Nov 7, 2008

Scene Stealer

Warning: Pasintabi sa mga kumain, kumakain at kakain pa lamang. Basahin na lang ito ng naka-blindfold kung gusto niyo.

Saktong isang linggo na matapos ang Clear Black Night Halloween Party na naganap sa Taste Asia ng Mall of Asia. At huwaw! Ang daming nakaitim, syet! Ay oo nga pala, black party nga pala. Halu-halo ang mga nandoon, may mga nakaitim, medyo nakaitim, hindi nakaitim, maitim ang complexion, itim ang kilikili, itim ang singit at maitim ang budhi.

Dahil required na magsuot ng sexy black noong gabing yun, pumunta naman ang inyong lingkod in all black… except sa utak na parating green. Sinigurado ko ring magiging matulis ako that night… yung sapatos ko that is. At dahil nga maraming nakaitim, mahirap tuloy mag-standout sa crowd lalo’t napapaligiran ng beautiful people at nandoon pa ang mga candidates ng Ms. Earth. Umagos nga ang laway ko dahil karamihan sa kanila naka-backless pa. Si stunningly beautiful Ms. Tanzania nga, kahit sash lang, kung sakaling tanging yun lang ang suot talagang nakaka-wow ang hotness niya.

Sa mga party, dapat standout talaga. Usually, nadadala yan sa pananamit. Pero kayang dalhin naman sa ibang paraan para mag-standout.

  • Iwanang bukas ang zipper. Effective para sa mga taong laging naka-”commando.” Pabayaang dumungaw si junior at magsasayaw sa ere habang dumuduwal lahat ng makakita sa kanya.
  • Gumawa ng eksena. Pwedeng madapa o kaya mag-dive sa sahig, basta kahit anong pwede para mapahiya ang sarili as long na magmumukhang accidental. Kagaya ko, muntikang halikan ang sahig, buti na lang may butihing dilag na sumalo sa akin.
  • Gumamit ng Clear shampoo and conditioner. Nakakaagaw pansin kasi talaga ang dandruff-free na buhok. Pero agaw-pansin din naman ang tumatalsik na dandruff sa mukha ng katabi, pero syempre mas maganda pa rin ang non-flaky hair and scalp. Para mas effective ang paggamit ng Clear shampoo, dalhin ito sa event, magdala ng tabo at tubig at maligo sa harap ng marami. Wet and wild pa ang dating.

Agaw-pansin din ang mga iPod touch ngayon, kaya kung gusto niyong makakuha nito, sumali na sa “My Clear Black Night Experience.”

Since, disqualified naman ako sa blog writing contest na nabanggit, ishe-share ko na lang ang isang effective diet secret.

Hindi yung baril ang diet secret dyan, titigan niyo mabuti si chewbacca. In a while, mararamdaman niyong magloloko ang tyan niyo at duduwal. Effective di ba?

Be the first to like.

12 Comments

  • oooh. so hairy. ugh! :|

    Reply

  • isa itong ehemplo ng tao na hindi masaya ang childhood. malamang ay hindi sya mahal ng magulang nya at ginugulpi pa ng tatay nya.

    testimonial: i lost 10 pounds in 2 minutes!

    LOL

    Reply

  • Ba't nakatutok yung baril sa *toot* nya!? WOOMFG.

    Reply

  • eeewww..*yun lang..cheers!♥ =]

    Reply

  • you are the living proof. wait. buhay ka pa nga ba after seeing that pic?

    Reply

  • aling “baril”? at paano mo nalamang nakatututok ang kanyang “baril” dun sa baril? tinitigan mo?! :-o

    Reply

  • wow… mala-carpet na chest hair yan, ah. LOL..

    at may pagka-Emo pa ata at hinahanda na ang kanyang baril na gagamitin nia para matapos na ang kanyang masasayang araw dito sa mundo.

    kamag-anak yata ni Kiko Matsing ito.

    Reply

  • I almost vomit after seeing the photo!

    Reply

  • then the pic is really effective for diet. wohoo

    Reply

  • Naruon ka pala sa event Billycoy sana ay nakita kita…
    At nakpiaghuintahan sa yo hehehe…

    Reply

  • lol onga… *vomits* kthnxbai

    Reply

  • parang tagabundok lang ung guy eh noh? lol.
    anyway, natawa ako dun sa 3 tips.. hahahaha.
    nakakatuwa, babalik ako dito. :)

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines