Sep 27, 2008

On Lovelife and Priorities

Hindi ko alam kung ano na namang pumasok sa kukote ko at naisip ko ito. At sa kalagitnaan pa habang hinihilod ko ang mga banil at libag ng mga singit at kasuluk-sulukan ng katawan ko. Ewan ko ba, may espiritu yata ng kung ano ang tubig namin at talagang naitanong ko ito sa sarili ko:

Kailan ko ba gustong magka-lovelife?

Anong petsa? Anong oras? Anong araw ko ba gusto? Kailangan ba full moon? Kailangan ba high tide? Umuulan ba? Umaaraw? Kasabayan ba dapat siya ng pagpalit ko ng bedsheet? Kailangan ba after kong maligo? Or after kong magpa-diamond peel?

Like what I always say, siguro panlabing-limang libo siyamnapu’t siyam ko ng sinasabi ito sa marami, HINDI AKO NAGMAMADALI. In the first place, hindi pa naman talaga ako naghahanap. Ewan ko ba. Priorities siguro. Saka I have to love myself first, before I learn to love others. Kaya nga I love myself regularly; kapag mag-isa sa kwarto o kaya sa banyo.

Ano ba mga priorities ko?

  1. Career. Sa trabaho maraming pwedeng makasalamuhang tao. At sa mga nakakasamang taong yun pwedeng makita ang aking soulmate.
  2. Social Life. Men are social creatures kaya hindi pwedeng puro online ang buhay ko at kausapin ang computer ko sa office habang buhay. Kailangang maka-meet din ng ibang tao and who knows, baka may mapusuan ako sa kanila.
  3. Health. Health is wealth ika nga. Marami rin kasing mga kababaihan ay into fitness ngayon kaya pumupunta sila sa mga gym. Isa yun sa rason kung bakit ako nagwo-workout. Yun nga lang puro thundercats ang mga nasa gym namin. Syet, kailangan kong magpa-member na sa mas magandang gym!
  4. Sex life. Period. Iba yun sa love life. Period ulit. 
Least talaga sa priorities ko ang love life. Parang stray wifi lang yan, kung kailan hinahanap, dun nawawala. Kaya mas mabuting wag na munang hanapin para dumating ng kusa.
Kayo? Ano ba mga priorities niyo?

Bacardi Rum Come


ganyan din kasi ang hanap ko.

1 person likes this post.

18 Comments

  • It will come when you're ready for it.

    Go, go, go lang sa SEX!

    Reply

  • Akala ko pa naman makakarelate ako. Di pala.

    Reply

  • di mo naman kailangang ihiwalay ang love life sa mga priorities mo ah. pwedeng sabay :)

    Reply

  • Hindi naman talaga minamadali dapat yan lalo na kapag bata ka pa pero may times na napapaisip ka rin.

    Ako ok na ako with all the good friends i have at newbie pa lang ako sa corporate world kaya yun muna :D

    Astig maging single woot!

    Reply

  • Asa ka naman sa akin. :P

    Reply

  • astig ang moral support!

    Reply

  • uunahin ko muna sex life… kung magkakaroon man.

    Reply

  • Go singles!!!

    Reply

  • buti nga ikaw my priorities di tulad ng iba na wala!
    ok lang maging single atleast hindi hassle sa gimik ng tropa..
    un nga lang pag sa tropa ikaw lang ang single,,,medyo badtrip un,,
    aus blog mo ha,,,
    nakakatuwa,,

    Reply

  • thanks. hassle din naman ang lovelife sa finances, unless si juwawhoops ang may handle nun.

    Reply

  • MEHEHE. Natawa naman ako sa boobs nung girl. Apat. Parang udder lang ng baka.

    Anyway. Hindi nga dapat madaliin ang mga ganyang bagay. Kung tutuusin, hindi nga sila dapat hanapin eh.

    Reply

  • naks, based from experience ba?

    Reply

  • hmmm, kaka aliw naman un heheh!!! iba nga naman ung sexlife sa lovelife! mabuhay nag mga single!!!

    Reply

  • hmmm… masaya naman ang maging single ah. Sayo lang ang sweldo mo, walang mga bawal-bawal, walang away-away, at walang stress na nakakapagpapangit sayo. YUn nga lang, balang araw, gusto mo ring magsettledown eventually. Pero kung wala pa talagang dumarating, don't worry kasi eventually, lahat ng mga single sa mundo, maghahanapan din.

    For the meantime, love yourself na lang muna. Wag na sa kwarto o banyo. Be original naman. Subukan mo naman sa salas o sa

    Reply

  • may terrace.

    badtrip naclick ko kaagad ang post comment. lol.

    very nice blog by the way. so funny. i enjoyed it.

    Reply

  • gusto mo lang yata akong bosohan ng walang kahirap-hirap. LOL

    Reply

  • hmmm… Pwede din. LOL

    Kaw ha? Yaks… hahaha…

    Reply

  • naks namn,,it's nice to be single,walang sakit sa ulo,walang iyakan moments,and walang gastusan ever moments,,pag may bf ka conscious ka palagi sa looks mo,sa susuotin mo..

    i don't miss no one,i missed of taking care of some one,,,nakz talga,,hehehe,,
    now ko lng nalamn na may dapat pala sundan if you gonna fall inlove,,kung bilog ba ang buwan o high tide ba,,,

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines