Tayong mga Pinoy, maraming paniniwalang o mga pamahiin na sinusunod. Hindi na nga natin alam kung saan nanggaling ang mga paniniwala dito at kung ano basis ng mga yan.
May ethical basis naman kasi ang ibang paniniwala. Ang weird nga lang kasi ng mga aftermath. Parang walang connection sa ginawa.
“Dadagain ang bahay na hinahayaang ipaligpit sa bisita ang pinagkainan.”

Ang totoo nyan: Syempre naman, bisita siya. Siya dapat ang pinagsisilbihan, di ba? Kahit sinong bisita dapat napapa-pamper naman kahit papaano. Pero kung ang bisita ay parating dumadalaw sa inyong tahanan at mas kabisado pa yata niya ang bawat sulok ng inyong tahanan kaysa sa inyo, hindi na bisita ang tawag dyan. Lalo na kung parati pang nakikikain, parasite na ang tawag dyan. Nararapat lang na siya ang ipakain sa mga daga… Unless, marunong siyang maghugas ng kanyang pinagkainan at maglinis ng bahay.
“Hindi magkaka-asawa ang kumakain kapag niligpitan na siya kahit hindi pa tapos.”

Ang totoo nyan: Maba-bad trip naman kasi kung sinuman kumakain kung may nakahain na lechon sa tapat niya na inililigpit na kahit hindi pa siya tapos. Hindi naman yata tama na itabi na ang mga nakahain kahit di pa tapos, nakakabastos naman kasi talaga ang ganu’ng gawain. Subukan niya lang gawin ‘to sa lahat ng date niya, malamang di na talaga siya mag-aasawa.
[feeling ko effective ang pamahiin na ito sa akin.]
“Hindi na lalaki pa ang taong nahakbangan habang siya ay natutulog.”
Ang totoo nyan: Sino ba naman ang may gustong may taong humahakbang sa ibabaw niya habang natutulog, aber?! Papayagan ko pa malamang kung sizzling hot babe siya at naka-palda pa, kahit sa ulunan ko pa dumaan – wag lang sanang naka-shorts. Pero kung lalaki siya, malamang nasipa ko na siya ng aking higanteng paa sa kanyang bayag at tumbong.
“Dakmain sa bayag ang lalake kapag siya ay binabangungot.”
Ang totoo nyan: Malamang!!! Kung hindi effective ang pagtapik-tapik at kalabit, dapat sa sure na magigising siya, di ba? Malaking favor yun sa kanya para masagip ang buhay niya. Yun nga lang, parang mas matindi pa sa bangungot ang mararanasan niya paggising.
Heto pa ang ibang paniniwala na hindi ko maintindihan kung paano nabuo.
“Dapat ihalo sa panghilamos ng babae ang kanyang unang regla para hindi siya taghiyawatin.”

Ang totoo nyan: Hindi man siya titighiyawatin, magiging single naman siya for life dahil hindi rin attractive ang babaeng naghilamos ng regla.
“Anak ng mangkukulam ang taong hindi pantay ang mata.”

Ang totoo nyan: O_o
“Nalilibugan ang babaeng nangangati ang kanyang boobs.”
Ang totoo nyan: Naghahanap na ako ng ganyang babae ngayon, nagbabakasakali ako na madevirginate na…
Unless, tumalab na sa akin ang pamahiin sa pagliligpit ng pinagkainan kahit di pa tapos.
Naniniwala ka ba sa pamahiin?
April 17, 2009
Like








May 9 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
hahahaha! billycoy! ang lufet mo talaga! i lab the photos… hahaha… ako, hindi ako naniniwala sa pamahiin… at bilang comment sa huling pamahiin item mo… baka naman nakagat lang ng insekto o kaya may fungal infection ang boobs kaya nangangati… hehehe… peace.
good luck sa paghahanap… :p
Reply
ah yeah…only in the philippines! proud to be pinoy..
Reply
May isa akong pamahiin na talagang pinaniniwalaan ko at kinatatakutan ko rin.
“Kapag nanaginip ka na bungi ang iyong ngipin, may mahal sa buhay kang mamamatay”.
Wala siyang scientific basis pero dalawang beses na nangyari sa kin to (at nakaligtaan kong kumagat sa puno). Sa Lolo ko at sa Tita ko.
Reply
kung kagat lang ng insect, magpi-prisinta ako para magkamot
Reply
di naman kailangang puno, kahit dahon lang naman daw.
Reply
sabi naman nila kahit anong kahoy lang pwede na. kaya may isang umaga sa buhay ko na kumagat ako sa hagdanan ng wooden double deck namin… (-_-)
Reply
may marka bang naiwan sa double deck niyo? hehehe
Reply
Dahon? Never kong narinig yun
May alam akong version na kahoy or kahit anong matigas na bagay. Pati semento.
Reply
semento?! baka naman magkabato ka nyan. LOL
Reply