Mar 27, 2009

March Movies Reviewed

Tatlong movies na pinanood ko this month, tatlong movie reviews din.

RACE TO WITCH MOUNTAIN

Synopsis: Dalawang magkapatid na alien ang napadpad sa Earth para sagipin ang kanilang planeta. No, hindi sila mga mexicans na nag-cross boarder sa America.

Review: Malamig ang aircon ng sinehan at masarap naman ang Burger King Xtra Long Chicken sandwich na kinain ko. Nadismaya ako dahil wala palang mangkukulam sa pelikula. Akala ko rin may makikita akong “mountains” ng witch.

Why watch? Kung nais magwaldas ng pera at gusto lang matulog sa sinehan.

Nice to watch with: Juwawhoop na malibog para kahit hindi na tapusin ang palabas.

Better in: HBO or VCD na hindi naka-surround sound

Alternative: Space Nuts

 

THE SECRET OF MOONACRE

Synopsis: Isang dalagitang ang may matutuklasang sikreto sa kanyang tunay na pagkatao. No, hindi siya closet lesbian.

Review: Maganda ang sinehan ng Greenbelt 3 at natataas pa ang armrest para maka-holding hands ang juwawhoop. Very healthful din ang popcorn ng Chimara at masarap ang kanilang iced tea. Hindi pala porn ang pinanood ko.

Why watch? Para makaiwas sa mga naglalamyerdang orcs sa paligid.

Nice to watch with: Mga batang makukulit para malibang ka naman sa pagsasaway.

Better in: Local channels na ipapalabas after 2 years or sa portable media player.

Alternative: Wicked

 

MONSTERS VS. ALIENS

Synopsis: May isang dalagang ikakasal na sana ang tinamaan ng bulalakaw at biglang lumaki sa araw ng kanyang kasal. No, hindi patotoy ang tinutukoy ko dito.

Review: Asteeg! Maganda! Number 1, number 1, number 1!!! Nakakatawa at panalo ang mga linya. Medyo nadismaya lang dahil walang bed scene sa movie, malufet sana yun sa IMAX. Hindi rin nag-flash ng higanteng boobies. Still, magandang movie.

Why watch? Dahil maganda siya at malufet. Nakakagago rin in a good way.

Nice to watch with: Sarili lang, kasi di masyadong papansinin kung sino ang kasama at tipid pa.

Better in: IMAX!!!

Alternative: Slumdog Millionaire

 

*thanks to Azrael for the Monsters Vs. Aliens on IMAX experience

Be the first to like.

7 Comments

  • hahahaa..wala ba bed scene.
    pero sexy ni Susan!

    kay Susan tayo!

    Reply

  • Haha. Waldas pera nag lang yang witch mountain na yan.
    Pero what do you expect, mga bata ang target audience nila. haha

    Reply

  • oo walang bed scene. yun pa man din ang hinihintay ko. sayang. baka next
    time may porn na sa imax. :D

    Reply

  • kahit nga yata bata, hindi masyadong mag-eenjoy. wala masyadong aksyon.

    Reply

  • lollers

    Reply

  • namotivate na din ako para panoorin ang aliens vs monster..akala ko kasi may bed scene talaga…naglalaro kasi ako na kunwari wholesome ako ngayung month..ha ha ha..

    buti nalang indi ko pinanood ang race to witch mountain sa sine…salamat internet para sa libreng download. XOXO

    Reply

  • balak ko pa naman sanang panoorin yung Race to Witch Mountain – pero dahil sinabi mo ngang iki. i think panonoorin ko na lang yan sa net. hahaha!

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines