Nitong mga nakaraang araw napapadalas ang late ko dito sa office. Hindi ko nga mawari kung bakit nagiging madalas itong tardiness ko. Kahit anong pagmamadali ko, talagang kung anong invisible na hadlang ang nagpapa-late sa akin.

Maling Akala
Last week, Monday, yung day na may transport strike. The night before pa lang talagang naka-mindset na sa akin na gigising at papasok ako ng maaga dahil ina-anticipate ko na nga yung strike. Natulog na nga rin ako ng maaga-aga para sa aking gwapo rest para glowing din ako sa pagpasok sa office.
Kinaumagahan. Aba! Nagising nga ako ng maaga. Nakapag-almusal na rin ako ng mabigat saka nakaligo. May oras pa nga ako para mag-breakdance sa saliw ng tugtuging “Boom Boom Pow”. Nakabihis na rin ako at ready na talagang mag-commute sa office. Laking gulat ko na lang nang idilat ko ang mata ko. Regal shockers!!! Panaginip lang pala ang lahat. Tapos, 8am na at 8:30am ang aking pasok sa opisina. Talaga namang diretso kagad ako sa banyo para maligo. Kung tanggap lang sana sa opisina na pumasok ako na amoy lungad at nakapambahay lang, gagawin ko na talaga.
Tapos, ang ulan naki-jamming pa sa transport strike, tapos todo-effort pa sa buhos. Kilala pa man din ang workplace ko sa Makati na talagang binabaha kahit isang balde lang ang ibuhos ng langit. Kaya naman combo ng todo-todo ang tadhana para ma-late ako. Buti na lang, medyo pinalad ako na makasakay ako kagad ng jeep papuntang office. Or else, baka nag-cartwheel ako papasok ng office at super late na.
Anak ng Gulay
Hetong nagdaang Monday lang, nagising ako ng maaga at hindi na panaginip yun. Nakapag-almusal na rin ng masarap na chicken noodles with egg. Nagmadali na rin akong maligo at sa mga morning rituals ko – hands solo not included. Tama lang ang oras ng pag-alis ko sa bahay para di ako ma-late sa office.
Sumakay na ako sa jeep at ipinasak ko na earphones ng aking MP3 player sa aking tengang sexy. Kampante na akong makakapasok ng maaga for the first time after a month. Bigla ba namang huminto sa may kanto namin ang jeep na sinasakyan. “Oh syet! But why?” May parada ng mga preschoolers para sa Araw ng Gulay yata yun. Akala ko nga mga dalawa o tatlong sets lang ng preschoolers ang pumarada sa harap namin. Walo hanggang sampung sets na may tig-50 na pupils ang dumaan. Anak ng tinapang pinahiran ng mantikilyang kinalburong binakol! Minsan na nga lang ako pumasok ng maaga ganito pa ang nangyari.
Talagang malapit na akong mawalan ng pasensya. Gusto kong ipasak sa lalamunan ng mga bata yung mga gulay na suot-suot nila. Tapos, hahanapin ko kung sinuman ang lintek na organizer na nakaisip na magkaroon ng parade during rush hour at ipulupot sa leeg niya ang chord ng aking earphone hanggang sa mabulunan siya sa baho ng hininga niya. Buti na lang nakapagpigil ako. Naisip ko kasi baka lalo akong ma-late kapag ginawa ko iyon saka mahal nga pala ang earphone ko.
Hindi naman siguro ako ganyan maglakad papuntang work para ma-late
I swear, ginagawa ko na lahat ng makakaya ko para makapasok ng maaga. Tinawagan ko na ang mga santo sa pagpasok ng maaga at nag-e-eggroll na ako papunta sa kama para di na ako ma-late. Kailangan ko pa yatang lumamon ng apoy saka isuko ang aking virginity para di na ako ma-late, ever.
July 22, 2009
Like








May 8 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
No matter how I try, I… can't… blame… that… cat.
Reply
then blame zac efron. lol!
Reply
Blame it on the binakol!
Reply
blame it on the ja… mihihihi
Reply
JaLOL?
Reply
Maaga ako umalis kanina papuntang school. Buti nalang walang Araw ng Gulay parade. LOL.
Reply
kaka-jaLOL mo lang siguro. LMAO
Reply
good for you. 'pag inabutan mo ang araw ng gulay parade, isusumpa mo yan. i swear.
Reply