Kung meron mang isang bagay na isinusumpa ko sa lahat, iyon ay ang mga numbers. Hindi naman ako bobo sa math, at lalong hindi naman ako ganun kahusay. Average lang ako sa math. Ayoko lang talaga sa mga mathematical equations at mga codes. Kumakalat lang naman kasi ang utak ko sa paligid at nahihirapan ang mga naglilinis.
Deadlines
Sino ba namang hindi nai-stress sa deadlines. Basta lapatan na ng date and time ang isang project, talaga namang nararamdaman kong tumataas ang cortisol levels ko. Heto nga’t tambak at sunud-sunod ang mga deadlines ko. Nasa-suffocate na nga ako sa dami ng workload ko. Wala naman akong magagawa kundi gumulong sa sahig, magngangawa at mag-worm dance. So far, di ko pa nata-try maglaslas ng pulso kasi wala pa akong sideswept bangs.
No Watch
Hindi ako nagsusuot ng relos. Time-conscious kasi ako, lalo na kung may appointment. Parang bulateng nabudburan ng asin ang puwet ko dahil hindi na ako mapakale. Kung pwede nga lang latigohin ang mga drivers ng jeep/taxi at tabasin ang mga traffic lights para mapabilis ang biyahe ko. Pwede rin naman akong mag-teleport para makapunta ng mabilis sa paroroonan ko, kaso it takes 2 hours para mag-concentrate bago ako mag-teleport. Isa pa, parati akong late (though, in minutes lang naman) at ayaw kong ipagdikdikan ng relos ko ang bagay na iyon.
Fare/Chip In
Hindi talaga makayanan ng brainwaves ko ang pagbibilang ng pamasahe ng grupo at ang pagkwenta ng ambag para sa bill ng pagkain. Nararamdaman kong nalulusaw ang utak ko at tumatagas ito sa mga butas ng ilong ko kapag nagkukwenta ako. Mabuti na nga lang wala na ang mga 50 centavos sa mga pamasahe dahil medyo nabawasan ang efforts ng utak ko.
Budgeting
Sino nga ba namang hindi naha-haggard sa pagba-budget? Pero para sa akin, ang pagba-budget ang least stressful sa akin. Basta kapag pera ko, at pagkukuripot dun ako magaling. Nai-stress lang naman ako kapag merong pwedeng pagkagastusan at kulang na ang budget ko. Kaya naman dinadaan ko na lang sa panonood ng porn at pag-uulam ng kulangot kapag kinukulang ako sa budget.
Gambling/Card Games
Isa sa dahilan kung bakit ayaw kong magsugal ay ang math. Involved kasi ang math sa mga card games gaya ng po-po-po-poker, baccarat at black jack. Pwedeng sumabog ang utak ko at magkalat ng neurons sa casino kung magsusugal ako at malamang pati virginity ko ay maitaya ko na rin dahil malamang na talo ako. Hindi kaya ng powers ko ang computation; Queen + Ace, Jack + 9, at kung anu-ano pa. Jack + All lang ang kaya kong unawain.
Stress talaga ang equivalent sa akin kapag may numbers involved. Kaya ko namang mag-calculate, tamad lang talaga akong i-comprehend ang mga figures. Nakaka-haggard! But as I say…
HAGGARD IS HOT!
—————-
Congratulations sa 2009 Top 10 Emerging Influential Bloggers na pinarangalan kagabi (August 8, 2009) sa Casino Filipino.
- Writing to Exhale
- Patay Gutom
- The Struggling Blogger
- Zorlone
- Father Blogger dot Com
- Kelvinonian Ideas 2.0
- Tales from the Mom Side
- Adaphobic
- Lakwatsero
- Let’s Go Sago!
Salamat din sa PAGCOR at kay Tita Janette dahil nanalo ako ng haciendero thumbdrive sa raffle na kinaaliwan ko ng todo. Too bad, wala yung file ng deed of sale ng hacienda na ikakaloob sa akin ng PAGCOR sa thumbdrive. Ngayon, kailangan kong bumili ng ranchero wardrobe para i-terno sa aking haciendero thumbdrive.

August 9, 2009
Like








May 7 comment(s). Mahal niyo talaga ako!!!
So kumusta naman yung hacienda mo? hahaha!
Salamat nga pala sa pagtitiis sa kin nung sabado! wooot!
Reply
Hayun, nasa flashdrive at facebook ko. LOL
Reply
wow congrats sa thumb drive.
hiram ka na lang ng kabayo kay Mikee. lol.
Reply
haha… nakaka-stress nga ang mga numero..
Lalo na ang deadlines… Amf ang deadlines…
Reply
Sige, i-text ko siya mamaya.
Reply
[...] Stress by Numb3rs [...]
[...] Stress by Numb3rs [...]