Patawarin niyo ako…
Kung lagi akong late pumasok sa trabaho. Hindi ko naman sinasadya na masakyan ang mga jeep na mahilig maghintay ng pasahero sa mga kanto. Pasensyahan niyo na rin ang alarm clock kong abnormal na kadalasang hindi tumutunog sa umaga.
Patawarin niyo ako…
Kung madalas ang aking pag-jebs at i-declare pa sa buong mundo. Hindi ko naman kasalanan kung sensitibo sa lamig ang bituka ko. Naghuhugas naman ako ng puwet at kamay ko, safeguard pa nga gamit ko habang kinakanta ko pa ang “Happy Birthday” song twice. Saka kapag umuutot naman ako, sinisinghot konaman lahat para hindi niyo na maamoy.
Patawarin niyo ako…
Kung hindi ko pa natitikman ang Baconator. Kahit yung McDo Double Quarter Pounder. Masyado na kasi siyang makasalanan para sa akin. Hindi ko yata kasi kayang i-burn ang 830 calories at 1880 mg ng sodium. Kung bubudburan siguro nila ng gamot pampapababa ng blood pressure baka tikman ko pa yan.
Patawarin niyo ako…
Kung mahalay ako. Pasensyahan niyo po ang aking hormones parati kasi silang raging. Hindi ko sinasadya na parating sabik lalo’t sa panahong malamig, gusto lang kasing magningas ng aking t… torch. Though, wala naman talagang pinipiling season ng aking fertility. Unawain niyo na lang ang pagiging repressed ko.
Patawarin niyo ako…
Sa kagwapuhan ko. It’s not my fault, it’s in the genes. Hindi ko naman kasalanan kung noong nagsabog ng aesthetic wonders at kapal ng mukha ay kasama akong nakasalo nun at marami-rami pa ang nakuha ko. Sinamahan pa ng katakam-takam at kalasap-lasap kong katawan.
Sana mapatawad niyo na ako, alang-alang lamang sa paggaling ko mula sa sipon. Para rin ito sa kapakanan ng nakararami, baka kasi masinghot ko pa ang buong mundo.
January 12, 2009
Like








May 2 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
oo na.. pinapatawad ka na.. may magagawa ba kami? eh ganyan ka na talaga eh. LOLS!
kumusta naman?!
Reply
A tribute to your blog is posted in my site..
Join us in our campaign for senior bloggista. Visit http://painuminmoko.idlip.net/?p=104 for more details.
Reply