And the Awards Goes to? The Philippine Blog Awards 2008 tales
Naganap na naman ang pinaka-prestigious at ang kinaabangang event para sa mga bloggers nitong ika-21 ng Setyembre, taong 2008, ang Philippine Blog Awards 2008. Kaya pinadala ko ang aking katawan para saksihan ang nasabing kaganapan. Opo, katawan ko lang ang ipinadala ko, ang aking oozing sexy body na nagtataglay ng 0.01% ng aking kagwapuhan.
4:15pm na nung huling tingin ko sa orasan. Regal shockers! Male-late na ako para sa PBA ’08. Kaya naman nagpahid na lang ako ng alcogel, nagmumog ng agua oxinada at nagwisik-wisik ng baby cologne sa aking kili-kili dahil kailangan ko ng magmadali. Hindi naman na kasi necessary na maligo pa ako, kasi nagse-secrete ang sweat glands ko ng bangong halimuyak na katulad sa bonggangbilya.
Nilatigo ko na nga ang jeepney driver para bilisan niya ang kanyang pagmamaneho, kaso tinitigan niya lang ako ng masama. Kaya nanahimik na lang ako sa sulok ng jeep at kumanta ng “bam-bam-bi-dam-bam-bam-bi-dam-bam (repeat ’til you make sawa)”. Since medyo malapit lang naman ang Mall of Asia sa Esplanade One, nagpagulong-gulong na lang ako papunta dun at nilanghap ang nakakaadik na amoy ng damo at ang nakakasulasok na amoy ng tila nabubulok na tahong ng Manila bay. Buti na lang hindi pa nagsisimula yung program proper nu’ng dumating ako. Kaya minabuti kong tsumibog at lapain lahat ng nakahain sa buffet table, dahil nga “malapit lang naman ang Mall of Asia sa Esplanade One.”
As usual, nandoon lahat ang mga bigtime bloggers. Yung mga nakilala ko na saka yung mga bagong mukha. Deserving ang lahat ng mga winners, kaya kung sinuman kayo dyan, congratulations sa inyo, hindi niyo man lang ako ililibre kahit man lang isang size 11 na sapatos? O sige kahit relief good man lang na may lamang bigas, asukal at mga de lata? Okay fine, kahit isang sachet na lang ng shampoo?
Medyo nabangenge nga ako sa apat na latang Red Horse. Mabuti nga’t natigil sila sa pagse-serve kung hindi, marahil ginawa kong dancefloor ang stage at sumayaw na ako sa lahat ng poste. Buti na-control ko pa, dahil tabi lang iyon ng dagat baka itapon pa ako dun. Ayokong maitapon sa Manila Bay, kadiri ah, dami kayang basurang palutang-lutang dun at baka nga maka-swimming pa ang mga poopoo doon.
After ng PBA, napagpasyahang pumunta sa The President’s sa may San Miguel by the Bay, na likod ng MoA, para mag-midnight snack… este… Fiesta pala. My gulay, pwede na kaming katayin at ibenta sa palengke kinabukasan dahil sa dami ng pagkain. Kung uso sa mga inumin ang refill, ganun din sa mga pagkain. Non-stop kaya ang pagdating ng mga pagkain, hindi ko na nga alam kung ano pang klaseng pag-a-arrange ng mga pagkain sa bituka ko magkasya lang silang lahat. Kaya heto, mga isang linggo akong hindi kakain para bumalik ang aking katakam-takam kong katawan. Buti na lang gwapo at virgin pa rin ako.
All in all, kahit na parang naka-steroids sa bilis ang oras ng gabing iyon, nag-enjoy ako ng husto. Kahit hindi ako nanalo ng prize o award, gwapo naman ako. At yun ang kailanman hindi napapanalunan!
Shoutout at LinkLab
- kay LA na katabi ko sa buong program proper at pagpapahiram ng kanyang laptop.
- kay Carlo dahil katabi siya ni LA at astig ang kanyang macbook
- kay Eric dahil siya ang nagbigay ng raffle stub na nawala ko rin
- kay Nina sa pagpicture sa akin na emo nu’ng tuluyang lumubog na ang araw
- kay Melo dahil nasuot ko na kanina yung t-shirt from Volcom
- kay Sir Manolo dahil pareho kami ng brand ng beer at paghahatid sa aming mga tahanan
- kay Fritz dahil sa kanyang astiging nominations video clips
- kay Poyt sa pagdi-direk ng mga makukulit na intro clips
- kay Kring na napaka-hot that night
- kay Marcelle dahil sa kanyang guts
- kay Heneroso, kasi payat pa rin siya
- kay Kevin sa kanyang pag-picture sa akin sa WeWillDoodle wall
- kay Xienah dahil napaka-sassy niya that night
- kay Mariano sa kulot at long hair na buhok, rock on!
- kay Ferbert na hindi niya suot ang kanyang bonggang-bonggang shemagh
- kay Ian sa pagdalo saglit sa plurkfiesta
- kay Aaron sa pagsama niya kay Ian sa pag-uwi
- kay AJ sa kanyang pink na necktie
- kay Shari para malulutong at malulupet na chicharon
- kay Mica na nawawala sa WeWillDoodle wall
- kay Jehzlau na masugid na supporter ni Batang Yagit
- kay Arbet na stressed at lumagpas na naman sa kanyang sleeping time
- kay Juned and the PBA committee para sa isang successful na event
- kay Arpee at sa kanyang bubblewrap
- kay Doc Tess, congratulations sa award
- kay Pierre, congrats sa award at sa isa mo pang “award”
- kay Ben Chan, dahil siya may-ari ng Bench
17 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- Last episode. Too many "It isn't what it seems" moment. http://t.co/TPDdVEyL @GetGlue @TheKilling_AMC
- No, I'm not eating. (@ Food Choices w/ 6 others) http://t.co/WJflxtdG
- Gym stereotype characters... Bah!!!
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







ako nga di ko pa yata naii-jebs yung nakain natin nung linggo
Reply
naks! napakadakila ng iyong hangarin hijo.
Reply
teka chineck ko lang kung may no follow ang link love. LOLs
Reply
wala akong no-follow plugin.
Reply
OMG?! bakit naman? tawagan mo provider nila!
Reply
Awww salamat sa link love!
Grabe yung plurkfiesta na yun wohoo hanggang ngayon busog pa ako!
Reply
Billycoy Reply:
September 23rd, 2008 at 11:18 am
@Micamyx -
Di ko pa nga rin yata naje-jebs hanggang ngayon yung kinain ko
Reply
wow nagpunta ka pala! sana next year manalo ka!
Reply
p.s.
namiss ko ang site mo.
Reply
uy salamat sa muling pagbisita. well, manalo? di naman ako umaasa dun. happy na ako sa mga reader ko.
anyway, gwapo na ako at makapal ang mukha ko, at yun ang hindi nila kayang mapanalunan!
Reply
super supporter ako ni batang yagit… sumabog man ang kalawakan, mamatay man lahat ng palaka sa mundo, mahulogan man ng mansanas si juan tamad ay lalaban parin ako hanggang kamatayan man
bwahahaha!
Reply
Billycoy Reply:
September 23rd, 2008 at 11:18 am
@Jehzeel Laurente -
Naks! ang dakila mo tsong!
Reply
haha.. dadaigin mo na yung WPP linklove.. lol
Reply
ano pala yung WPP?
Reply
Sana nga next year may Best Humor Blog na para manominate naman kita no!
Thanks sa mention, koyah!
Reply
gusto ko mag-judge na lang. hehehe.
Reply
[...] Blog Awards 2008 by Octwelve 21. Philippine Blog Awards 2 and My Hiatus by Allen Michael Gurrea 22. The Philippine Blog Awards 2008 Tales by Billycoy 23. Winners of the 2008 Philippine Blog Awards by Noemi Dado 24. Thanks for the [...]