Browsing articles from "October, 2008"
Oct 29, 2008

Assistance for Life

Napapagod na ba kayo? Gusto niyo bang mapadali ang ginagawa at mag-relax na lang? Gusto niyo bang may alilain at madala ito kung saan-saan?

Heto na ang bagong bago at ang maaasahang Portable Yaya P.A.

Photobucket

Oops. Wrong yaya image.

Utusan sa kung anu-anong bagay. Magluto, mag-ayos ng gamit, maglinis, magpunas ng pawis, mag-retouch ng makeup, magpulbo, magtimpla ng kape, magpakulo ng tubig, maglaba, magpabili ng condom, magdala ng mabibigat na bag, taga-palit ng damit, etc. At dahil kasyang-kasya ang Portable Yaya P.A. sa bag, pwede siyang dalhin at gamitin kahit saang sulok man kayo ng mundo. Hindi na kailangan ng batteries kaya hindi na dapat mag-charge.

It also comes in two sizes to fit your bags and pockets.

But wait there’s more…

If you call after a few minutes we will give you this offer. We will upgrade your Portable Yaya P.A. into a Portable Yaya P.A. Sex Machine. Yes, that’s right, into a Portable Yaya P.A. Sex Machine.

Photobucket

nice view kay "baby"

Hindi lang luto, linis, utos ang pwedeng gawin, may special feature pa. Kaya naman hindi lang relaxation ang kayang i-offer ng Portable Yaya P.A. Sex Machine, satisfaction din.

But wait there’s more…

If you order within a few seconds will give you this libreng eleganteng turnilyo.

So ano pang hinihintay niyo? Order na!

Be the first to like.
Oct 23, 2008

Time to DeStress

Photobucket

Ngarag (v.) nangyayari ito sa iyo kapag sinusumpa mo na ang lahat ng tao sa mundo.

Tatlong araw na pala akong sunud-sunod na nag-overtime. Dalawa doon umabot pa ako ng midnight. Nasisira na tuloy ng trabaho ko ang masaya kong nightlife sa bahay at pagbisita sa mga malls. Grabe kasi sa demanding ang client namin ngayon. Kung ikukumpara lang sa harassment ang ginagawa niya sa amin, daig ko pa siguro ang ginahasa ng walumpung beses at tapos tinadtad pa ng pinung-pino ang katawan ko.

Isa tuloy sa napalagpas ko ang opening ng Philippine Fashion Week. Kung kailan pa man din ako may pagkakataon sanang manood, hindi pa natuloy. Bwisit na kliyenteng iyan, magbigay ba naman ng deadline na sobrang gipit sa panahon. Gusto ko siyang gilitan sa leeg, patakan yun ng kalamansi, sungalngalan siya ng langka sa bunganga, pasakan ng cactus sa puwet, gilingin hanggang sa kahuli-hulihan niyang molecule at hambalusin siya ng barko sa ulo. Syempre, di ko naman pwedeng gawin yan. Ang pwede ko lang namang gawin ay sumpain siya na tubuan siya ng bayag sa noo na may sakit na elephantiasis.

Wala naman akong magagawa. Client yun at saka sunud-sunuran lang din naman ako sa inuutos sa akin. Kahit pa magngangangawa ako na abot kalakan at lumuha pa ng dugo, kapag sinabi ng boss na gawin ang trabaho, no choice kundi mag-cartwheel papunta sa workstation at gawin yun. Iyak na lang kayang gawin.

Masama pa man din ang epekto ng stress sa katawan. Kaya kailangan parating may panlaban dyan:

  • Multivitamins + Minerals
  • Proper Diet
  • Rest
  • Meditation
  • Lotion, oil or petroleum jelly
  • Kamay o mga daliri
  • Tissue
  • Video player, computer with internet access or a very vivid imagination
  • Porn
Marami talagang hirap at sakripisyo sa pagtatrabaho. Kailangan talaga nating kumayod. Kung di naman kayang kumayod, daanin na lang sa kiskis.

Be the first to like.
Oct 15, 2008

Four Faces of Fovertee

Ang kahirapan. Isa sa malalang problema ng ating bansa at ng kamunduhan. Hindi alam ng marami, may apat na mukha ang kahirapan.

Ang Mukha ng Walang Pag-asa

Photobucket

Ang mahirap sa lahat ng mahihirap. Pero ang tanging paghihirap na dinadanas nila ay pangalayin ang kanilang mga kamay at pagtitiis sa tindi ng sikat ng araw at lamig ng sementong kalsada.

Ang Mukha ng Mahirap na Nagpapakahirap

Photobucket

Ang mga isang kahig, isang tuka. Kadalasan hindi sapat ang inuuwi na pera sa pamilya. Matinding paghihirap ang tinatamasa nila sa pagtatrabaho at sa mga boss nila.

Ang Mukha ng mga Nagpapahirap

Photobucket

Ang gobyerno na hindi malinaw ang batayan para lutasan ang kahirapan sa bansa. Kadalasan nga sila pa nagpapalala gawa ng corruption at kung ano pang katiwalian.

Ang Mukha na Mahirap Sikmurain

Photobucket

Look at the pictures. Need I say more?

Wala namang bansa ang hindi nakakaranas o wala man lang taong mahirap. Isa na ito sa sakit ng lipunan na hindi maiiwasan. Pero hindi na dapat yun dun magtapos di ba? Kung hindi naman maiiwasan, kaya namang bawasan ang aggravated symptom ng sakit na ito. Isa na ngang paraan ay simulan sa sarili. Hindi naman kaya ng gobyerno o ng kung sinuman na baguhin ang katayuan ng buhay natin. Wala ring mangyayari kung reklamo ng reklamo lang. Anong silbi ng pagrereklamo kung walang pagkilos, di ba?

Die trying, not whining.

Ikaw, kailan ka pa kikilos?

Be the first to like.
Pages:12»

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines