Browsing articles from "July, 2009"
Jul 30, 2009

SONB 2009: State of the Nation ni Billycoy

Bago tayo magsimula, nais ko muna sanang humingi ng ilang saglit na katahimikan dahil uutot po ako.

Maraming nangyari nitong nagdaang taon. Bukod sa recession sa iba’t ibang panig ng mundo, bumagsak ang kasikatan ni Marian Rivera dahil sa huling telenovela niya. Nagkaroon din ng bugbugan sina Chris Brown at Rihanna na ikinawindang ng mundo, ng aking bansa at pati ng inyong lingkod.

Lumaganap din ang sakit sa karamihan ng bansa. Hindi lang swine flu ang kumalat, pati na rin ang dance craze/LSS sa Nobody ng Wonder Girls. Pinipigilan ko na nga na hindi yan mapatugtog sa mp3 player ko kasi bigla namang kakanta itong bodyguard ko ng “Nobody Nobody but choo…” Kaya simula sa araw na ito, ang sinumang mag-humm o marinigan ng kantang ito ay ipapapuksa ko kaagad.

Ganyan din ang mga tauhan ko sa opisina

Tinutuligsa ko rin ang Con-Ass. Hindi dahil sa objective nito kung hindi dahil pinapabayaan na lang ng MTRCB ang pagbanggit nito. Kung sa mga radyo at TV nga hindi nababanggit ang salitang “ass” bakit hinahayaan nilang sabihin ito sa mga news programs? Ano ba ginagawa niyo MTRCB? Hindi ko hahayaan ang kapabayaan niyong ito. Isa pa, ang bantot ng ass para sa usaping political.

Sa pagbaba ko ng podium, hindi pa rin ako bababa ng aking pwesto. Hindi ako mapapahintulutan na may pumalit sa aking kagwapuhan, katakam-takam na malinamnam na katawan at kaasam-asam na inaabangang sex appeal.

Pinapalakpakan ko naman ang mga blogs ng Tunay na Lalake, Good Times Manila, Patay Gutom, BebiGerls, Anthology by Marocharim, Magnetic Rose, Maybe You Shouldn’t Buy That, TechnoMaria, Video Chops at PornFail.com* Tragic Sex sa pagiging influential nila. Lalo na ang Tunay na Lalake na nagpatunay sa pagkalalake ni Michael Dudikoff at sa  Good Times Manila sa pag-uulat sa nangyari kay Jobert Sucaldito. Pati rin ang PornFail, hindi man wholesome at usually nakakarimarim kung hindi man nakakatawa ang ipinapakita, nararapat ding maging influential coz I like it. Influential ang Tragic Sex in a way na imbes na malibugan ako sa pagbabasa ay matatawa na lang ako.

*Hindi ko mailagay ang link due to adsense policies

This portion is brought to you by Absolute Traders, My Brute Cheats, Business Summaries, Fitness Advantage Club, Events and Corporate Video, Events at Work, Dominguez Marketing Communications, Red Mobile, Budget hotel in Makati, Lucio C. Tan Group of Companies, and Blog4Reviews.com.

At sa mga nang-ookray sa akin dyan dahil sa ginawa kong pagsita ko sa idols nila… Sheryl-Romnick pa rin ako.

At sa pagtatapos nito, sabihin nating lahat… ALL HAIL BILLYCOY!

Be the first to like.
Jul 22, 2009

Late… Oh No!

Nitong mga nakaraang araw napapadalas ang late ko dito sa office. Hindi ko nga mawari kung bakit nagiging madalas itong tardiness ko. Kahit anong pagmamadali ko, talagang kung anong invisible na hadlang ang nagpapa-late sa akin.

Maling Akala

Last week, Monday, yung day na may transport strike. The night before pa lang talagang naka-mindset na sa akin na gigising at papasok ako ng maaga dahil ina-anticipate ko na nga yung strike. Natulog na nga rin ako ng maaga-aga para sa aking gwapo rest para glowing din ako sa pagpasok sa office.

Kinaumagahan. Aba! Nagising nga ako ng maaga. Nakapag-almusal na rin ako ng mabigat saka nakaligo. May oras pa nga ako para mag-breakdance sa saliw ng tugtuging “Boom Boom Pow”. Nakabihis na rin ako at ready na talagang mag-commute sa office. Laking gulat ko na lang nang idilat ko ang mata ko. Regal shockers!!! Panaginip lang pala ang lahat. Tapos, 8am  na at 8:30am ang aking pasok sa opisina. Talaga namang diretso kagad ako sa banyo para maligo. Kung tanggap lang sana sa opisina na pumasok ako na amoy lungad at nakapambahay lang, gagawin ko na talaga.

Tapos, ang ulan naki-jamming pa sa transport strike, tapos todo-effort pa sa buhos. Kilala pa man din ang workplace ko sa Makati na talagang binabaha kahit isang balde lang ang ibuhos ng langit. Kaya naman combo ng todo-todo ang tadhana para ma-late ako. Buti na lang, medyo pinalad ako na makasakay ako kagad ng jeep papuntang office. Or else, baka nag-cartwheel ako papasok ng office at super late na.

Anak ng Gulay

Hetong nagdaang Monday lang, nagising ako ng maaga at hindi na panaginip yun. Nakapag-almusal na rin ng masarap na chicken noodles with egg. Nagmadali na rin akong maligo at sa mga morning rituals ko – hands solo not included. Tama lang ang oras ng pag-alis ko sa bahay para di ako ma-late sa office.

Sumakay na ako sa jeep at ipinasak ko na earphones ng aking MP3 player sa aking tengang sexy. Kampante na akong makakapasok ng maaga for the first time after a month. Bigla ba namang huminto sa may kanto namin ang jeep na sinasakyan. “Oh syet! But why?” May parada ng mga preschoolers para sa Araw ng Gulay yata yun. Akala ko nga mga dalawa o tatlong sets lang ng preschoolers ang pumarada sa harap namin. Walo hanggang sampung sets na may tig-50 na pupils ang dumaan. Anak ng tinapang pinahiran ng mantikilyang kinalburong binakol! Minsan na nga lang ako pumasok ng maaga ganito pa ang nangyari.

Talagang malapit na akong mawalan ng pasensya. Gusto kong ipasak sa lalamunan ng mga bata yung mga gulay na suot-suot nila. Tapos, hahanapin ko kung sinuman ang lintek na organizer na nakaisip na magkaroon ng parade during rush hour at ipulupot sa leeg niya ang chord ng aking earphone hanggang sa mabulunan siya sa baho ng hininga niya. Buti na lang nakapagpigil ako. Naisip ko kasi baka lalo akong ma-late kapag ginawa ko iyon saka mahal nga pala ang earphone ko.

Hindi naman siguro ako ganyan maglakad papuntang work para ma-late

I swear, ginagawa ko na lahat ng makakaya ko para makapasok ng maaga. Tinawagan ko na ang mga santo sa pagpasok ng maaga at nag-e-eggroll na ako papunta sa kama para di na ako ma-late. Kailangan ko pa yatang lumamon ng apoy saka isuko ang aking virginity para di na ako ma-late, ever.

Be the first to like.
Jul 13, 2009

You are genius if…

Maraming genius sa mundo. Yung iba mine-measure nila ang kanilang pagka-genius gamit ng mga IQ tests at iba pang paraan. Iba gifted lang talaga since birth.

You’re a genius if…

Kaya mong gumawa ng gumagalaw na gigantic CGI Transformers robot gamit ang computer na Pentium 4, may 256 MB RAM, shared memory 32 MB video card, at wheel mouse sa MS Paint.

You’re a genius if…

Sa basketball, kaya mong mag-shoot gamit ang turnaround fade-away dunk.

You’re  a genius if…

Magagawa mong magnenok ng one whole illustration board sa National Bookstore ng walang tupi ito.

You’re a genius if…

Mas kabisado mo pa ang KamaSutra kaysa sa flags of the world.

You’re a genius if…

Kung engineer/architect ka sinadya mong huwag lagyan ng elevator at stairs ang itinatayo mong skyscraper at gawing pang-wall climb na lang ang pader para makatulong sa mga overweight na nilalang.

… At nagwo-wall climb ka rin bago matulog.

You’re a genius if…

Susugod ka sa malakas na ulan ng walang payong o kapote na hindi nababasa.

You’re a genius if…

Magagawan mo ng paraan para magkatuluyan kami ni Megan Fox at magkaroon kami ng cute na baby.

You’re a genius if…

Papanoorin mo itong TVC ng Shuriken Bar.

You’re  a genius if…

Magkaka-orgasm ka without sex or hands solo habang nakatitig sa hubad na larawan ni Madam Auring.

Be the first to like.
Pages:12»

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines