post Category: Eyspeysyal Post — Billycoy @ 8:43 pm — post Comments (8)

Kung bakit Rihanna? Huwag niyo ng tanungin baka tawagin niyo pa akong racist.

Iyan ang aking bagong darling na si Rihanna, HP Mini 110. Hindi ko siya binili. Hindi rin siya hulog ng langit. Kung hulog man ng langit yan malamang nawasak na siya dahil sa tindi ng impact ng pagbagsak sa lupa. Si Rihanna ay ang aking namuong imahinasyon, pagnanasa at mga molecules na nagsama-sama at nabuong netbook sa aking harapan… Pero, ang totoo nyan, napanalunan ko si Rihanna sa raffle ng fastest growing number 3 TV network, ang TV5.

Siguro alam mo naman kung paano nagsimula ang week ko. Kasumpa-sumpa ang mga araw ko, kulang na nga lang maghubad ako ng damit, tumuntong sa aking desk at sumayaw sa saliw ng Careless Whisper dito sa office dahil sa galit ko sa mga umaga ko. Nagbago ang lahat nu’ng na-invite ako ni Myk sa launching ng late night shows nila sa Mag:Net High Street.

Wala akong swerte sa mga raffles sa totoo lang. Kung manalo man ako, usually mga payong lang, mugs at isang kahon ng mabibigat na ceramic plates na kailangan ko pang iuwi sa bahay. Minor prizes lang. Kahit nga sa lotto at mga sugal, hindi ako nananalo – baka dahil sinusumpa ko ang mga numbers. Anything na game of chance, walang nangyayari sa akin. Hanggang nitong Tuesday night.

Nang sinabi sa akin ni Myk na kasama sa raffle prize ang HP Mini 110, nagsimula na akong pagnasaan ito sa aking isipan. Ni-rape ko na sa aking imahinasyon ang HP Mini at pinaglawayan ko na ng husto habang nasa program proper at tinatawag na isa-isa ang mga winners ng ibang raffle prizes. Bagamat pinagsasamantalahan ko na siya sa aking isipan, sa other side naman ng aking utak na nasa aking bayag, alam kong hindi ko iyon mapapanalunan. Hanggang sa matawag ang aking pangalan.

Hindi ko malaman ang aking reaction. Gusto kong mag-eggroll papunta sa stage para kunin ang aking premyo. Gusto ko ring magpakawala ng mga luha at paypayan ng kamay ang aking mata na parang nanalo sa patimpalak ng Binibining Bagoong. Gusto ko ring baligtarin ang mga lamesa ng Mag:Net habang sinasambit paulit-ulit “SO WHO’S THE MAN NOW?!” with an angas gesture. Hindi ko yan nagawa, sa halip ngumiti na lang ako. Yung ngiti na pumapalupot sa aking mukha sa labis na kaligayahan. Ngiti ng isang lalaki na nakaranas ng first time sex.

Lubos akong nagpapasalamat sa TV5 sa HP Mini 110 ko ngayon na pinangalanan kong Rihanna. Hindi man lahat ng Pinoy mabibigyan nila ng HP Mini o ng Teppanyaki griller, kaya naman nila kayong bigyan ng bagong kasiyahan kahit umabot pa ng hatinggabi. I-shake niyo na ang TV niyo sa bagong Late Night TV habits.

Panoorin ang UrbanTribe, How ‘Bout My Place, Promdi Chef, Stoplight TV, MOG TV, Insomnia at Jojo A. All the Way.

Ayos ba ang segue?

——-

Hindi pa ako tapos.

After ng event, sumakay na ako ng taxi para umuwi at kalikutin ko na si Rihanna. Hindi pa man din kami nakakalayo, napansin ko ang isang motor na papunta sa aming direksyon. Hindi siya tumitigil hanggang sa… BLAM! Bumangga na siya sa pintuan ng kinauupuan ko sa taxi. Nagflashback na nga ang buhay ko. Hindi naman nabasag ang salamin at minor damage lang naman sa taxi. Pero napansin ko yung biker, hilahod at walang malay sa kalsada. May droplets pa ng dugo akong nakita na mala-regla. “Buhay pa ba si kuya?”, “Ok lang ba siya?”, “Hihingi ba ako ng saklolo?”, “Magdi-dinner pa ba ulit ako sa bahay?”, “Anong sked ng HBO tonight?” yan ang mga nasa isip ko habang sinisilip ko sa bintana na nakahandusay sa kalsada ang biker. Maya-maya nagising na yung nagmo-motor kaya gumulong akong umeskapo nang may ibang taxi na dumaan. Hindi ko na alam kung anong nangyari pa sa kanila kasi excited na akong kalikutin si Rihanna.

I’ve learned my lesson. Hindi pala sumasabog ang sasakyan kapag nabangga ng motor.

May 8 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!

#1

Ohai Rihanna! Ang ganda ng wallpaper mo. May ispandsbab!

Reply

Meryl wrote on August 20, 2009 - 7:53 am
#2

syempre, kailangang bungga si rihanna ko.

Reply

billycoy wrote on August 20, 2009 - 8:03 am
#3

Damn dude! Ang swerte moooo! =D

Congrats kay Rihanna. Ano na nga kaya ang nangyari dun sa mamang nakamotor? Takaw disgrasya kasi talaga ang pagmomotor eh

Reply

mnel wrote on August 20, 2009 - 8:03 am
#4

mukhang di pa naman siya kinuha ni lord. malamang may pilay at pinagninilay-nilayan niya ang damages ng motor niya.

Reply

billycoy wrote on August 20, 2009 - 8:33 am
#5

Congratulations sa bago mong toy! Heller Rihanna!

Buti na lang di ka napano. Love ka talaga ni Lord.

Reply

Micamyx wrote on August 20, 2009 - 2:22 pm
#6

love naman tayong lahat ni Lord.
teka, lumiliyab na yata ako.

Reply

billycoy wrote on August 20, 2009 - 11:32 pm
#7

IKAW NA!

Akala ko ba parehas tayong nangangarap ng Macbook. Ano ba. C'mon.

Reply

utakgago wrote on September 5, 2009 - 11:33 pm
#8

Aba. Eh heto ang napanalunan ko eh. :P

Reply

billycoy wrote on September 6, 2009 - 7:16 am
Sige na, Mag-comment ka na, o i-trackback mo na. Huwag ng mahiya!

Write Your Comment

You should have a name, right? 
Your email address, I promised I won't tell it to anyone. 
If you have a web site or blog, you can type the URL right here. 
Dito ka magsusulat ng kagaguhan. 
Tandaan mo ako.