Jun 13, 2009

GOODBYE. PAALAM. SALAMAT.

Mag-aapat na rin pala akong nagba-blog. Ang bilis ng panahon. Sa pagdaan ng mga panahon ng aking pagba-blog, maraming mga nangyari; maraming naganap. At sa mga panahong iyon, dumami ang aking network, nagkaroon ng maraming kaibigan at nakapunta sa iba’t ibang mga piging. Bagamat masaya ako sa pamamahagi ng aking mga kaalaman at mga kakaibang karanasan, kailangan ko na ang magpaalam.

Nakakapagod na rin kasi. Hindi ko na rin kaya, kaya bibitawan ko na itong pagsusulat. Kailangang mag-set na rin ako ng priorities ko at mag-concentrate dito. Career, family at kung anu-ano pa. Sila ang dapat kung unahin. Naniniwala naman akong mauunawaan niyo iyon.

Isa pa, napapansin ko rin namang wala talagang nagbabasa sa blog ko. Nawawala na ang mga dating nagbabasa dito, ganun din ang mga nagco-comments. Humihina na nga rin ang hits ng aking domain. Kaya kung sakali mang mawala ako siguradong wala ring makakapuna. Hindi rin naman ako malaking kawalan sa buhay niyo, di ba? Sino ba naman ako para mabigyan ng atensyon?

Kaya salamat sa lahat ng mga nagbabasa at tumangkilik sa pagbabasa ng aking blog sa loob ng maigsing panahon. Maraming salamat sa mga kaibigang nakilala ko at sumuporta sa akin. Maraming salamat sa mga matatamis na ngiti, mga malulutong na halakhak at masasayang panahon na nakasama ko kayo. Salamat sa mga maligayang usapan pati na rin sa pag-alala sa mga mahahalagang araw ng aking buhay. Salamat sa maraming bagay at ibabaon ko sa aking mga alaala.

Muli, paalam at salamat sa inyong lahat.

Heto po si Billycoy Dacuycuy, signing off.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

JOKE JOKE JOKE!!!

Be the first to like.

30 Comments

  • tapos na april fools

    Reply

    billycoy Reply:

    ay tapos na ba? feeling ko kasi april pa. mainit pa rin eh. :P

    Reply

  • ano tinira mo dong? loljoke. :P

    Reply

    billycoy Reply:

    pinulbos na tuyong smegma. LOL!

    Reply

    nicklelove Reply:

    ano yung smegma? :O

    Reply

    billycoy Reply:

    google mo na lang and you'll wish you never asked for it. hahaha

    Reply

  • Pag binato ko ba ang screen ko aabot sa iyo? Hehe.

    Reply

    billycoy Reply:

    hindi. pero mapapagastos ka lang. :D

    Reply

    mnel Reply:

    Naisip ko nga rin yun. Sayang yung bago kong laptop. Haha. Kala ko talaga totoo.

    Reply

    billycoy Reply:

    LOL :P

    Reply

  • seryoso ka? di nga? naguluhan tuloy ako or malabo lang mata ko at mali ang nabasa ko?

    Reply

    billycoy Reply:

    lagi naman akong seryoso di ba?

    Reply

  • Why is you tamfururuts?

    Reply

    billycoy Reply:

    hindi naman. may LBM lang ang utak ko ngayon.

    Reply

  • dearest, pwede naman wag palagi mag update, wag lang mang iwan :D

    Reply

    billycoy Reply:

    tatambing na lang ako parati

    Reply

  • Puro bulate nanaman utak mo.

    Reply

    billycoy Reply:

    hindi naman. uhog lang.

    Reply

  • Booooo! muntik na akong maniwala. :(

    Reply

    billycoy Reply:

    yes. may kumagat din.

    Reply

  • kala ko pa naman totoo, sayang. hehe

    Reply

    billycoy Reply:

    gusto mong tumigil na ako? huhuhuhu

    Reply

  • Awts. Buti na lang hindi totoo :D

    Reply

    billycoy Reply:

    alin ang di totoo? hehehe

    Reply

  • kaw ha. me paganyan-ganyan ka na ngaun. oo nga tama sila… pwede namang wag palaging mag-update wag lang yung aalis ka na. kakalungkot yung ganun. hehehe!

    Reply

    billycoy Reply:

    woshooo malulungkot daw siya. baka nga mag-celebrate ka pa. LOL

    Reply

  • akLa q pa nmn 22u..i njoie reading your post p nmn..
    haha..toh tLg..hihi

    Reply

    billycoy Reply:

    tNx p0h f0r r3aD1nG! :P

    Reply

  • haha! its been 3 yrs since i last read your blog.. its nice to know that you’re still here to entertain your readers.. kuya germs, ikaw ba yan? lolz btw, are you from san pedro? i thought you’re from manila

    Reply

    Billycoy Reply:

    salamat! mukhang tagal mo na nga ring di nagbasa, two years ago pa ‘tong post kong pinag-replyan mo. :P

    lumipat kami a year ago to san pedro. kaya hayun, suburban living ako.

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines