Why Hate Hi-tech Gadgets
Sino pa nga ba ang walang gadget dito? Marami na ang may cellphones, smartphones, iPod, PSP, DS, digicams, DSLRs, laptops, macbook at abacus. Saan man magpunta, pabonggahan na ng mga naggagandahang mga gadgets. Minsan nga mas maganda pa yung mga gadgets kaysa sa mga may-ari at mga juwawhoops nila.
Bagamat patuloy pa ring lalong nagiging high-tech ang mga kagamitan natin, hindi rin naman ito nakabubuti sa marami. Bakit?

Faster means more workload. Siguro dati, isang project lang ang kayang tapusin dahil sa kabagalan ng mga computer. Yung tipong habang nagse-save or naglo-load ng file ay nagagawa pang makapag-solitaire at makipag-tsismisan sa mga kasamahan. Minsan nga kahit manood pa ng sine, pagbalik hindi pa rin tapos ang paglo-load or save ng file. Pero ngayong mabilis na ang lahat, hindi pa man din tapos ang isa, heto may bago na namang darating.
Good thing is: mabilis ding maitatago ang panonood sa webcam ng hubad na chatmate.
No escape. Hindi tulad dati, mahirap hagilapin ang isang nilalang. Ngayon, mobile na lahat at napakadaling hagilapin ang isang tao. Which means, mahirap na ring magtago. Kahit magtago pa sa karsunsilyo ni Batman, basta may dalang cellphone at may signal maco-contact kagad. E-mail nga nababasa na rin sa mga smart phones kaya wala na talagang ligtas sa trabaho.
Good thing is: may call forwarding ang mga cellphones kaya pwedeng i-forward sa hotline ng Jollibee kapag ayaw mag-entertain ng tawag.
Be good looking always. Sa pagsibol ng digital cameras, kailangang laging maging conscious sa hitsura parati. Lalo’t ang mga cellphones na rin ay may camera, dapat paggising pa lang ay ma-beauty na parati. Kahit nga yata sa pagtulog kailangang looking well pa rin. Nauso na kasi ang mga paparazzi shots, yung mga stolen shots na di kaaya-aya. Next thing you’ll know, pinagpipiyestahan na online ang close-up ng iyong tutsang sa ilong ng mga barkada mo and who knows baka nasa youtube na rin ito.
Good thing is: gwapo na ako kaya less worry ako sa ugly shots.
Sad life. Dahil lahat nagagawa na online kahit social life marami ang buhay na malungkot. Nababawasan na ang offline life ng marami. Iba pa rin ang interaction offline. Madalas pa nga ang miscommunication online or through mobile phones dahil walang nakakaalam kung anong tone of voice ang gamit ng kausap. Wala rin namang kwenta ang cybersex, parang self-gratification lang naman ang ginagawa.
Good thing is: kaya kong i-channel ang aking hotness online.

Kaya ayaw ko nitong LG Renoir, kasi halos lahat magagawa ko na dyan. Meron siyang 8 megapixels Schneider-Kreuznach lens camera with face and smile detection na nakakagawa rin ng beauty shots at 120 frames per second video capture. May wifi na rin saka Dolby mobile sound. Lahat na ng gustong gadget ay nandyan na kaya ayaw ko dyan.
P.S. Sana mabasa ito ng mga taga LG Philippines para bigyan nila ako ng libreng LG Renoir.
Inspire Me
Busy na naman po ang lolo niyo. Alam niyo naman kasi ako, masyadong in-demand. Matindi ang pangangailangan ngayon lalo’t medyo nararamdaman ko na kasi ang financial crisis. Kukuha na nga ako ng marketing strategist para magawan na ng paraan kung paano ko ima-market ang aking katawan sa bagong demographics.
Busy ako sa maraming bagay, sa work, sa social life saka sa banyo. Hindi na nga rin regular ang aking workout para sana mas mapa-yummy ko pa ang aking malinamnam na katawan. Medyo tumataas na nga rin ang levels ng aking cortisol kaya hayun nade-drain na ang aking creative juices. Nauubusan na nga rin ako ng inspiration, kahit titigan ko ang sarili ko sa salamin ng nakahubad hindi talaga ako nai-inspire. Hindi lang siguro ako fertile these days.
Dapat yatang bawasan ko na ang regular hands solo moment ko. Feeling ko kasi, sumasama na ang aking creative juice sa aking love juice. May mga utak kasi ang mga sperm cells ko. Kaya on regularly basis, more than 3 million brains din ang nawe-waste ko. Kailangan mag-alot na ako ng pacing, dapat 2-3 days ang rest period.
Ano ba pwedeng makapagpa-inspire sa akin? Porn? Ang pagkakaluklok ng bagong presidente sa America? Ang birthday nila Richard and Raymond Gutierrez? Ang pagkakahiwalay nina Dingdong at Karylle? O ang hubad na katawan ni Jobert Sucaldito???
Siguro, I only need to hangout with the pussies more often.

Baka makatulong din sa akin ang pagsayaw ng “All Single Ladies”
Maybe NOT!!!
The Recipe for the Ultimate Disastrrr
Isang araw na mag-isa ako sa bahay, instead na tumambay sa sala ng hubo’t hubad ay nagluto—recycle—na lang ako ng ulam ko for lunch.
Ultimate Disastrr (Giniling Omelet Remake)

Ingredients:
cooked giniling (preferrably menudillo style)
2 eggs
1 tbsp. butter
1 pc. ginger
1 pc. garlic
2 pcs. small onions
2 pcs. oranges
garlic rice
orange juice
camera
computer
Procedures:
- Initin ang butter sa frying pan. Pwede rin namang mantika kaso mas mabango lang kasi ang butter saka para sosyal ang dating.
- Batiin ang itlog. Say “Hi”, “Hello”, or “Musta?” to your egg or whichever you desire. Standby muna.
- Ilagay ang cooked giniling sa kumukulong mantikilya, singhutin ang bango nito at magpaka-high.
- Ihalo na ang binating itlog sa cooked giniling at hintaying maluto ito bago tiklupin.
- Pagkaluto, ilagay sa plato kasama ng garlic rice.
- Huwag ng hiwain ang oranges, garlic, ginger at small onions. Ipatong na lang din ito sa plato bilang garnish at pampaganda ng hitsura.
- Kunin ang camera, take picture at i-upload ang kahihiyang ginawa sa internet.
- Inumin ang orange juice.
- Huwag na itong kainin. Kung susyalen or feeling elitista kayo, itapon na lang ito. Pero kung nanghihinayang kayo, ipadala na lang ito sa mga batang gutom sa Africa.
- Tumambling.

with fresh oranges

with garlic, ginger and onions
Chef’s Comment:
Nawalan ako ng gana matapos kong gawin ang kalokohang pagkain na ito. Masarap naman ang orange juice, freshly made from the foil pack kasi.
Adverse Reactions:
Status
- Moaning and singing in the shower room should be punishable by law. Creepy sh*t!
- “@autocorrects: Not all cute guys have girlfriends, most of them have boyfriends…” LMAO
- RT @boyposts: Real friends don't get offended when you insult them. They smile and call you something even more offensive.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)






