May 12, 2009

In Demand Weekend: The iBlog 5 and Magicalympics

Naging uber busy ang weekend ko. Isang buong linggo na hindi ako nakatikim ng sampung oras na tulog. Gising mayaman kasi ako parati pag weekends. Pero ok lang na gumising sa mga weekends na ito. Worth it naman. Memorable pareho ang iBlog 5 Summit sa UP Diliman at ang Magicalympics sa Enchanted Kingdom.

Last Saturday, muli na namang naganap ang iBlog 5. Na-miss ko nga yung iBlog 4 last year kaya sinigurado ko na makakapunta na ako this year. Ayaw ko yatang kaligtaan ang mga kababalaghang nagaganap. Kaya naman nilakbay ko ang limang bundok, tatlong ilog at walong dagat para lamang makarating ako sa UP Diliman at maka-attend nga sa iBlog 5.

Medyo late nga akong dumating sa venue, nakasabay ko nga si Kring sa registration area. Naisipan naming sa gilid pumasok para naman hindi grand entrance ang pagdating namin (iyon talaga ang gusto ko, ayaw lang ni Kring). Pero dahil papansin ako, pumasok kami sa room na suot ang aking drop dead gorgeous striking red sunglasses kahit wala namang araw sa loob ng kwarto at hindi naman ganun katirik ang araw that day. Hayun, nakakuha naman ng atensyon. Kaso sina AJ at Mica pala ang nagsasalita kaya na-outshine nila ang aking kagwapuhan.

Maraming mga kaalaman na natutunan at syempre nandoon pa rin ang mga who’s who sa kamunduhan ng pinoy blogs. Bukod sa mga nabanggit ko ng nauna nandoon sina of course si Janette Pac… este Toral, Jayvee, Arbet, Poyt, Fritz, Paolo, Winston, Coy, Juned, Azrael, Jonel, Ed, Hannah, Ada, Marcelle, Jehzlau, Nina, Eric, Kevin, Ian, Jhed, Xienah, Aaron, Flowell, Jeric, Carl, Cai, Aethen, VanJhnn at napakarami pang iba.

Hindi ako sumama sa picture, kaya ang alagad ko na lang na si Zac Efron ang ipinasama ko.

Hindi ako sumama sa picture, kaya ang alagad ko na lang na si Zac Efron ang ipinasama ko.

Kinagabihan, ginanap ang iBlog afterparty sa Katips. Mas marami nga araw ang nag-attend last year kaysa ngayon at mas wild, pero this one is memorable pa rin sa akin. Dahil sa afterparty, nakita na ng marami ang aking asset. Matagal ko na rin itong itinatago, pero di napigilan at kailangan na niyang magpakita. Alam ko namang maraming natatakam sa akin dahil dito. Kaya ngayon, humanda kayo dahil ipapakita ko na ang aking sandata. Nagngangalit pa kaya siguro lumabas na siya.

Warning: Kung kumakain kayo ngayon, wag niyo muna itong isubo dahil baka mabulunan kayo sa inyong makikita.

Ang aking buhok sa kili-kili. Iyan ang highlight ng aking gabi sa iBlog 5 afterparty. Kili-kili pa lang yan, sikat na.

Kinabukasan naman, kinailangan ulit gumising ng maaga dahil pumunta naman sa Enchanted Kingdom para sa Magicalympics. Ang tindi pa man din ng sikat ng araw nang araw na iyon at halos malusaw na kami sa init. Hindi pa man din kami nakakaalis sa aming rendezvous point sa Makati ay nagwawater-water na talaga kami ng husto. Buti na lang comfortable ang ride namin going to Sta. Rosa. Mabilis pa ang byahe kasi Sunday kaya ilang tumbling lang ng aming shuttle service ay nandun na kagad kami sa Enchanted Kingdom. Saka nag-enjoy kami sa panonood ng video sa selepono ni Nina.

Pagkatapos ng registration, nanood kami sa kanilang 4D cinema. Napa-breakdance ang mga bloggers kasi habang nanonood kami, may nandudura ba naman. Hindi lang yun, nakakalaglag matres din ang mga upuan lalo na kung dumadagundong ang mga eksena.

After lunch, nagsimula na ang Magicalympics. Ito yung Amazing Race version ng Enchanted Kingdom para sa mga corporate or group packages. Akala nga namin yung mga tasks ay pahahanapin kami ng turnilyo sa buong theme park na gagamitin sa Space Shuttle at malalaman lang naming tama ito kapag safe kaming bumaba ng rollercoaster. O kaya, iga-gather namin yung mga flags sa gitna ng Wheel of Fate (giant tsubibo) habang umiikot ito. Hindi naman ganun ka-death defying ang pinagawa sa amin, very safe naman lahat ng tasks at mae-enjoy pa ang mga rides and amenities habang ginagawa namin ito.

Kahit todo effort ako sa pagkanta ng “Gold”, 4th placer pa rin kami. Nanalo ang team nila AJ, ang Swine Blue. Nanalo naman kami ng magic wand. With this magic wand, matutupad ko na ang pangarap ko; ang magkajuwawhoop at ma-devirginate na.

For ticketing and more info please visit http://www.enchantedkingdom.com.ph/ticketinfo.htm

——————-

Grabe ang weekend ko di ba? Hectic. Alam niyo naman kaming mga celebrity, luxury na ang pagtulog.

——————-

Trackback all on the floor, Trackback get me some more:

Live stream feed last May 9

Video

Photos

Blog posts

#iblog5

Be the first to like.

19 Comments

  • weeee!! Uber fun lahat!!!!

    Reply

  • Super fun ang lahat!! It was nice to meet you billycoy

    Reply

  • PANALO!!! Andun pala si Zac di ko man lang napansin waahaha

    Ikaw na ang mag pinaka-sikat na kili-kili!

    Reply

  • nice to meet you too.

    Reply

  • syempre. ako pa, para sa iblog, i will invite my celebrity friends for you people!

    Reply

  • nice. galing, no?

    Reply

  • Ay, amp. Sayang di ako nakapunta, eh wala naman ako ginawa non. Woot. Next time, di ko na mamimiss. :)

    Reply

  • You need a hero, Billycoy? Hahahahaha

    Reply

  • sayang naman. di mo tuloy nakita ang buhok ko sa kilikili.

    Reply

  • basta pag hinagis siya, mag-split din pagbagsak. lol.

    Reply

  • Hahaha! nagulat aku sa kilikili pic

    Reply

  • Nga pala, congrats sa bagong look ng blog! :D

    Reply

  • Ganda ng new look ng site Billycoy :D
    Hehe.

    Reply

  • panglima na pala yan…

    nagkakaedad ka na parekoy… hehe

    Reply

  • darating ka rin dyan. hehe.

    Reply

  • syempre. kailangang may evolution.

    Reply

  • Panalo talaga ang buhok sa kili-kili! Hahahahaha.

    Hindi rin ako sumama sa picture. :p

    Reply

  • [...] Magicalympics at Enchanted Kingdom (Aileen) Bloggers Magicalympics at Enchanted Kingdom (AJ) In Demand Weekend: The iBlog 5 and Magicalympics (Billycoy) Enchanted Kingdom Magicalympics with Magical Friends (Bryan Karl) Enchanted Bloggers [...]

  • [...] Magicalympics at Enchanted Kingdom (Aileen) Bloggers Magicalympics at Enchanted Kingdom (AJ) In Demand Weekend: The iBlog 5 and Magicalympics (Billycoy) Enchanted Kingdom Magicalympics with Magical Friends (Bryan Karl) Enchanted Bloggers [...]

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines