Jul 30, 2009

SONB 2009: State of the Nation ni Billycoy

Bago tayo magsimula, nais ko muna sanang humingi ng ilang saglit na katahimikan dahil uutot po ako.

Maraming nangyari nitong nagdaang taon. Bukod sa recession sa iba’t ibang panig ng mundo, bumagsak ang kasikatan ni Marian Rivera dahil sa huling telenovela niya. Nagkaroon din ng bugbugan sina Chris Brown at Rihanna na ikinawindang ng mundo, ng aking bansa at pati ng inyong lingkod.

Lumaganap din ang sakit sa karamihan ng bansa. Hindi lang swine flu ang kumalat, pati na rin ang dance craze/LSS sa Nobody ng Wonder Girls. Pinipigilan ko na nga na hindi yan mapatugtog sa mp3 player ko kasi bigla namang kakanta itong bodyguard ko ng “Nobody Nobody but choo…” Kaya simula sa araw na ito, ang sinumang mag-humm o marinigan ng kantang ito ay ipapapuksa ko kaagad.

Ganyan din ang mga tauhan ko sa opisina

Tinutuligsa ko rin ang Con-Ass. Hindi dahil sa objective nito kung hindi dahil pinapabayaan na lang ng MTRCB ang pagbanggit nito. Kung sa mga radyo at TV nga hindi nababanggit ang salitang “ass” bakit hinahayaan nilang sabihin ito sa mga news programs? Ano ba ginagawa niyo MTRCB? Hindi ko hahayaan ang kapabayaan niyong ito. Isa pa, ang bantot ng ass para sa usaping political.

Sa pagbaba ko ng podium, hindi pa rin ako bababa ng aking pwesto. Hindi ako mapapahintulutan na may pumalit sa aking kagwapuhan, katakam-takam na malinamnam na katawan at kaasam-asam na inaabangang sex appeal.

Pinapalakpakan ko naman ang mga blogs ng Tunay na Lalake, Good Times Manila, Patay Gutom, BebiGerls, Anthology by Marocharim, Magnetic Rose, Maybe You Shouldn’t Buy That, TechnoMaria, Video Chops at PornFail.com* Tragic Sex sa pagiging influential nila. Lalo na ang Tunay na Lalake na nagpatunay sa pagkalalake ni Michael Dudikoff at sa  Good Times Manila sa pag-uulat sa nangyari kay Jobert Sucaldito. Pati rin ang PornFail, hindi man wholesome at usually nakakarimarim kung hindi man nakakatawa ang ipinapakita, nararapat ding maging influential coz I like it. Influential ang Tragic Sex in a way na imbes na malibugan ako sa pagbabasa ay matatawa na lang ako.

*Hindi ko mailagay ang link due to adsense policies

This portion is brought to you by Absolute Traders, My Brute Cheats, Business Summaries, Fitness Advantage Club, Events and Corporate Video, Events at Work, Dominguez Marketing Communications, Red Mobile, Budget hotel in Makati, Lucio C. Tan Group of Companies, and Blog4Reviews.com.

At sa mga nang-ookray sa akin dyan dahil sa ginawa kong pagsita ko sa idols nila… Sheryl-Romnick pa rin ako.

At sa pagtatapos nito, sabihin nating lahat… ALL HAIL BILLYCOY!

Be the first to like.

6 Comments

  • mabuhay ka billycoy! maraming salamat sa pag palakpak sa patay gutom! :D weeeeeee!

    Reply

  • Mabuhay! maraming salamat sa pag palakpak sa mga patay gutom! :D

    Reply

  • ay twice na pala ako nag comment.. weird. hehe :D

    Reply

  • Hi BillyCoy. You need to cite ten blogs in order for it to be counted. For raffle inclusion, kindly update as well the list of sponsors.

    Please advise when you update your post on or before August 3. Thank you.

    Reply

  • Heto thrice na. LOL

    Reply

  • updated na! :D

    Reply

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines