Browsing articles from "May, 2009"
May 12, 2009

In Demand Weekend: The iBlog 5 and Magicalympics

Naging uber busy ang weekend ko. Isang buong linggo na hindi ako nakatikim ng sampung oras na tulog. Gising mayaman kasi ako parati pag weekends. Pero ok lang na gumising sa mga weekends na ito. Worth it naman. Memorable pareho ang iBlog 5 Summit sa UP Diliman at ang Magicalympics sa Enchanted Kingdom.

Last Saturday, muli na namang naganap ang iBlog 5. Na-miss ko nga yung iBlog 4 last year kaya sinigurado ko na makakapunta na ako this year. Ayaw ko yatang kaligtaan ang mga kababalaghang nagaganap. Kaya naman nilakbay ko ang limang bundok, tatlong ilog at walong dagat para lamang makarating ako sa UP Diliman at maka-attend nga sa iBlog 5.

Medyo late nga akong dumating sa venue, nakasabay ko nga si Kring sa registration area. Naisipan naming sa gilid pumasok para naman hindi grand entrance ang pagdating namin (iyon talaga ang gusto ko, ayaw lang ni Kring). Pero dahil papansin ako, pumasok kami sa room na suot ang aking drop dead gorgeous striking red sunglasses kahit wala namang araw sa loob ng kwarto at hindi naman ganun katirik ang araw that day. Hayun, nakakuha naman ng atensyon. Kaso sina AJ at Mica pala ang nagsasalita kaya na-outshine nila ang aking kagwapuhan.

Maraming mga kaalaman na natutunan at syempre nandoon pa rin ang mga who’s who sa kamunduhan ng pinoy blogs. Bukod sa mga nabanggit ko ng nauna nandoon sina of course si Janette Pac… este Toral, Jayvee, Arbet, Poyt, Fritz, Paolo, Winston, Coy, Juned, Azrael, Jonel, Ed, Hannah, Ada, Marcelle, Jehzlau, Nina, Eric, Kevin, Ian, Jhed, Xienah, Aaron, Flowell, Jeric, Carl, Cai, Aethen, VanJhnn at napakarami pang iba.

Hindi ako sumama sa picture, kaya ang alagad ko na lang na si Zac Efron ang ipinasama ko.

Hindi ako sumama sa picture, kaya ang alagad ko na lang na si Zac Efron ang ipinasama ko.

Kinagabihan, ginanap ang iBlog afterparty sa Katips. Mas marami nga araw ang nag-attend last year kaysa ngayon at mas wild, pero this one is memorable pa rin sa akin. Dahil sa afterparty, nakita na ng marami ang aking asset. Matagal ko na rin itong itinatago, pero di napigilan at kailangan na niyang magpakita. Alam ko namang maraming natatakam sa akin dahil dito. Kaya ngayon, humanda kayo dahil ipapakita ko na ang aking sandata. Nagngangalit pa kaya siguro lumabas na siya.

Warning: Kung kumakain kayo ngayon, wag niyo muna itong isubo dahil baka mabulunan kayo sa inyong makikita.

Continue reading »

Be the first to like.
May 6, 2009

Spoiled Brat?

Mayo na naman. As usual, malapit na naman ang birthday ko kaya panay ang request ko ngayon kay mommy. Hindi naman ako spoiled brat kahit na unico hijo ako.

Mommy, I want a beach resort on my birthday like this beach resort given to her as a graduation gift by her parents.

Mommy: Anak, hindi pwede. Maalat ang dagat, alam mo namang ayokong magkasakit ka sa bato. Bitch resort na lang regalo ko sa iyo. Mas malaki pa ang kita dun saka baka dun ma-devirginate ka na anak. I’ll be proud of you.

Mommy, I want a giant transforming robot on my birthday.

Mommy: Anak, alam mo namang hindi pwede yun. Wala pa silang service center dito sa atin. Kapag nasira, saan mo ipapaayos yun. Saka hindi pa sure kung safe na sila, baka mamaya may lead content pa at hindi pa hypoallergenic.

Mommy, I want a cuddly talking coke-drinking polar bear in my room for my birthday.

Mommy: Anak, hello?! Ok ka lang? Hindi pwede ang polar bear sa ‘Pinas. Tropical country ang bansa natin, magiging brown lang siya dahil sa sikat ng araw. Grizzly bear na lang ang ibibigay ko sa’yo anak.

Mommy, I want a monkey everytime I ride the jeep starting on my birthday.

Anak, ano ba yang mga requests mo?! Hindi pwede. Gusto mo bang magutom ang mga Philippine Eagles sa bansa natin? Masisira lang ang ating ecosystem. Hindi pwede. Ano na lang sasabihin ko sa mga amiga ko sa DENR at PETA?

Mommy, I want world peace.

Mommy: Huh?!

Mommy, I want a girlfriend.

Mommy: Asa ka naman anak.

 

Note: Hindi po yan ang tunay kong ina, showbiz mom ko lang po yan.

Be the first to like.
Pages:«12

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines