Feb 8, 2009

Dating 18 Girls in 1 Night

Ngayon, I’m proud to say na naka-date ako ng 18 girls. Sa loob lang ng isang gabi yan ha.

Ginanap sa Galileo Enoteca Italian Restaurant and Deli, perfect place para sa mga lovers at kahit sa mga singles this valentimes para makapag-relax with good food and music. Pati ang ambiance dito ay romantic din.

Sponsored ito ng Galileo Enoteca Italian Restaurant and Deli, StylebibleFreewaySolo, Yehey, Clickthecity and NU 107 . Handled by Arete Events.

Hindi rin pala ganun kadali ang speed dating. Nakakapagod din siya. Hindi dahil sa paglipat ng upuan, kung hindi sa pag-iisip ng mga tanong. Very staple ang questions whether to a boy or to a girl kaya prepare na rin para sa mga creative na sagot.

What do you do for a living? Ano daw trabaho mo? Pwede namang saguting directly, pero pwede namang sagutin sa kakaibang style. Sabihing pornstar, gigolo o stripper sa isang bar sa QC. Ok ding sabihing professional gold digger or baby maker, basta alam niyo ring kumambyo afterwards — ops wag kayong dumukot sa ilalim ng brip niyo.

How was the speed dating going? First time mo ba? Syempre kailangang alamin kung ano na kalagayan ng isa’t isa. Isa lang sagot sa mga yan. “Doing fine, gwapong-gwapo pa rin” or “I’m well, byuting-beauty pa rin”. Confidence is the key.

What do you do other than work? Hobbies daw. Pwedeng sabihing sexually active ka, kaso baka biglang mag-breakdance ang ka-speed date mo. So dapat medyo wholesome ang dating. Sabihin na lang na you like wearing flashy thongs and collecting kinky underwears.

Kung creative sa answers, dapat sa itatanong rin para di naman staple ang itatanong saka may recall.

Is the glass half-empty or half-full? Di ba parang HR manager lang. Yan ay para malaman mo kung gaano ka-intellectual ang ka-speed date.

Pwede ring itanong ito: This is a story about a girl: While at the funeral of her mother, she met this guy whom she did not know. She thought this guy was amazing, so much her dream guy she believe him to be that she fell in love with him there and then. A few days later, the girl killed her own sister. question: What is her motive in killing her sister? Ayaw mo sigurong maka-date ang isang serial killer di ba?

Sino ang governor na katakam-takam? Answer: Eh di si Vilma Sumptuous… Yung mga ganyang tanong ba. Kahit corny yan, pwede namang daanin sa delivery. People dig corny jokes, but they don’t dig corny people.

Syempre hindi ko nagawa ang mga yan. Kaya nga USB pa rin ako hanggang ngayon. Pero I have the results na kaya who knows di ba? Gaya nga ng sabi ni Robin, “WALANG AAYAW, THINK POSITIVE!”

—————–

And since valentines na rin naman na at apektado ang lahat sa paglabas ni Bebe Gandanghari… este… global economy crisis kailangang planuhin ang valentines date on a budget.

  • Instead na bumili ng valentimes card, dalhin si juwawhoop sa bookstore. Piliin ang card na may pinakamagandang message. Huwag itong bilhin, instead, lumapit kay juwawhoop at ipabasa sa kanya ang message. Though pwede namang gawin sa internet shop, mas magandang sa bookstore na lang para makapag-HHWWPSSP (holding hands while walking pa-sway-sway pa).
  • For dinner, pwede namang streetfoods gaya ng isaw, fishball o IUD, pero better kung dalhin sa grocery. Hindi kayo bibili ng rekado para sa dinner niyo sa bahay, gagawin niyong dinner ang mga free taste sa loob ng groceries.
  • Bumili ng ribbon sa pinagbilhang bookstore earlier. Pagdating sa bahay o kwarto, isuot ang ribbon… at tanging yun lang ang suot. Walla!!! May regalo ka na sa juwawhoop mo, ang iyong katakam-takam na katawan.

Nakatipid ka ng husto di ba? Hindi lang yan pang-valentimes, pang buong taon o pwedeng pang-habambuhay na rin yan. Kasi siguradong hihiwalayan ka ng juwawhoop mo after mong gawin ang valentimes date na suggestion ko.

Be the first to like.

21 Comments

  • That's something new: you on a speed dating event. 'Di ko akalain na sasali ka sa mga ganyan! Sigurado na nasiyahan ka sa pagdugo ng utak mo sa pag-iisip ng mga tanong. Haha.

    Reply

  • parang naging relyeno nga yata utak ko sa kakatanong.

    Reply

  • Napaka-useful ng mga tips mo! Hahaha.

    At mabenta ang mga banat sa speed-dating! Haha.

    Reply

  • Sakto! Yung tips mo ang hanap ko. Uu nga noh? Hindi ko naisip yun. Iwas gastusin na, jackpot ka pa!

    Reply

  • I watched the segment on YT! So may napili ka ba dun sa 18?

    Reply

  • sikat ka na billy coy! weeee! astig ng title ng post na to!

    Reply

  • Yung sagot dun sa serial killer, kapag tama yung sagot nung girl meaning she has the tendency to be a killer.
    Anu sagot ng kadate mu dun Alan? Hehehe

    Reply

  • LOL ang galing haha may tv exposure pa LOL pa-autograph :D

    meron ka na ba nakadate ulit sa knilang 18?

    Reply

  • bagay ba ngayong panahon ng recession?

    Reply

  • they gave my matches na rin… yiheee

    Reply

  • depende sa sagot… napakababaw lang ng sagot dun para malamang serial killer.

    Reply

  • wala pa :(

    Reply

  • Bagay na bagay pa yan!

    Reply

  • did you ask for their numbers?

    Reply

  • No, hindi allowed kunin ang number during speed dating para ma-avoid ang
    awkwardness.

    Reply

  • Thanks for the tips. I haven't tried speed dating before. I might be able to remember your tips when I experience one.

    Reply

  • That's cool, dating 18girls in just 1 night. So, whose girl did you found attractive? choose 1-18

    Reply

  • definitely no.18 :D

    Reply

  • Great way to meet potential partners for the preparation of the future. Nice sharing.

    Reply

  • Like to date online? Try http://www.chuzi.ph!!!

    Reply

    stephen Reply:

    Hello!!!

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines