sa iyo? Na-holdap ka ba?”
Nawala bigla ang tama ng mga ininom ko sa tanong niya. Mommy talaga, sinira ang momentum ng drama ko.
Kaya hayun, buong araw ng linggo dinamdam ko ang sakit ng hangover at halos isumpa ko na naman ang alak. Pero ngayon okay na ako, tara mamam na ulit.
——
Sa Sunday na nga rin pala ang Philippine Blog Awards 2008. Good luck sa mga nominees, wag niyo lang sana kaming kalimutang ilibre kung mananalo kayo!