Damn You Ondoy
Nakakatakot itong nagdaang bagyo na si Ondoy. Dating bahain ang lugar namin, pero hindi umabot sa ganito kataas ang tubig sa lugar namin. Waist-deep ang baha sa loob ng bahay tapos sa labas naman chest-high at rumaragasa pa ang tubig. Parang rapids, kulang na lang yata ang mag-canoe ako sa baha. Kaya naman traumatized na ako sa ulan. Pati talsik ng laway ng kausap ko akala ko ulan na.
Isa ako sa nagkaroon ng superpowers that day. Ang bilis kong naakyat ang mga gamit namin sa 2nd floor at nabuhat namin ang mabibigat na gamit na hindi walang kahirap-hirap. Pero kahit naiakyat na namin ang mga gamit namin, nandun pa rin ang pangamba ko dahil rumaragasa pa rin ang tubig sa labas ng bahay namin at patuloy pa ring tumataas.

Hindi yan ilog, tapat ng bahay namin yan. Shot from 2nd floor.
Tinawagan ko na lahat ng santo; ang Sto. Niño, Sta. Barbara, Sta. Ana, Sta. Mesa, Sta. Claus. Lahat ng diyos dinasalan ko na rin para lang patigilin ang baha: ang Diyos Ama, si Allah, si Zeus, ang Dakilang Juday. Lahat tinawagan ko na, kaso parang pati kaluluwa ko inaanod na ng baha. Pati sina Darna, Superman, Captain Barbell, ZsaZsa Zaturnah at iba pang superheroes hiningan ko na rin ng tulong kaso wala pa rin.
Tapos, hindi ko pa magamit ang banyo ng bahay. Taeng-tae at ihing-ihi na ako, yun nga lang, may kakaibang mahiwagang halimaw sa loob ng inidoro namin. Kaya hindi ko magawang mairaos ang tawag ng kalikasan dahil baka biglang kagatin ng halimaw na ‘to ang aking patotoy. Ayoko, marami pa akong pangarap sa buhay.
Sunday ng 5am na bumaba ang baha. Kaya ngayon, super effort sa paglilinis kami ng bahay. Magpapalit na rin kami ng ilang furnitures na nasira ng baha. Baka bumili na rin ako ng canoe, just in case. Kaya kung meron mang kayong nais maitulong sa amin, okay lang na mag-donate kayo sa amin ng salonpas at omega painkiller. Samahan niyo na rin ng masseuse para mabawasan ng konti ang stress namin.
Huwag kayong mag-alala masyado sa akin. Hindi pa naman ako multo na nagba-blog dito. Buhay na buhay at mahalay pa rin ako. Kung meron mang dapat kayong alalahanin, yun ay ang mga taong nabiktima ng husto ng delubyong ito at mahihirapang makabangon ulit. Tulungan po natin sila.
Kasalukuyang tine-text ko si Pepeng na kung pwede wag na muna siyang dumaan sa bansa natin. Medyo mahina ang signal kaya siguro di pa siya nagrereply. Sana lang makarating sa kanya ang mensahe ko.
Ang iiwanan ko lang na tanong, tumangkad na ba si GMA?
Hey Mate!
Umamin na tayo. Ang gwapo ko, di ba?
Totoo yun. Meron pa tayong dapat pang aminin. Tumangkilik na tayo ng pirated/downloaded music, videos or games some part of our life. Iba nga sa atin, malamang ito lang ang paraan para makapanood ng movies or makapakinig ng music.
Bakit nga ba bumibili or nagda-download sa internet ng pirated media?
- Hindi ito original — obvious ba?
- Masarap ang bawal
- Mura, tipid at swak sa budget
- Dito lang nabibili o nakikita ang mga hard-to-find media, gaya ng pelikulang Let The Right One In
- Hindi delayed ng sobra — parang yung Up. Nasa DVD/Blu-ray na ito ng August sa US pero sa atin sa sinehan pa lang.
- Nauuna pa sa mga sinehan
- Pwedeng piliin ang kantang gusto at hindi na kailangan na buong album pa
- Para kahit pangit ang pelikula hindi pagsisisihan
- Pwede na ring pagtiyagaan kung maganda naman ang kopya at may magandang sound system naman
- Isang beses lang naman papanoorin
- Hindi na degraded ang quality ng mga kopya unlike noong magnetic film days na bawat kopya pumapangit
- Hindi lahat ng asianovelas or TV series sa US pinapalabas dito
- Sa pirated/download lang ang access ng porn sa ‘Pinas
- Malibog tayong tao at kailangan natin ng maraming porn titles
- Dakilang fan at umaasang sa mga raid sa mga tindahan ng pirated makikita si Edu Manzano ng malapitan
Pero, bakit naman hindi bumibili or nagda-download ng pirated media?
- Hindi ito original — obvious ba?
- Bawal ito
- Mura nga, pero kadalasan naiisahan ng mga tindera lalo kung hindi pa sa suki
- Maarte at gusto lahat ng bagay original
- Sa pelikula, kapag wrong timing, madalas na kopya galing sa sine na may mga shadow ng mga kakaibang nilalang ang biglang susulpot sa screen at magtatawanan bigla sa background.
- Sa tagal ng pagkahintay-hintay sa pag-download later on lang na ma-re-realize na sinecopy pala ito
- Computer virus pala ang na-download
- Hindi ito nagpe-play dahil may lahing maharlika ang player
- Tumatalon-talon ang mga eksena kahit hindi naman binudburan ng asin ang disc
- Pumutok na ang dapat pumutok at sumabog na ang dapat sumabog pero ang pagsambit ng “Ahhh!” ay sobrang huli na
- Kamukha lang ng mga showbiz personalities ang mga nasa scandals
- Mas nakakatawa pa ang mga subtitles kaysa sa mismong palabas
- Ibang artista sa cover at laman ng porn
- Hindi na masosoli ang binili dahil ang pinagbilhan lumipat na ng stall
- Mas malamang na mahuli ng OMB dahil hindi naman sa lahat ng raid kasama si Edu
So ano, aamin ka na ba…
Na nag-uumapaw ang aking katakam-takam at kapagnasa-nasaang kagwapuhan?
SEX TOYS ARE OUR FUTURE
Gusto ko ring maging business tycoon someday. Gusto kong ungusan ang mga katulad nina Lucio Tan, Henry Sy, Manny Villar at mga Gokongwei. Kaya ko naman na talaga silang ungusan, kahit nga si Bill Gates kaya ko na ring tamblingan sa kayamanan niya. Ang problema, masaya pa ako sa mga stress sa buhay ko at wala pa akong sariling business. Medyo na-bore na rin akong higaan ang mga pera namin. Kaya nga ginagawa ko na lang singahan ng sipon ko kapag inaatake ako ng rhinitis.
Marami akong naiisip na pwede kong itayong business gaya ng sex den, human smuggling shop, illegal drugs drugstore, porn studio at kung anu-ano pa. Hindi lang sila akma sa aking wholesome, law-abiding at banal na pagkatao kaya hindi ko itinutuloy. Hindi rin maganda ang vibes ko sa mga nasabing business ideas dahil ikinonsulta ko yan sa mga experts at sa ever-reliable F.L.A.M.E.S.
Kaya naman ang naisip kong business someday…
MAGTATAYO AKO NG SEX TOYS STORE.
Well, marami na rin namang sex toys store sa ating bansa. Hindi nga lang ganun ka-boom pa. Though, marami na rin sa bangketa ang nagbebenta ng sex toys pero para sa akin gusto kong mas ma-establish pa ito. Heto ang gusto kong panapat sa mga tycoons ng mga malls at land developers. Naniniwala akong du-doble pa ang tinatamasa kong kayamanan sa pagtayo ng sex toys store at na-confirm yan ng F.L.A.M.E.S. Isa pa, ang sex toys ang magsasalba sa ekonomiya ng ating bansa.

Ang magiging pangunahing product ng sex toys store ko. (Girl not included because she’s wearing stockings)
Adverse Reactions:
Status
- Olive oil is now my favorite dressing for my Subway sandwiches. What's wrong with me?
- Don't wish, don't start. Wishing only wounds the heart.
- I just turned my social life to maskels.
Most Active Discussions
- WordCamping 2008 (41 comments)
- Do you know why? (30 comments)
- Damn You Ondoy (30 comments)
- GOODBYE. PAALAM. SALAMAT. (30 comments)
- Close Encounter of the Third Kind... AGAIN (24 comments)







