Browsing articles from "December, 2008"
Dec 28, 2008

Cold “Turkey”

Malamig ang nagdaang Christmas ko. Mahabang bakasyon pa tapos malamig pa ang panahon. Halos magyelo na at magkaka-hypothermia na nga yata ako kapag maliligo sa umaga. Hindi lang panahon ang malamig, pati rin ang napaka-pathetic zero lovelife ko.

Pati nga patotoy ko naninigas na rin sa lamig kadalasan tapos wala man lang akong kayakap para magpainit sa akin. But still, I’m sizzling hot. Buong bakasyon ko yatang titiisin ang lamig ng panahong ito. Pati sa bagong taon, wala rin akong papuputukan.

Mas lalo ko pa ngang pinalamig ang bakasyon ko sa pagsama ko sa Plurklakbayan isang araw matapos ang Pasko. Sa Tagaytay lang naman kami nagpunta kaya naman sobrang ginaw ang dinanas namin lalo’t hindi man lang kami nakahigop ng nag-iinit na sabaw ni Leslie’s… este bulalo ng Leslie’s.

Some reminders kapag pupunta sa Tagaytay on this type of season:

  1. Magdala ng makapal na jacket, kahit mga 1 feet thick pa.
  2. Huwag mag-beachwear. So no shorts unless you want your nipples, balls and flowers to be frozen. Kahit may bonggang-bonggang shoal pa, walang epekto yan lalo’t kung tanging shoal lang ang suot.
  3. Gumamit ng moldable clay or wax para sa buhok kung gustong ma-achieve ang mahangin-ba-sa-labas look.
  4. Magdala din ng taong kayakap… yung buhay naman, please!
  5. Lagyan ng porn ang iPod or kahit anong portable media device para pampainit… pwede ring imagination na lang.

Obvious na nag-enjoy kaming lahat sa Tagaytay trip namin

Photobucket

And for the first time bilang yearender ko share ko na rin ang aking mga pics na kinuhanan ni Arbet sa Tagaytay.

Continue reading »

Be the first to like.
Dec 18, 2008

Touching a Mushy Poet

Photobucket

In born na talaga sa akin ang pagiging hibang na makata. Ipinanganak yata talaga akong mabulaklak ang dila, though hindi pa ako nakakadila ng bulaklak. Ako nga ang kadalasang inaasahan noong highschool ng mga repakuls ko para gumawa ng love letter at love poem para sa mga nililigawan nila.

May mga chances pa rin naman akong napapagawa ako ng mga tula these days. Tumingin lang kasi ako sa salamin nai-inspire na ako, lalo na kung naka-burlesk ako. O wag niyo ng i-imagine, hindi yan maganda sa kalusugan niyo.

Ishe-share ko sa inyo ang isang tulang nabungkal ko sa aking vault na nagawa ko noong highschool ako. Take note: Hindi ako in love ng ginawa ko yan, tigang… este hibang lang talaga.

TWIST NOT ON THE LIST
by: Billycoy Dacuycuy

There’s a twist
It’s not a feast
It’s not a beast
Yet, it’s not on my list

There’s a twist
That’s not an orange twist
Nor the dance twist
And not on my list

There’s a twist
Not large as my fist
Don’t smell like a fish
And not on my list

There’s a twist
I don’t wanna miss
As sweet as a kiss
And not on my list

There’s a twist
It’s not the least
Heading to the east
And not on my list

There’s a twist
Still, not on the list
I don’t understand this
What’s this? What’s this?

Syet, ang mushy! Hindi ako makapaniwalang sinulat ko ito. Kaya sa mga may crush sa akin dyan, may reason na kayo para ma-turn off sa akin. Pwede niyo na rin ako ipalamon sa higanteng palaka o ilublob sa kumukulong uhog dahil sa kahihiyan kong ito. Keel me nao!

Pero kung may prospect na kayo at nais magpagawa ng poem, alam niyo na kung paano ako hahanapin.

Be the first to like.
Dec 8, 2008

Pacman’s Battle for World Peace

Huwaaaat?!

Natapos na naman ang laban ni Pacquiao. Though maraming pumusta kay Dela Hoya, nanalo pa rin ang pambato natin. Marami talagang nagagawa ang laban ni Pacman sa ating bansa.

Pros:

  • No traffic. Bumiyahe kami from Pasay to Los BaƱos, Laguna in more or less than 1 hour. Wala pang police escort yan pero parang may hyperspace ang sinakyan namin noon.
  • Tranquility. Pati huni ng mga surot maririnig sa tindi ng katahimikan sa labas ng mga tahanan, kasi halos karamihan sa loob lang ng bahay para manood nga ng laban ni Manny Pacquiao.
  • Reduced crime rate. Pati bilang ng jaywalkers at humihilata sa damuhang may “Keep off the grass sign” ay nabawasan.
  • Population control. Isinantabi na muna sa araw ang mga popoy session dahil kailangang panoorin muna ang laban, though pwede namang manood habang ginagawa ang act. Sagabal lang yun at baka mawala lang sa atensyon.
  • Nagiging Pinoy. Immediately nagiging Pinoy kahit nagfi-feeling foreigner.
  • Walang SOP or ASAP

Cons:

  • Walang masakyan. Yan ay dahil sa karamihan ng drivers ay nasa malapit na karinderya para manood ng laban.
  • Stick to one. Hindi pwedeng ilipat ang channel kahit pa mala-telenovela na sa haba ang TV ads.
  • Sunog na sinaing. Pinapabayaan na kasi ang lutuin at chores kapag on air na ang laban.
  • Mataas na presyon. Affected ang marami kaya naman hindi na nakakapagtaka kung tumaas ang BP ng mga kasamahan sa bahay lalo na sa mga may edad.
  • Mga politikong nakipagpustahan. Sa laban ni Pacman napupunta ang mga binabayaran nating mga tax.

Ang dami talaga ang nagagawa ng laban ni Pacman sa ating bayan. Malamang marami pa nga yan. Ano pa ba mga nagawa ng laban ni Manny Pacquiao sa buhay niyo?

Be the first to like.

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines