2009 na? 2009 na. 2-0-0-9 na nga!!! Happy New Year!!!
Malamang marami ang nagpaputok, naputukan at pinaputukan sa celebration ng New Year. Malamang marami rin ang muntikan ng maputukan ng ugat dahil sa sangkatutak na nakakajubang pagkain. At dahil, mahal ang paputok siguradong sa loob na lamang ng kani-kanilang kwarto at tahanan nagpaputok at nag-ingay ang karamihan. Panahon na para sa bagong simula.
Sa pagtatapos ng 2008, nag-flashback ang lahat ng mga kaganapan ng nagdaang taon sa huling segundo ng taon na parang ganitong awesome montage na ginawa ni Fritz.
Fritzified Photos of 2008 from Fritz Tentativa on Vimeo.
Akala ko nga papanaw na ako dahil sa flashback na yun, hindi naman pala, may nagpaputok lang pala ng piccolo sa tabi ko. Sanay lang kasi ako sa water effect kapag nagfa-flashback.
Hindi nga mabilang ang mga naganap sa nagdaang taon. Maraming tao ang dapat pasalamatan. Nagkaroon ng new friends, new work, new interests, new crushes at marami pang new. Hindi nga lang yata ako pinalad na magkaroon ng new underwear sa taong 2008. Sandamukal din ang events na aking napuntahan. Unfortunately, wala pang talent scout na nakaka-discover sa akin, which is good din coz I can keep my privates private.
Medyo naging emo rin ako sa last millisecond ng 2008. Naalala ko kasi na marami na rin akong college friends na pumalaot na sa ibang bansa para makipagsapalaran. [wow pare, heavy, ang deep] Bukod pa dun, wala pa ring naniniwalang virgin pa rin ako. Yan ang hirap sa pagiging gwapo, hindi pinaniniwalaan.
Pero New Year is worth celebrating kasi kung ano daw ginagawa, amoy, iniisip, ugali, etc. sa pagsapit ng bagong taon, iyon ang magiging masagana sa buong taon. Masaya naman ako dahil kasama ko naman ang family ko. Pero dapat yata nakikipagpopoyan ako sa pagsapit ng bagong taon para naman maging masagana ang sex life ko.
Ngayong 2009 na, let’s hope for the best this year.
I dedicate this song to all of you… dedmahin niyo na lang yung flag kasi war ang meaning nun.
January 5, 2009
Like








May 9 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
dame nga nangyari… dameng events nun ah!
talamak na talaga ang mga bloggers… mga adik!
dapat nag- a.d.i.d.a.s ka… para buong taon sex ng sex… hehe
Reply
Dacuycuy, anak ng puch
haha ang tagal ko nawala sa blogging world eh
haha kamusta naman na?
nako happy 2009
nagpaputok ka ba? hahaha
)
Reply
Na-miss kita. Pati ang kaka-lurkey na blog mo. Wahahaha!
Di nga, pramis. Kala ko lalabas tayo?
Sige, kita-kits sa plurk! *mwah*
Reply
alam mo billycoy yung salitang “NAMISS KO ANG KALIBUGAN ” mo. joke. Ang totoo nyan namiss ko talaga ikaw, as in ikaw talaga. Namiss mo din kaya si Walongbote? nyahaha.. Happy new year tol ah. Panigurado this year mabibinyagan ka na. at ititigil mo na yang hinaing mo sa madla. naniniwala akong gwapo ka. Charus! hehehe.. Mwaaahhh
Reply
Daming may sakit sa aming lugar. Lahat sila may ubo na may kasamang plema. Kaya for safe bombing nag request kami na kung pede sila na ang magpaputok. Kaya lang pagkatapos nilang magpaputok nawalan na ang lahat na kainin ang kanilang hinandang media noche.
Pag maagang matulod mas masaya para daw makakatulog ka ng maaus for the whole year.
Reply
Hay… Popoy ka nang popoy, hanggang ngayon, wala ka pa ring napopopoy. -__-
Happy New Year Billycoy DaPoyPoy!
Reply
ay oo, marami-rami nga rin. pero before and after new year nga lang.
Reply
na-miss din kita ah. buti ka pa, naniniwalang gwapo ako at di pa ako “nabinyagan”
Reply
ikaw rin miss ko na. *slurppp* tagal na nating di nagkita ah. yaan mo, marami tayong oras para lumabas.
Reply