post Category: Oh Pag-ibig — Billycoy @ 11:03 am — post Comments (6)

Warning: Mushy post, eye burning glitter text at nagbabagang ka-jologan ang naghihintay sa iyo dito.

Isa na yata ito sa pinakamasarap kong tulog sa buong buhay ko. Napanaginipin ko kasi si crush kaninang umaga. As of writing time, ang mga ngiti ko umiikot pa rin sa buong mukha ko.

In case you don’t know, rarely ko mapanaginipan ang crush ko. Kaya nga sobrang tuwa ko nu’ng gumising ako. Humuhuni ang mga agila sa bintana, pati ang mga bayawak at buwaya umaawit habang binabati ako ng matinding sikat ng araw ng “Magandang umaga Billy, gising na at male-late ka na!”

Ganito yung panaginip ko. Dinalaw ko raw siya (or magka-officemate yata kami) sa isang building na puro salamin. Sobrang liwanag nga ng building, kitang-kita nga from the outside ang loob ng building; kitang-kita ang kaluluwa. Habang umaakyat ang elevator na gawa rin sa clear glass, napansin ko ang katabing police station. Paano ko nalamang police station? May dalawang police cars sa terrace ng building. Terrace, hindi parking lot. Yung isa pickup, yung isa sedan. Kung paano napunta sa terrace ang mga kotse, yun ang hindi ko na alam.

Dumating na nga ako sa floor ng office ni labs… este crush. Ganun pa rin, maliwanag at puro salamin pa rin pati mga pader. Maraming ngang tao sa office nila at tila nagkakagulo. Nakita ako ni crush at dinala niya ako sa room na walang tao. Since puro salamin nga ang office at wala namang blinds, nakikita ko pa rin yung mga nagkakaguluhang mga nilalang sa paligid.

Umupo kami ni crush. Nagkatinginan kaming dalawa. Hinawakan niya ang kamay ko. Naramdaman ko ngang medyo moist ang kamay niya, yung parang pasmado; mawater-water. Naramdaman ko ring nag-breakdance ang puso ko. Pero naisip ko:

Wag kang umasa, baka masaktan ka lang.

Tapos…

Napansin ko na teary-eyed siya. Kaya ikinuwento niya sa akin ang problema niya, nagkaroon yata sila ng matinding away ng juwawhoop niya. Kaya ako ang naging confidant niya. Hindi ko na nakuha ang buong details ng love problem niya kasi nagising na ako. Bigo ako, hindi pala wet dreams ang panaginip ko.

Pinilit kong balikan ang panaginip kong iyon kaso hindi na talaga bumalik. Pero kahit di ko na nabalikan, masaya na akong mapanaginipan si crush. Kahit sa panaginip man lang nahawakan ko ang mga palad niyang mawater-water.

Maging totoo man o hindi ang dream ko, masaya na ako. Dahil kung totoo man ito, saan ko naman kaya makikita ang police station na may police cars sa terrace.

Since hindi ko maipaliwanag ang panaginip ko, nakikiusap ako sa inyo na paki-interpret naman. For the meantime, iiwan ko muna sa inyo itong glitter text.

————–

On the other news…

Hindi ako sure kung meron ba talaga tayong Pinoy Popstars. Napapansin ko kasi, halos lahat ng mga singers natin dito ay puro mga biritera lang lahat. Mapa-lalaki man o babae, parang lahat sila gustong paputukin ang mga eardrums natin. Sina Regine Velasquez, Martin Nievera, and the likes lang ba ang p’wede nilang gayahin sa pagkanta?!

Basahin ang buo sa Pinoy Parazzi! NOW NA!

May 6 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!

#1

BLIINKIES! AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!

Reply

Ade wrote on June 28, 2009 - 11:16 pm
#2

sabi sa'yo eh. LOL

Reply

billycoy wrote on June 28, 2009 - 11:37 pm
#3

Alien, what did you do to our friend, Billycoy?! Speak up!

Reply

Prudence wrote on June 29, 2009 - 12:53 am
#4

malapit na raw akong ma-devirginate! wohoo!!!

Reply

billycoy wrote on June 29, 2009 - 1:00 am
#5

Ligawan mo na kasi si crush baka hinihintay ka rin lang niya. Ligawan mo na sa totoong buhay amf.

Reply

Micamyx wrote on June 29, 2009 - 4:12 pm
#6

di pwede. taken na si crush!

Reply

billycoy wrote on June 29, 2009 - 8:19 pm
Sige na, Mag-comment ka na, o i-trackback mo na. Huwag ng mahiya!

Write Your Comment

You should have a name, right? 
Your email address, I promised I won't tell it to anyone. 
If you have a web site or blog, you can type the URL right here. 
Dito ka magsusulat ng kagaguhan. 
Tandaan mo ako.