Oct 23, 2008

Time to DeStress

Photobucket

Ngarag (v.) nangyayari ito sa iyo kapag sinusumpa mo na ang lahat ng tao sa mundo.

Tatlong araw na pala akong sunud-sunod na nag-overtime. Dalawa doon umabot pa ako ng midnight. Nasisira na tuloy ng trabaho ko ang masaya kong nightlife sa bahay at pagbisita sa mga malls. Grabe kasi sa demanding ang client namin ngayon. Kung ikukumpara lang sa harassment ang ginagawa niya sa amin, daig ko pa siguro ang ginahasa ng walumpung beses at tapos tinadtad pa ng pinung-pino ang katawan ko.

Isa tuloy sa napalagpas ko ang opening ng Philippine Fashion Week. Kung kailan pa man din ako may pagkakataon sanang manood, hindi pa natuloy. Bwisit na kliyenteng iyan, magbigay ba naman ng deadline na sobrang gipit sa panahon. Gusto ko siyang gilitan sa leeg, patakan yun ng kalamansi, sungalngalan siya ng langka sa bunganga, pasakan ng cactus sa puwet, gilingin hanggang sa kahuli-hulihan niyang molecule at hambalusin siya ng barko sa ulo. Syempre, di ko naman pwedeng gawin yan. Ang pwede ko lang namang gawin ay sumpain siya na tubuan siya ng bayag sa noo na may sakit na elephantiasis.

Wala naman akong magagawa. Client yun at saka sunud-sunuran lang din naman ako sa inuutos sa akin. Kahit pa magngangangawa ako na abot kalakan at lumuha pa ng dugo, kapag sinabi ng boss na gawin ang trabaho, no choice kundi mag-cartwheel papunta sa workstation at gawin yun. Iyak na lang kayang gawin.

Masama pa man din ang epekto ng stress sa katawan. Kaya kailangan parating may panlaban dyan:

  • Multivitamins + Minerals
  • Proper Diet
  • Rest
  • Meditation
  • Lotion, oil or petroleum jelly
  • Kamay o mga daliri
  • Tissue
  • Video player, computer with internet access or a very vivid imagination
  • Porn
Marami talagang hirap at sakripisyo sa pagtatrabaho. Kailangan talaga nating kumayod. Kung di naman kayang kumayod, daanin na lang sa kiskis.

Be the first to like.

11 Comments

  • Dalawa ang namiss mo this week yay.

    Sayang nga lang talaga yung kanina. I know how you're eager to watch the premiere kaya ako din isinusumpa ko din yang kliyente ninyo lol

    Kapag nagtratrabaho ka na talaga maraming kailangang i-sakripisyo.

    Oh well. Sana naman yumaman tayo haha :D

    Reply

  • haha. mabisangpanlaban sa stress ang payo mo kabayan.
    kaya mo yan. may mga pasaway talagang kliyente sarap gilitan,

    Reply

  • dibale nagmukha ka namang isang magandang ehemplo. kaya ituloy mo na lang ang pag-sumpa sa kliyente mo.

    Reply

  • Mukhang mabisa yung huling nabanggit na panlaban sa stress. Hehehe Ngayon naniniwala na ako na ang trabaho nakakasira ng barkada at pamilya. :p

    Reply

  • hindi lang kamo gilit!

    Reply

  • ehemplo saan? ng kahalayan?

    Reply

  • dapat matagal mo ng alam yan. hehe

    Reply

  • burn out na yata? lols.
    ayos ang tips pangtanggal ng stress.
    at, sayang namiss mo ang PFW. diba sa SMX yun ginanap?

    Reply

  • Naawa ako dun sa miming. Kayutipay mingming.

    Ako naman nauuhaw sa trabaho. Shet.

    Reply

  • yap sa SMX nga, pero buti na lang nakakuha ako ng pass for sunday noon kaya nakanood din ako.

    Reply

  • suggestion, enjoy mo muna temporarily kinatatayuan mo ngayon. I swear, mas maswerte ka pa.

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines