May 16, 2009

Now Legal

Sa wakas, nasa legal age na rin ako. Marami na akong pwedeng gawin ngayong sumapit na ang araw na legal na ako. Yung mga hindi ko pa nagagawa before ay magagawa ko na ngayon na walang question.

Ngayong legal age na ako, makakapag-register na ako sa COMELEC para makaboto na ako next year. Pwede na akong magpabayad sa mga politiko para iboto sila dahil lagpas na ako sa age para sa Sangguniang Kabataan (SK). Magkakaroon na rin ako ng voter’s ID, valid ID yun na pwedeng i-present kapag nanalo sa mga contest at lotto.

At dahil nga legal na ako, pwede na akong pumasok sa mga bars. Legal na rin ako para uminom ng serbesa at mga hard drinks. Ok lna kahit magpakalango ako ng husto, humiga sa kalsada at magmukhang ginahasa ng limang elepante. Kahit pa maka-limang case ako ng Red Horse ay walang makikialam kasi nga nasa legal age na ako, basta syempre magbabayad lang ako. Kahit nga sumuka pa ako ng balyena ay ok na ngayon, kasi nga legal na ako. Party to the maximum level na ito.

Makakapagtrabaho na rin ako na hindi na kailangan pa ng permit sa DOLE dahil di na ako underage. Pero kalakip naman nito ang pagbabayad ko na sa tax at kung anu-ano pang bayaran sa gobyerno. Madali na rin para sa akin ang pasukin ang pagsho-showbiz. Pwede na akong magpa-sexy or frontal nudity ngayon dahil nasa wastong gulang naman na ako. Pasukin ko na kaya ang pagpo-porn?

Speaking of porn, hindi na malamang kukuwestyunin ng parents ko kung mahuli nila akong may mga bala ako nito. Pwede na rin akong mag-uwi ng mga FHM, Uno at iba pang men’s glossy magazines. Kahit nga siguro Hustler at iba pang mga smut magazines. Yes, makakapagbasa na rin ako ng mga kwento ni Xerex Xaviera.

Ngayong legal na ako, pwede na rin akong mag-uwi ng babae. Whether bayaring babae, FuBu or certified juwawhoop ko. Legal na rin akong pumopoy! Yes! Made-devirginate na rin ako sa wakas.

LEGAL NA AKO…

8 years ago!

Maraming salamat sa mga babati – greetings po, hindi yung kung anong nasa isip niyo – sa akin ngayon but i prefer cash and gifts.

—————-

Happy Birthday din pala kina Billy Crawford, Janet Jackson, Pierce Brosnan, Tori Spelling and guess what…

MEGAN FOX!!!

ooops, wrong picture!

Again,

HAPPY BIRTHDAY MEGAN FOX!

Be the first to like.

13 Comments

  • Happy 30th Birthday Billycoy! Haha ay demanding cash and gifts? Haha

    XOXO
    Your Queen Domainia X_x

    Reply

  • wala pa akong 30!!! hanubear?! thanks fairy godmother!!!

    Reply

  • happy 30th! hihihihihi

    Reply

  • isa pa 'to. di pa ako 30 unless ira-round off LOL

    Reply

  • Maligayang kaarawan sa iyo, Billy Crawford! :D

    LOLers. Happy Birthday Alan Rey Penilla :P

    Reply

  • Puro mga good-looking mga ka-birthday mo ah. Coolness.

    Happy Birthday, Billycoy! :D

    Reply

  • di lang good looking, mga hotness pa. B)

    Reply

  • Belated happy birthday, although technically in my time zone… I'm only 30 minutes late in greeting you.

    Reply

  • it's better late than never. thank you! :D

    Reply

  • Ako ata yung pinaparinggan mo sa pagiging lega. Nagpaparinigan ata tayo sa mga blogs naten. HAHAHA. :)

    Belated happy birthday! Pajerjer ka naman. Este, paburger! Hehehe.

    Reply

  • wala nga akong majerjer, magpa-jerjer pa kaya. oy di kita pinaparinggan,
    lol.

    Reply

  • belated happy bday BILLYCOY!!!!

    Reply

  • uy thanks! :D

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines