Sleepyhead?
May mga araw na nakakatamad at nakakaantok ang panahon. Lalo na kung summer. Actually, kahit anong klaseng panahon naman talaga nakakatamad, umuulan man o umaaraw. Kahit pa yata umulan ng mga balyena sa langit nakakaantok pa rin. Bagamat inaantok at tinatamad, mas maraming panahon na kailangang kumilos para lang kumita ng pera para pangupahan sa mga sholbam at mga pokpok.
Syempre kapag kinakailangan na ng ating mga powers, nararapat lang na maging alert. Lalo na kung nangangailangang humarap sa mga clients, hindi pwedeng mukhang bangenge na nakalulon ng sandamakmak na cough syrup at rugby.
Kumpletuhin ang tulog. At least 6 to 8 hours na tulog dapat para pagputok ng araw – hindi yung pagputok na iniisip niyo – buhay na buhay ang libido… este ang diwa. Mahalaga ang kumpletong pagtulog para makapag-”recharge” ang ating mga nagse-sexyhan na katawan. At the same time, pati ang resistensya ng ating mga hot bods ay malakas laban sa mga germs.
Oops. Wrong germs.
Coffee. Alam naman na natin ang bisa ng caffeine sa ating katawan para maging alert. Isa na nga ang kape sa mayaman nito. Pero marami na rin ang hindi tinatablan ng kape para magising. Kaya dapat, magtimpla na lang sila ng mainit na kape sa isang drum. Pero, hindi ito iinumin, papasok sila sa loob nito habang mainit pa. This way, magigising talaga with the benefits ng antioxidants na nagsusumiksik sa balat habang ito ay nalalapnos. Wala naman sigurong nakakatulog kagad kapag mahapdi ang balat di ba?
The balls of power. Kung ikaw ay lalake, nararapat sa iyo ito. Sa tuwing dinadapuan ng antok, pitikin ang inyong bayag. Kung hindi effective, umupo ng biglaan sa armrest ng upuan. Mabisang-mabisa ang paraan na ito para magising ng husto. Maaari ding magsuot ng napakasikip na pantalon or shorts para mas madaling mahagilap ang bayag at hindi na nangangailangan pang magbukas ng zipper.
Sakit di ba? Pati sa mata.
Use your undies. Ibabad sa bahay ng langgam ang brip o panty bago isuot. Hayaan ang mga langgam na papakin ang mga singit, itlog, patutuy at mga talulot ng flowers niyo. Lalo pang magigising kung mga antik ang papakapitin sa inyong underwear dahil mas matindi pa ang mga kagat nila. Dagdag pa epekto ng pagiging gising ang pangangati ng mga pantal. Huwag mag-alala, parang kagat lang yan ng langgam.
Ngayon alam niyo na mga paraan para maging gising parati.
3 Comments
Leave a comment
Adverse Reactions:
Status
- Last episode. Too many "It isn't what it seems" moment. http://t.co/TPDdVEyL @GetGlue @TheKilling_AMC
- No, I'm not eating. (@ Food Choices w/ 6 others) http://t.co/WJflxtdG
- Gym stereotype characters... Bah!!!
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)









Hindi ako tinatablan ng kape. Tae talaga. Minsan lang, kapag siguro nasa mooood akong gumising ng dalawang araw na diretso!
Reply
sobrang effective sa akin ng kape. nagiging hyper ako.
Reply
grabe namang mga paraan yan para hindi makatulog… eh hindi nga ako makakatulog sinadisra ko naman ng bonggang bongga ang sarili ko. waaaaaaaaaaaaah!
Reply