Valentine’s Earthquake
Nagkaroon ng malakas na paglindol sa ilang lugar ng Kamaynilaan kagabi, February 14. Kakaiba ang lindol na ito at maging mga scientists, seismologists at manicurists ay nawindang sa lindol na ito. Hindi lang kasi naka-sentro sa isang lugar ang epicenter ng lindol. Napabalitang ang malalakas na epicenter ng lindol ay nasa Pasay, Sta.Mesa at Pasig. May mga ulat ding lindol sa ibang lugar ngunit hindi katulad sa lakas ng lindol sa mga nasabi.
Ayon sa research ng mga basyador, ang lindol na ito ay hindi naman peligroso sa buhay ng marami. Hindi rin naman daw ito nakakasira ng mga gusali at iba pang infrastructures, though may isolated cases na pagkakasira ng paa sa mga kama. Wala rin namang namang napapahamak na mga mamamayan, ngunit may ilan namang nasasaktan. Ang kadalasang napapabalitang namamatay ay dahil mayroon namang mga heart ailments hindi dahil sa lindol. Kadalasan nga raw ay bumubuhay pa ito makalipas ang ilang buwan.
Madalas daw mangyari ang lindol na ito sa mismong araw ng mga puso o Valentine’s day. Hindi rin ito lubos na maunawaan ng mga tomador sa kanto. Kadalasan nga ay nararamdaman pa ang aftershock ng nasabing lindol kinabukasan kapag natapat ito sa weekend. Kaya nga sa kasalukuyan ay nadadama pa ang aftershock sa kinatatayuan ko ngayon.
Natagpuan na po namin ang ilan sa mga epicenter ng lindol. Heto po ang kanilang mga larawan:
Dating 18 Girls in 1 Night
Ngayon, I’m proud to say na naka-date ako ng 18 girls. Sa loob lang ng isang gabi yan ha.
Ginanap sa Galileo Enoteca Italian Restaurant and Deli, perfect place para sa mga lovers at kahit sa mga singles this valentimes para makapag-relax with good food and music. Pati ang ambiance dito ay romantic din.
Sponsored ito ng Galileo Enoteca Italian Restaurant and Deli, Stylebible, Freeway, Solo, Yehey, Clickthecity and NU 107 . Handled by Arete Events.
Hindi rin pala ganun kadali ang speed dating. Nakakapagod din siya. Hindi dahil sa paglipat ng upuan, kung hindi sa pag-iisip ng mga tanong. Very staple ang questions whether to a boy or to a girl kaya prepare na rin para sa mga creative na sagot.
What do you do for a living? Ano daw trabaho mo? Pwede namang saguting directly, pero pwede namang sagutin sa kakaibang style. Sabihing pornstar, gigolo o stripper sa isang bar sa QC. Ok ding sabihing professional gold digger or baby maker, basta alam niyo ring kumambyo afterwards — ops wag kayong dumukot sa ilalim ng brip niyo.
How was the speed dating going? First time mo ba? Syempre kailangang alamin kung ano na kalagayan ng isa’t isa. Isa lang sagot sa mga yan. “Doing fine, gwapong-gwapo pa rin” or “I’m well, byuting-beauty pa rin”. Confidence is the key.
What do you do other than work? Hobbies daw. Pwedeng sabihing sexually active ka, kaso baka biglang mag-breakdance ang ka-speed date mo. So dapat medyo wholesome ang dating. Sabihin na lang na you like wearing flashy thongs and collecting kinky underwears.
Kung creative sa answers, dapat sa itatanong rin para di naman staple ang itatanong saka may recall.
Is the glass half-empty or half-full? Di ba parang HR manager lang. Yan ay para malaman mo kung gaano ka-intellectual ang ka-speed date.
Pwede ring itanong ito: This is a story about a girl: While at the funeral of her mother, she met this guy whom she did not know. She thought this guy was amazing, so much her dream guy she believe him to be that she fell in love with him there and then. A few days later, the girl killed her own sister. question: What is her motive in killing her sister? Ayaw mo sigurong maka-date ang isang serial killer di ba?
Sino ang governor na katakam-takam? Answer: Eh di si Vilma Sumptuous… Yung mga ganyang tanong ba. Kahit corny yan, pwede namang daanin sa delivery. People dig corny jokes, but they don’t dig corny people.
Syempre hindi ko nagawa ang mga yan. Kaya nga USB pa rin ako hanggang ngayon. Pero I have the results na kaya who knows di ba? Gaya nga ng sabi ni Robin, “WALANG AAYAW, THINK POSITIVE!”
—————–

And since valentines na rin naman na at apektado ang lahat sa paglabas ni Bebe Gandanghari… este… global economy crisis kailangang planuhin ang valentines date on a budget.
- Instead na bumili ng valentimes card, dalhin si juwawhoop sa bookstore. Piliin ang card na may pinakamagandang message. Huwag itong bilhin, instead, lumapit kay juwawhoop at ipabasa sa kanya ang message. Though pwede namang gawin sa internet shop, mas magandang sa bookstore na lang para makapag-HHWWPSSP (holding hands while walking pa-sway-sway pa).
- For dinner, pwede namang streetfoods gaya ng isaw, fishball o IUD, pero better kung dalhin sa grocery. Hindi kayo bibili ng rekado para sa dinner niyo sa bahay, gagawin niyong dinner ang mga free taste sa loob ng groceries.
- Bumili ng ribbon sa pinagbilhang bookstore earlier. Pagdating sa bahay o kwarto, isuot ang ribbon… at tanging yun lang ang suot. Walla!!! May regalo ka na sa juwawhoop mo, ang iyong katakam-takam na katawan.
Nakatipid ka ng husto di ba? Hindi lang yan pang-valentimes, pang buong taon o pwedeng pang-habambuhay na rin yan. Kasi siguradong hihiwalayan ka ng juwawhoop mo after mong gawin ang valentimes date na suggestion ko.
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)









