post Category: Now You Know — Billycoy @ 4:08 pm — post Comments

Hindi maiiwasan na makaramdam ng kakaiba sa sikmura kapag nakaalis na ng bahay. Lalo na kung hindi regular ang routine o hindi nagagawa ang kadalasang ritual. Kaya mapipilitan talagang gumamit ng public facilities.

Marami ang hindi nakakaalam kung paano jumerbaks sa mga public CR kasi karamihan naman sa atin ay sanay sa bahay. Siguro, dahil nahihiya nilang ipaalam sa sandaigdigan na mabaho ang jebs nila. Wala naman kayang jerbaks na amoy Ralph Lauren, Kenzo, Hugo Boss or Johnson’s Baby Cologne, hello?!

Paano ba mag-jebs sa public CR?

Siyempre, first, the materials:

  • tissue, bond paper, post it, confetti, cartolina, manila paper o kahit anong papel na pwedeng pamunas
  • tabo/dipper (kung available sa CR or magdala na lang kung sa office CR)
  • soap
  • hand sanitizer/alcohol

Piliin ang washroom. As much as possible dapat sanitized ang palikuran na gagamitin. Pugad din kasi ng germs ang maduduming banyo lalo na kung nagkalat ang mga jebs sa mga pader at cubicle. Safe pa rin naman ang mga CR na may nakasulat na phone numbers sa mga pader, unless yung poopoo ang ginamit na pangsulat. Pero kung no choice at nagwawala na ang bituka…

Practice ang pag-squat. Pwede ring latagan ng tissue ang rim ng bowl, pero best choice ang pag-squat. Dapat lang siyempre marunong mag-aim sa bowl para hindi naman gumawa ng grafitti sa loob ng cubicle. Kung isang oras ang dapat gugulin, good luck na lang.

Tissuing. Punasang mabuti ang butas pati na ang paligid nito. Please lang, huwag gamiting paulit-ulit ang isang tissue or else pagsisisihan din yun. Punasan hanggang sa wala ng trace ng jebs sa tissue. Pwedeng itapon ang first few tissues sa bowl para di naman kumalat ang nakakasulasok na amoy sa CR at hindi kaiga-igayang view nito. Kung manila paper ang pamunas, sa trash can na lang yun, please.

Washing. Kung may bidet ang CR na gagamitin, susyal kayo. Pero in case na tubig at tabo lang ang available, heto ang gawin:

  • Umusog or umupo sa dulo/rim ng bowl.
  • Padaanin ang tubig sa buttcrack. Iyon naman kasi ang purpose ng cleavage ng puwet.
  • Moist hands with soap (kung maarte at sensitive ang butas, pwedeng gumamit ng moisturizing soap) at iyon ang ipanglinis sa puwet. Use fingers to clean the tips of the anus.
  • Dry with tissue.

Flush! Flush! Flush! Kahit pa macarthur ang jebs, piliting mawala ito sa paningin kahit pa gumawa ng milagro para naman sa courtesy ng next user.

Concealing. Kung galante sa tubig ang toilet bowl, basta pag nahulog na sa tubig ang jebs, i-flush na kagad. Pero kung one-time-big-time ang flush ng bowl, pagkatapos mag-flush, kung allowable sa CR or matigas na ulong smoker, magyosi. Pwede ring magsindi ng posporo, but otherwise, sorry na lang sa susunod na papasok ng banyo. Lalo na kung hindi well-ventilated ang CR.

Normal ang pagdumi, kaya huwag mahiyang gumamit ng mga public restroom para guminhawa ang pakiramdam. Mas nakakahiya naman kasi ang magkaroon ng jebs sa salawal at ikalat pa ang nakakasulasok na amoy sa mga kwarto. Tandaan: Hindi madalas na effective ang muscle control lalo na kung hindi rin lang tubol ang ilalabas.

  • Napaka-informative ng post na ito. Aking isasaulo lahat ng nakalagay dito para maiapply ko naman in case of emergency nyaherr!
  • I barely use the public rest room. Anyway, I barely get the urge to drop the shit bomb in public places. Weird, I say.

    I'll be taking note of this, still. But wait... How about the concealing part? 'Di ako nagyo-yosi!
  • billycoy
    sindi ka lang ng posporo at patayin kung di ka nagyoyosi :D
  • @Same here, Ian. Hindi ako pala-dumi sa public places. Namamahay kasi ako. I mean, yung bowel movements ko. :P

    AT NAISIP MO PA TALAGANG MAGLINIS NG INIDORO bago pa tumae. -_- Wala lang.

    At kadiri yung squat. Jusko. Pambata yun eh.
  • Akala ko ako lang namamahay dito sa jerjer... I mean jebs. I think I've only done it twice sa company namin. And honestly, hindi ako sanay na tissue lang. Feeling ko pag umalis ako ng CR, madumi pa rin anus ko tapos kumapit sa damit ko ang amoy.

    At gawain ko rin na i-flush agad ang poop once it drops to the sink para hindi naman umaligwak ang karimarimarim na amoy.

    Sa house, nagsisindi ako ng candle. Same applies kung nagpiprito ng daing/tuyo/bagoong mom ko.
  • badtrip mga public toilet kasi bawal mag-yosi... at hmmmmm.... di ka pa tumatae eh mabaho na, chambahan lang yan... dapat yakult everyday para tiyan ok..
  • starbucks is the toilet ng bayan...i think this is the only use of starbucks, to make shit.
  • billycoy
    maybe because they put laxatives in their coffee
  • nice post! ma-print nga! hahaha!
  • sinner
    billy, wats the antonym of tubol?
  • billycoy
    tu... big! :D
  • sinner
    tonging ka, billy! assignment mo yan..alamin mo ang opposite ng tubol!
  • billycoy
    aba demanding ka. LOL. ikaw na mag-research may trabaho din ako. :P
blog comments powered by Disqus