Sep 29, 2009

Damn You Ondoy

Nakakatakot itong nagdaang bagyo na si Ondoy. Dating bahain ang lugar namin, pero hindi umabot sa ganito kataas ang tubig sa lugar namin. Waist-deep ang baha sa loob ng bahay tapos sa labas naman chest-high at rumaragasa pa ang tubig. Parang rapids, kulang na lang yata ang mag-canoe ako sa baha. Kaya naman traumatized na ako sa ulan. Pati talsik ng laway ng kausap ko akala ko ulan na.

Isa ako sa nagkaroon ng superpowers that day. Ang bilis kong naakyat ang mga gamit namin sa 2nd floor at nabuhat namin ang mabibigat na gamit na hindi walang kahirap-hirap. Pero kahit naiakyat na namin ang mga gamit namin, nandun pa rin ang pangamba ko dahil rumaragasa pa rin ang tubig sa labas ng bahay namin at patuloy pa ring tumataas.

Hindi yan ilog, tapat ng bahay namin yan. Shot from 2nd floor.


Tinawagan ko na lahat ng santo; ang Sto. Niño, Sta. Barbara, Sta. Ana, Sta. Mesa, Sta. Claus. Lahat ng diyos dinasalan ko na rin para lang patigilin ang baha: ang Diyos Ama, si Allah, si Zeus, ang Dakilang Juday. Lahat tinawagan ko na, kaso parang pati kaluluwa ko inaanod na ng baha. Pati sina Darna, Superman, Captain Barbell, ZsaZsa Zaturnah at iba pang superheroes hiningan ko na rin ng tulong kaso wala pa rin.

Tapos, hindi ko pa magamit ang banyo ng bahay. Taeng-tae at ihing-ihi na ako, yun nga lang, may kakaibang mahiwagang halimaw sa loob ng inidoro namin. Kaya hindi ko magawang mairaos ang tawag ng kalikasan dahil baka biglang kagatin ng halimaw na ‘to ang aking patotoy. Ayoko, marami pa akong pangarap sa buhay.

Sunday ng 5am na bumaba ang baha. Kaya ngayon, super effort sa paglilinis kami ng bahay. Magpapalit na rin kami ng ilang furnitures na nasira ng baha. Baka bumili na rin ako ng canoe, just in case. Kaya kung meron mang kayong nais maitulong sa amin, okay lang na mag-donate kayo sa amin ng salonpas at omega painkiller. Samahan niyo na rin ng masseuse para mabawasan ng konti ang stress namin.

Huwag kayong mag-alala masyado sa akin. Hindi pa naman ako multo na nagba-blog dito. Buhay na buhay at mahalay pa rin ako. Kung meron mang dapat kayong alalahanin, yun ay ang mga taong nabiktima ng husto ng delubyong ito at mahihirapang makabangon ulit. Tulungan po natin sila.

Kasalukuyang tine-text ko si Pepeng na kung pwede wag na muna siyang dumaan sa bansa natin. Medyo mahina ang signal kaya siguro di pa siya nagrereply. Sana lang makarating sa kanya ang mensahe ko.

Ang iiwanan ko lang na tanong, tumangkad na ba si GMA?

15 people like this post.

30 Comments

  • Pakshet ang tindi ng baha. Buti naman at ligtas kayo.

    Reply

    Billycoy Reply:

    @Ade – I’m thankful na ligtas kaming lahat. Sa tita ko na nakatira nearby, hanggang kisame naman sa kanila. Safe rin sila, puro putik nga lang ang damit.

    Reply

  • LOL! I love this entry. Glad you’re safe. :)

    Reply

    Billycoy Reply:

    @Ria Jose – Thanks labs. Kung aanurin ako ng baha ng buhay hanggang Davao para lang sa’yo, ok lang sa akin. :P

    Reply

  • Nice to know that you guys are safe!

    Reply

    Billycoy Reply:

    @benj – Thanks. Sana di na maulit ‘to. Masaya na ako kahit pagpawisan ako sa tindi ng init ng araw.

    Reply

  • Ahahaha natawa ako dito, dude. Nakalimutan mong tawagin si Pacquiao.

    Reply

    Billycoy Reply:

    @L.A. – Bayani nga rin pala siya. Pati si Bayani Fernando at Bayani Agbayani nakalimutan ko ring tawagin.

    Reply

  • buti na lang at ligtas ka kundi mababawasan na naman ng gwapo sa pasay.

    Reply

    Billycoy Reply:

    @Micamyx – Thanks! Correction lang, MAWAWALAN hindi mababawasan. :P

    Reply

  • haha salamat natawa ako sa entry mo. hilong-hilo na ako sa mga balita. ingat ka, sana ayos na cr nyo :)

    Reply

    Billycoy Reply:

    @neva – Ok na CR namin. Sumakabilang buhay na ang mahiwagang halimaw.

    Reply

  • haha..ayos blog mo buti naman safe kau..tama ka ngyn bawal na mgreklamo kahit mainit at pawis na pawis oks lng bsta ndi na babaha ulit :D

    Reply

    Billycoy Reply:

    @j0j0 – Basta wag lang OA na init. Yung safe na init lang siguro.

    Reply

  • kami din nasalanta, katabi namin ang vista verde exec, ibang klase ang bagyong to. Ondoy you sak!

    Reply

    Billycoy Reply:

    @eRLyN – On the contrary, our butts were kicked by Ondoy.

    Reply

  • mabuti naman at ligtas ka… naalit ako kahit pano sa pagbabasa ng post mo hehe.. magingat at may paparating pa daw na bagyo..

    Reply

    Billycoy Reply:

    @melo – Salamat. Oo nga, si Pepeng nga raw. Nagreply na siya. Hindi na raw siya dadaan dito pero sisilip lang daw siya.

    Reply

  • nakakatakot nga. at balita pa mas malakas pa kay bagyong milenyo si peping. di pa ba sya nagrereply? di nya yata naresib yung txt mo billycoy. tsk

    Reply

    Billycoy Reply:

    @popoy – mas malakas pa nga si Peping. na-receive na niya text ko, sisilip lang daw siya sa northern area ng Pinas, kaya lang medyo busog siya ngayon kaya lumaki daw siya.

    Reply

  • buti naman at di ka napinsala masyado ng bagyong ondoy. thank god.

    Reply

    Billycoy Reply:

    salamat. matibay kasi ang virgin bubble ko.

    Reply

  • Wah, sa amin din sa Cainta until neck naman ang baha. T_T Curious lang po, pasintabi lang… ano yung halimaw sa banyo? Sa amin naman may nakatas daw na buwaya tapos may nakita pa kaming snake na lumalangoy T_T wag na sanang maulit itong baha. Mahirap kaya yung palaging grace under pressure.

    Reply

    Billycoy Reply:

    Isa siyang mabalbon na halimaw na mahilig magtago sa dilim.

    Reply

  • sino si dakilang juday? hehehe

    Reply

    Billycoy Reply:

    Siya yung artistang na kayang lumuha sa isang mata lang.

    Reply

  • dala
    w wang kal bo nag sabunu tan

    Reply

  • [...] This post was mentioned on Twitter by Virginia de Guzman. Virginia de Guzman said: Oi Billycoy you're so famous na! RT @mlq3: A lighter look at Ondoy: http://ping.fm/kxuiU [...]

  • [...] ang mga pangyayari last week. Pati nga bahay namin pinasok rin ng nakakapandiring tubig baha. Grabe ang pinsalang idinulot ni Ondoy sa Metro Manila kaya naman ang taas ng anxiety level sa [...]

  • [...] Typhoon Ondoy, see Gibbs Cadiz , Billycoy’s Blasted Brain Blogs , House of Squared 3.0 , Soapbox , Real Life Excerpts , Mrs. Supergrift’s harrowing account [...]

Leave a comment

Adverse Reactions:

Ang pagbabasa ng blog na ito ay maaaring magdulot ng matinding ng sakit ng ulo sa tiyan, pagsusuka, dyspepsia at di mapigilang paglabas ng tae. Nakakasanhi rin ang pagbabasa nito ng athlete's foot sa mukha, gingivitis sa mata at pagtubo ng sandamakmak na bayag sa talampakan. Maaari din itong magdulot ng pansamantalang pagkahibang at pagkawala sa sarili. Hindi rin maiiwasan ang pagkaadik at pagkahibang sa katakam-takam na kagwapuhan ng manunulat sa blog na ito. Pinapayuhan ang mga bisita na mag-ingat sa pagbabasa ng blog na ito.

Most Active Discussions

Kodakan

Acknowledgements

Salamat sa Page.ph bilang aking webhost. Ganun din sa SXC para sa mga images at sa macaroni para sa aking header. Higit lahat, sa aking kahalayan at kagwapuhan!

Certifications

Photobucket

Additional dosage:

Humor - Top Blogs Philippines Ratified.org Philippines