Sa bawat araw ng buhay-buhay natin, hindi tayo makakarating sa ating paroroonan kung walang… JEEP! Maliban na lang kung may sariling wheels para makarating sa paroroonan sa dako paroon. Malamang napagdaanan na rin ng marami ang mga kadalasan kong ayaw sa pagsakay ng jeep.
- mga driver na may putok
- mga pasaherong may putok
- mga pasaherong may putok na naka-display pa ang kili-kili
- mga barker na pilit isinasaksak ang sandamukal na pasahero sa katiting na jeep
- mga drivers na pati lamp post gustong isakay para lang mapuno na ang sasakyan
- yung mga hindi nag-aabot ng bayad
- mga pasaherong kung isalampak ang pwet ay parang walang hitang nauupuan
- yung mga may bulky items sa bulsa na nagsusumiksik
- mga batang may malalaking backpack na hindi kinakandong
- mga nagdedekwatro sa upuan
- mga upong sexy kahit hindi naman sexy at masikip na nga ang jeep
- yung mga pasaherong kapag nakaupo ka sa harap tapos ayaw man lang bumaba para padaanin ka kahit na alam nilang malaki silang tao
- yung mga malalaking bagahe na nakaharang sa pasukan ng jeep
- mga vocally reklamador na pasahero
- yung mga tumatabi kapag nasa harap ka kahit na maluwag naman sa loob
- mga jeep na ayaw mag-full stop kapag may bababang pasahero
- mga jeep na maliliit ang bintana
- yung puwesto sa likod ng driver’s seat kasi walang hanging pumapasok
- mga radyong ubod ng lakas at nagpe-penetrate sa tenga kahit may suot nang mp3 player
- yung mga hindi nag-aabot o hindi alam kung kanino talaga ang sukli
- mga pasaherong sumisipol o tumutuktok sa kisame para magpara
- mga bag na pinauupo
- mga magulang na hindi sinasaway ang mga anak para umayos ng upo
- mga pasaherong ayaw mag-make way para sa mga uupo
- mga nag-aabot ng sobre
- yung telang panangga sa ulan
- mga jeep na may tulo ang bubong
- mga pasaherong dumudura ng laway at buto sa kalsada
- mga magaganda at sexy na babaeng hindi pumapansin sa akin
- at si David Hasselhoff bilang iyong driver
Sino bang hindi maiinis sa mga ganyang bagay?!
March 9, 2009
Like








May 9 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
hehehe… tama ka dyan billycoy… sapul na sapul! hehehe…
Reply
love this. =D
Reply
Pinaka disturbing yata yung makita mong driver ng jeep na sinasakyan mo ay si David Hasselhoff.
Naka tux pa.
Reply
mas nakakainis ung mga nauna sau sumakay, tapos pag upo mo, mag aabot ng bayad! duh!!! ginawa pa akong serbidora nila! hndi ko nga inaabot ang bayad!
Reply
COY! im bak! ewan ko lang kung kilala mo pa daw ako… porket na TV kna lol.. hehe jowk
anyways e2 yugn spam message ko sa dati kong mga kalink ex (yes im blatantly saying i spammed this sheet):
hi. ako si xyryx dati. nagbago na ko ng blog name kaya bago din alias. ni link na kita sa new blog ko. sna i link mo din ako ulit
Reply
uy, call me billy na lang. kasi Coy is a different person. si Coy sa
http://www.thisiscoy.net
thanks for the link and i'm glad nahanap mo ako.
Reply
walang hiya! nagulat ako kay Hoff!
Reply
“yung mga tumatabi kapag nasa harap ka kahit na maluwag naman sa loob < the best!!>”
ikaw na ang bago kong susubaybayan hihi <stalker ba ako?!>
Reply
hahaha salamat. di ka naman stalker, wala ka naman siguro dito sa likod ko di ba?
Reply