Browsing articles from "March, 2009"
Mar 27, 2009

March Movies Reviewed

Tatlong movies na pinanood ko this month, tatlong movie reviews din.

RACE TO WITCH MOUNTAIN

Synopsis: Dalawang magkapatid na alien ang napadpad sa Earth para sagipin ang kanilang planeta. No, hindi sila mga mexicans na nag-cross boarder sa America.

Review: Malamig ang aircon ng sinehan at masarap naman ang Burger King Xtra Long Chicken sandwich na kinain ko. Nadismaya ako dahil wala palang mangkukulam sa pelikula. Akala ko rin may makikita akong “mountains” ng witch.

Why watch? Kung nais magwaldas ng pera at gusto lang matulog sa sinehan.

Nice to watch with: Juwawhoop na malibog para kahit hindi na tapusin ang palabas.

Better in: HBO or VCD na hindi naka-surround sound

Alternative: Space Nuts

 

THE SECRET OF MOONACRE

Synopsis: Isang dalagitang ang may matutuklasang sikreto sa kanyang tunay na pagkatao. No, hindi siya closet lesbian.

Review: Maganda ang sinehan ng Greenbelt 3 at natataas pa ang armrest para maka-holding hands ang juwawhoop. Very healthful din ang popcorn ng Chimara at masarap ang kanilang iced tea. Hindi pala porn ang pinanood ko.

Why watch? Para makaiwas sa mga naglalamyerdang orcs sa paligid.

Nice to watch with: Mga batang makukulit para malibang ka naman sa pagsasaway.

Better in: Local channels na ipapalabas after 2 years or sa portable media player.

Alternative: Wicked

 

MONSTERS VS. ALIENS

Synopsis: May isang dalagang ikakasal na sana ang tinamaan ng bulalakaw at biglang lumaki sa araw ng kanyang kasal. No, hindi patotoy ang tinutukoy ko dito.

Review: Asteeg! Maganda! Number 1, number 1, number 1!!! Nakakatawa at panalo ang mga linya. Medyo nadismaya lang dahil walang bed scene sa movie, malufet sana yun sa IMAX. Hindi rin nag-flash ng higanteng boobies. Still, magandang movie.

Why watch? Dahil maganda siya at malufet. Nakakagago rin in a good way.

Nice to watch with: Sarili lang, kasi di masyadong papansinin kung sino ang kasama at tipid pa.

Better in: IMAX!!!

Alternative: Slumdog Millionaire

 

*thanks to Azrael for the Monsters Vs. Aliens on IMAX experience

Be the first to like.
Mar 20, 2009

Go, Grow, Glow

Nitong kamakailan isang phenomena ang naganap sa buong sandaigdigan. Kadalasang mga kababaihan at mga bading ang nabibiktima ng kaganapang ito. Maging ang mga dalubhasa at mga karpintero sa mga itinatayong Eurotel ay hindi maunawaan kung paano ito nangyayari.

Ayon sa mga ulat, may ilang kaso ng mga nawawalang kababaihan at mga bading sa ilang panig ng mundo ang bigla na lang naglalaho sa loob ng kanilang tahanan. Hindi naman daw sila kinidnap o napag-alamang lumabas ng tahanan. Ang iba nga raw natatagpuang ang mga nagkalat sa kwartong huling kinaroroonan ng mga biktima. Ang morbid!

Meron ding napapabalitang bigla na lamang nawawala ang mga uterus ng mga kababaihan at ang large intestine sa mga bading na nabibiktima. Nagugulat na lamang sila sa kanilang mga x-ray dahil hindi lumalabas ang mga nasabing organs. Hindi rin ito lubos na maunawaan ng mga dalubhasa at ni Aling Tekla.

Ilang araw makalipas ang mga pangyayaring ito, may natagpuan ang NASA sa planetang Mars. Noong una hindi nila ito mawari kung ano ang mga ito, pero habang tinititigan nila ito sa pamamagitan ng kanilang mga telescopes at mga mata napag-alaman nilang ang mga ito ay galing si Earth. Nalaman nilang mga uterus at mga large intestines pala ang mga iyon.

Inimbestigahan ng CSI at ng mga equestrians ang kaganapang ito. Napag-ugnay nila ang lahat ng mga kaganapang ito at ayon sa kanilang imbestigasyon, iisang bagay lang ang meron ang lahat ng biktima…

Continue reading »

Be the first to like.
Mar 9, 2009

A Day in a Jeepney Trip

Sa bawat araw ng buhay-buhay natin, hindi tayo makakarating sa ating paroroonan kung walang… JEEP! Maliban na lang kung may sariling wheels para makarating sa paroroonan sa dako paroon. Malamang napagdaanan na rin ng marami ang mga kadalasan kong ayaw sa pagsakay ng jeep.

  • mga driver na may putok
  • mga pasaherong may putok
  • mga pasaherong may putok na naka-display pa ang kili-kili
  • mga barker na pilit isinasaksak ang sandamukal na pasahero sa katiting na jeep
  • mga drivers na pati lamp post gustong isakay para lang mapuno na ang sasakyan
  • yung mga hindi nag-aabot ng bayad
  • mga pasaherong kung isalampak ang pwet ay parang walang hitang nauupuan
  • yung mga may bulky items sa bulsa na nagsusumiksik
  • mga batang may malalaking backpack na hindi kinakandong
  • mga nagdedekwatro sa upuan
  • mga upong sexy kahit hindi naman sexy at masikip na nga ang jeep
  • yung mga pasaherong kapag nakaupo ka sa harap tapos ayaw man lang bumaba para padaanin ka kahit na alam nilang malaki silang tao
  • yung mga malalaking bagahe na nakaharang sa pasukan ng jeep
  • mga vocally reklamador na pasahero
  • yung mga tumatabi kapag nasa harap ka kahit na maluwag naman sa loob
  • mga jeep na ayaw mag-full stop kapag may bababang pasahero
  • mga jeep na maliliit ang bintana
  • yung puwesto sa likod ng driver’s seat kasi walang hanging pumapasok
  • mga radyong ubod ng lakas at nagpe-penetrate sa tenga kahit may suot nang mp3 player
  • yung mga hindi nag-aabot o hindi alam kung kanino talaga ang sukli
  • mga pasaherong sumisipol o tumutuktok sa kisame para magpara
  • mga bag na pinauupo
  • mga magulang na hindi sinasaway ang mga anak para umayos ng upo
  • mga pasaherong ayaw mag-make way para sa mga uupo
  • mga nag-aabot ng sobre
  • yung telang panangga sa ulan
  • mga jeep na may tulo ang bubong
  • mga pasaherong dumudura ng laway at buto sa kalsada
  • mga magaganda at sexy na babaeng hindi pumapansin sa akin
  • at si David Hasselhoff bilang iyong driver

Sino bang hindi maiinis sa mga ganyang bagay?!

Be the first to like.
Pages:12»

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines