Feb 15, 2009

Valentine’s Earthquake

Nagkaroon ng malakas na paglindol sa ilang lugar ng Kamaynilaan kagabi, February 14. Kakaiba ang lindol na ito at maging mga scientists, seismologists at manicurists ay nawindang sa lindol na ito. Hindi lang kasi naka-sentro sa isang lugar ang epicenter ng lindol. Napabalitang ang malalakas na epicenter ng lindol ay nasa Pasay, Sta.Mesa at Pasig. May mga ulat ding lindol sa ibang lugar ngunit hindi katulad sa lakas ng lindol sa mga nasabi.

Ayon sa research ng mga basyador, ang lindol na ito ay hindi naman peligroso sa buhay ng marami. Hindi rin naman daw ito nakakasira ng mga gusali at iba pang infrastructures, though may isolated cases na pagkakasira ng paa sa mga kama. Wala rin namang namang napapahamak na mga mamamayan, ngunit may ilan namang nasasaktan. Ang kadalasang napapabalitang namamatay ay dahil mayroon namang mga heart ailments hindi dahil sa lindol. Kadalasan nga raw ay bumubuhay pa ito makalipas ang ilang buwan.

Madalas daw mangyari ang lindol na ito sa mismong araw ng mga puso o Valentine’s day. Hindi rin ito lubos na maunawaan ng mga tomador sa kanto. Kadalasan nga ay nararamdaman pa ang aftershock ng nasabing lindol kinabukasan kapag natapat ito sa weekend. Kaya nga sa kasalukuyan ay nadadama pa ang aftershock sa kinatatayuan ko ngayon.

Natagpuan na po namin ang ilan sa mga epicenter ng lindol. Heto po ang kanilang mga larawan:

Be the first to like.

15 Comments

  • hahahaha… lols. :P nakilindol ka rin ba?

    Reply

  • Lolz. Kala ko kung anon nang earthquake. Haha.

    Reply

  • wala akong malilindol eh

    Reply

  • Hahaha. Shit 'yan.

    Reply

  • Signal no. 100 ba? LOL. Buti nasa bahay lang ako at naka iwas ako sa mga destinasyong may lindol. haha

    Reply

  • Tsk. Di ko naramdaman.

    Reply

  • two reasons kung bakit di mo naramdaman:
    a.) masyado kang malayo sa ginanapan ng lindol
    b.) isa ka sa nagpalindol

    Reply

  • Heee.

    Reply

  • oh my lumindol nga nung sabado. tangina.lols

    Reply

  • Di ko naramdaman at naexperience ang lindol na yan, may sakit ako next year ko na lang aabangan ulet

    Reply

  • Kaya nga sa kasalukuyan ay nadadama pa ang aftershock sa kinatatayuan ko ngayon.

    Nakow, billycoy. Hahahaha!

    Reply

  • masaya ang naging balentayms ko kasi nagkadate ako… sa wakas.. hahaha!

    Reply

  • favorite place ko!!!

    Reply

  • waaaah! nang-inggit ka pa!!!

    Reply

  • sogo and eurotel?!

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines