Dec 28, 2008

Cold “Turkey”

Malamig ang nagdaang Christmas ko. Mahabang bakasyon pa tapos malamig pa ang panahon. Halos magyelo na at magkaka-hypothermia na nga yata ako kapag maliligo sa umaga. Hindi lang panahon ang malamig, pati rin ang napaka-pathetic zero lovelife ko.

Pati nga patotoy ko naninigas na rin sa lamig kadalasan tapos wala man lang akong kayakap para magpainit sa akin. But still, I’m sizzling hot. Buong bakasyon ko yatang titiisin ang lamig ng panahong ito. Pati sa bagong taon, wala rin akong papuputukan.

Mas lalo ko pa ngang pinalamig ang bakasyon ko sa pagsama ko sa Plurklakbayan isang araw matapos ang Pasko. Sa Tagaytay lang naman kami nagpunta kaya naman sobrang ginaw ang dinanas namin lalo’t hindi man lang kami nakahigop ng nag-iinit na sabaw ni Leslie’s… este bulalo ng Leslie’s.

Some reminders kapag pupunta sa Tagaytay on this type of season:

  1. Magdala ng makapal na jacket, kahit mga 1 feet thick pa.
  2. Huwag mag-beachwear. So no shorts unless you want your nipples, balls and flowers to be frozen. Kahit may bonggang-bonggang shoal pa, walang epekto yan lalo’t kung tanging shoal lang ang suot.
  3. Gumamit ng moldable clay or wax para sa buhok kung gustong ma-achieve ang mahangin-ba-sa-labas look.
  4. Magdala din ng taong kayakap… yung buhay naman, please!
  5. Lagyan ng porn ang iPod or kahit anong portable media device para pampainit… pwede ring imagination na lang.

Obvious na nag-enjoy kaming lahat sa Tagaytay trip namin

Photobucket

And for the first time bilang yearender ko share ko na rin ang aking mga pics na kinuhanan ni Arbet sa Tagaytay.

Photobucket

Ang galing ng shot di ba? Heto naman ang epekto sa akin ng sandamakmak na chocolate at katigangan.

Photobucket

Heto pa ibang pics:

Plurklakbayan 08 group pool, MLQ3′s set and Arbet’s Set

Kamusta naman ang holiday break niyo?

Disclaimer: Hindi si Arbet ang naglagay ng watermarks.

Be the first to like.

16 Comments

  • Hehehe ang saya talaga ng trip na yan. Dapat talaga na paminsan-minsan tayo'y magliwaliw sa labas ng Maynila para matanggal din ang stress at makaiwas sa sandamakmak na polusyon.

    Ang saya weee :)

    Reply

  • Bakit censored ang fez?

    Reply

  • LOL may copyright ni Arbet

    Reply

  • LOL hindi kasi pang general patronage ang mukha.

    Reply

  • dapat mukha ko din censored! tsaka ano ka ba! sabi ko nga fafable ka eh!

    Reply

  • ayoko lang kasing magpalaganap ng mass masturbation, lalo na sa mga underaged.

    Reply

  • Hey there. HAHA. Mukhang enjoy kayo ah. :) Lol. Pa-link aman Billycoy. Hehe.

    Reply

  • mahahahaha

    Reply

  • Winner ang watermark ni Arbet. Dapat gawin din yan sa mga pictures ni Byahilo XD Panalo talaga ang gapang.

    Reply

  • For the record, di ako naglagay ng watermark.

    Reply

  • LOL oo nga. ako lang naglagay niyan.

    Reply

  • Ay sus, akala ko po naman sa Antarctic ang expedition at may hypothermia pang nabanggit. Hehehe. Nagka adverse reaction na yata ako sa blog na ito? :) As if I needed help in that department. Enjoyable read, this. And cheer up, I'm positive you'd get something to shoot at this new year.

    Reply

  • LOL the copyright on Arbet. :)

    Reply

  • WTF with the “gapang” photo! Haha. Tapos may watermark pa ah. LOL.

    Kakainggit naman yung mga sumama. Sana may ganyan ulit next time, at sana libre ako sa araw na 'yon. Haha.

    Reply

  • [...] Billycoy – Cold Turkey [...]

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines