Browsing articles from "August, 2009"
Aug 31, 2009

‘Coz I Got High

Grabe pare. I’m so in heaven right now. The langit is so clear of usok and I can only see the tweety birds flying in the sky. I met na nga Mang Pedro and his cock, you know. The manok to make laban sa mga sabong. He buga-buga pa nga the usok to the manok para suwerte nga daw.

Heaven talaga pare. I can make ikot ikot like tsubibo coz I feel so gaan gaan today. I can see my feet floating in the air nga pare. Cool di ba? I can see the other planets na nga and constellation of stars. Pare you want me to uwi some dust from Mars ba, or pasalubungan na lang kita ng twinkle twinkle stars pare?

Pare this is so saya. Wala ako ma-feel na problema. I can’t feel pain nga rin pare. Everything is like umiikot pero not nakakahilo. Ako lang ang nakakahilo pare. Like, you know, di ko gets mga talk ko dito pare. Gets mo ba me? Well, ako hindi rin pare. I’m so high na pare. Heaven ‘to. Rock on!!!

Ano ba nangyayari sa akin pare? Adik na yata me. Or matindi lang talaga tama nito sa akin pare. Like you know, parang najombag ako ni Manny Pacquiao mentally. Parang psychic punch na hilo ako pero I make bangon pa rin. Tindi tama ko pare, parang in love pero hindi. Hindi ito serotonin pare eh. Ibang klaseng tama ito pare.

Ganito pala effect ng gamot sa sipon pare. Kaka-high. Kakaantot… este kakaantok. Pero I make laban the antok lang pare kasi hindi pa bedtime. Kaya heto me pare, sabog.

Be the first to like.
Aug 20, 2009

Meet Rihanna

Kung bakit Rihanna? Huwag niyo ng tanungin baka tawagin niyo pa akong racist.

Iyan ang aking bagong darling na si Rihanna, HP Mini 110. Hindi ko siya binili. Hindi rin siya hulog ng langit. Kung hulog man ng langit yan malamang nawasak na siya dahil sa tindi ng impact ng pagbagsak sa lupa. Si Rihanna ay ang aking namuong imahinasyon, pagnanasa at mga molecules na nagsama-sama at nabuong netbook sa aking harapan… Pero, ang totoo nyan, napanalunan ko si Rihanna sa raffle ng fastest growing number 3 TV network, ang TV5.

Siguro alam mo naman kung paano nagsimula ang week ko. Kasumpa-sumpa ang mga araw ko, kulang na nga lang maghubad ako ng damit, tumuntong sa aking desk at sumayaw sa saliw ng Careless Whisper dito sa office dahil sa galit ko sa mga umaga ko. Nagbago ang lahat nu’ng na-invite ako ni Myk sa launching ng late night shows nila sa Mag:Net High Street.

Wala akong swerte sa mga raffles sa totoo lang. Kung manalo man ako, usually mga payong lang, mugs at isang kahon ng mabibigat na ceramic plates na kailangan ko pang iuwi sa bahay. Minor prizes lang. Kahit nga sa lotto at mga sugal, hindi ako nananalo – baka dahil sinusumpa ko ang mga numbers. Anything na game of chance, walang nangyayari sa akin. Hanggang nitong Tuesday night.

Nang sinabi sa akin ni Myk na kasama sa raffle prize ang HP Mini 110, nagsimula na akong pagnasaan ito sa aking isipan. Ni-rape ko na sa aking imahinasyon ang HP Mini at pinaglawayan ko na ng husto habang nasa program proper at tinatawag na isa-isa ang mga winners ng ibang raffle prizes. Bagamat pinagsasamantalahan ko na siya sa aking isipan, sa other side naman ng aking utak na nasa aking bayag, alam kong hindi ko iyon mapapanalunan. Hanggang sa matawag ang aking pangalan.

Hindi ko malaman ang aking reaction. Gusto kong mag-eggroll papunta sa stage para kunin ang aking premyo. Gusto ko ring magpakawala ng mga luha at paypayan ng kamay ang aking mata na parang nanalo sa patimpalak ng Binibining Bagoong. Gusto ko ring baligtarin ang mga lamesa ng Mag:Net habang sinasambit paulit-ulit “SO WHO’S THE MAN NOW?!” with an angas gesture. Hindi ko yan nagawa, sa halip ngumiti na lang ako. Yung ngiti na pumapalupot sa aking mukha sa labis na kaligayahan. Ngiti ng isang lalaki na nakaranas ng first time sex.

Lubos akong nagpapasalamat sa TV5 sa HP Mini 110 ko ngayon na pinangalanan kong Rihanna. Hindi man lahat ng Pinoy mabibigyan nila ng HP Mini o ng Teppanyaki griller, kaya naman nila kayong bigyan ng bagong kasiyahan kahit umabot pa ng hatinggabi. I-shake niyo na ang TV niyo sa bagong Late Night TV habits.

Panoorin ang UrbanTribe, How ‘Bout My Place, Promdi Chef, Stoplight TV, MOG TV, Insomnia at Jojo A. All the Way.

Ayos ba ang segue?

——-

Hindi pa ako tapos.

After ng event, sumakay na ako ng taxi para umuwi at kalikutin ko na si Rihanna. Hindi pa man din kami nakakalayo, napansin ko ang isang motor na papunta sa aming direksyon. Hindi siya tumitigil hanggang sa… BLAM! Bumangga na siya sa pintuan ng kinauupuan ko sa taxi. Nagflashback na nga ang buhay ko. Hindi naman nabasag ang salamin at minor damage lang naman sa taxi. Pero napansin ko yung biker, hilahod at walang malay sa kalsada. May droplets pa ng dugo akong nakita na mala-regla. “Buhay pa ba si kuya?”, “Ok lang ba siya?”, “Hihingi ba ako ng saklolo?”, “Magdi-dinner pa ba ulit ako sa bahay?”, “Anong sked ng HBO tonight?” yan ang mga nasa isip ko habang sinisilip ko sa bintana na nakahandusay sa kalsada ang biker. Maya-maya nagising na yung nagmo-motor kaya gumulong akong umeskapo nang may ibang taxi na dumaan. Hindi ko na alam kung anong nangyari pa sa kanila kasi excited na akong kalikutin si Rihanna.

I’ve learned my lesson. Hindi pala sumasabog ang sasakyan kapag nabangga ng motor.

Be the first to like.
Aug 17, 2009

It’s Not a Good Morning

Ang simula ng araw ko ngayon ay hindi maganda. Walang mga maya birds na nag-aawitan at nagsasayawan ng hiphop sa aking mga bintana. Wala ring araw na nakangiti para bumati ng good morning sa akin. At kung meron man akong makitang araw na may mga labi at nakangiti, mas malamang na mag-freakout ako kaysa matuwa.

May naka-ready naman na breakfast paggising ko, may brewed coffee na rin na hindi na mainit, at nag-take naman ako ng vitamins. Ok naman ang pagligo kahit walang “extra-curricular” activities bukod sa pag-jebs ng tubol. Graba nga yata ang inilabas ko kaninang umaga dahil nahirapan akong umire. Kulang yata ang katawan ko ng non-soluble fiber para naman maging lubricated ang paglabas ng jerbaks ko.

Hindi man ako nagiging green kapag galit, pero nagiging green naman ang jebs ko minsan.

Hindi man ako nagiging green kapag galit, pero nagiging green naman ang jebs ko minsan

… na parang laing.

Nag-facial scrub pa nga ako para maging glowing ang gwapo skin ko today. Hindi rin naman natabasan ang baba ko dahil sa pagshe-shave. All is doing well, except nu’ng matapos na ako sa banyo. Bago pa man din ako lumabas, heto na ang dakilang uhog at dumudungaw na sa butas ng aking ilong at naghe-hello na sa marami. Hindi pa naman siya tuluyang bumagsak, pero nararamdaman ko na ang presence niya.

Hindi pa dyan nagtatapos ang kalunus-lunos na kwento ng aking Monday morning.

Putek na mga preschool, may parada na naman sa street namin! Kaya natagalan ako bago ako makasakay ng jeep. Nitong pasakay na ako ng jeep, sumabit naman ang kapirasong tela ng aking polo at napunit ito. Buti na nga lang, di masyadong obvious at dinikitan ko na lang ng double-adhesive tape sa office.

Nagmadali na akong pumasok pero late pa rin. Maya’t maya pa, umarangkada na ng todo-todo ang dakilang ilong ko. Mega-bahing ako. Halos ibahing ko na ang kaluluwa ko dito sa office, bagamat wala ang aking spiritual tampons, meron naman akong spiritual tissue para hindi lumabas ang kaluluwa ko. Lagyan lang ng bala o bulitas (yung bearings, hindi yung sa patutuy) ang ilong ko, pwede na itong gawing baril. Bala at uhog? Deadly combination! Pasakan lang ng rockets ang ilong ko, kaya ko ng i-launch yun sa pagbahing ko. Mutant nga siguro ako, at heto ang powers ko.

Ngayon, sabihin niyong maganda ang morning ko.

Teka, magbabasag lang muna ako ng plato sa pantry ha.

————–

8/18/19

Tapos, ngayon naman. Hindi na nga ako nag-almusal at nag-coffee na lang dear ako para makapasok ng maaga. Paglabas ko ng bahay para sumakay ng jeep, maluwag pa ang kalsada. Pagdating ng jeep sa may plaza, hayan na ang traffic. Sinapian na ako ng topak at medyo nagsimula ng maghurumentado. Naka-tatlong kanta na sa MP3 pero nandun pa rin kami sa kanto. 50 steps lang ng langgam ang usad ng mga jeep na nakahilera. Maya’t maya, nakalagpas ng kanto. Regal shockers! Sa plaza lang namin ang traffic at paglagpas dun maluwag na. Mula EDSA hanggang sa office, walang problema sa traffic.

Talaga namang naramdaman kong bumubulwak na sa ulo ko ang dugo ko. Gusto kong tuhugin ang ulo ng driver sa kambyo at gilitan ang leeg ng mga pasahero gamit ng mga piso na pamasahe nila. Nanggagalaiti na talaga ako sa inis kanina.

Medyo cool na ako ngayon. Humupa na ang ngitngit ko. Teka, kukunin ko lang ang shotgun ko sa fridge at babarilin ko lahat ng mga nasa lobby.

Hindi naman ako bayolenteng tao di ba?

Be the first to like.
Pages:12»

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines