Jan 18, 2009

The Recipe for the Ultimate Disastrrr

Isang araw na mag-isa ako sa bahay, instead na tumambay sa sala ng hubo’t hubad ay nagluto—recycle—na lang ako ng ulam ko for lunch.

Ultimate Disastrr (Giniling Omelet Remake)


Ingredients:

cooked giniling (preferrably menudillo style)
2 eggs
1 tbsp. butter
1 pc. ginger
1 pc. garlic
2 pcs. small onions
2 pcs. oranges
garlic rice
orange juice
camera
computer

Procedures:

  1. Initin ang butter sa frying pan. Pwede rin namang mantika kaso mas mabango lang kasi ang butter saka para sosyal ang dating.
  2. Batiin ang itlog. Say “Hi”, “Hello”, or “Musta?” to your egg or whichever you desire. Standby muna.
  3. Ilagay ang cooked giniling sa kumukulong mantikilya, singhutin ang bango nito at magpaka-high.
  4. Ihalo na ang binating itlog sa cooked giniling at hintaying maluto ito bago tiklupin.
  5. Pagkaluto, ilagay sa plato kasama ng garlic rice.
  6. Huwag ng hiwain ang oranges, garlic, ginger at small onions. Ipatong na lang din ito sa plato bilang garnish at pampaganda ng hitsura.
  7. Kunin ang camera, take picture at i-upload ang kahihiyang ginawa sa internet.
  8. Inumin ang orange juice.
  9. Huwag na itong kainin. Kung susyalen or feeling elitista kayo, itapon na lang ito. Pero kung nanghihinayang kayo, ipadala na lang ito sa mga batang gutom sa Africa.
  10. Tumambling.

with fresh oranges

with fresh oranges

with garlic, ginger and onions

with garlic, ginger and onions

Chef’s Comment:

Nawalan ako ng gana matapos kong gawin ang kalokohang pagkain na ito. Masarap naman ang orange juice, freshly made from the foil pack kasi.

Be the first to like.

6 Comments

  • Billycoy. ANg cute ng post na ito. Napadaan lang ako. :D Hehe.

    Links ex?

    Visit my site naman :D

    Reply

  • AMF. Natawa ako dun. Akala ko isasama mo yung garlic and onion. Natawa ako lalo nung binanggit mo na may ginger. I mean ginger and egg? Eww.

    Da best ka talaga.

    Reply

  • Thanks Neil. :)

    Reply

  • been lurking for quite a while now. can't help but comment on this. nakakakilabot itsura ng giniling omelet mo, hehehe! try lang ng try, malay mo in 3 years maperfect mo din yan. hehehe!

    have a nice day!

    Reply

  • Astig pwede ka na sumali sa Hell's Kitchen! Igawin mong signature dish sabay sabi “In your face Chef Ramsey!” hahaha

    Pero natawa ako dun! Solid!!!

    Reply

  • parang dinala ko na rin sa hell ang mga pinakain ko.

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines